Chapter 43

429 30 1
                                    

Jen's POV

"Kailangan ba talaga ako magsuot ng Ganto, Lhinda?"

"Opo ate, kasi kung hindi magagalit si kuya Xian sakin. Yun ang Sabi nya"

Napabuntong hininga nalang ako at hinayaan syang ayusin ang buhok ko. Tulad nga ng sinabi ni Xian sa kanya, pinasuot nya ako ng bestida. Actually Hindi naman talaga sya bestida parang off shoulder dress na under knee ganun?  Ah basta ganun na yun

Abala si Lhinda sa pag aayos sakin. Hinayaan ko Lang naman sya gawin ang nais nya. Nasa kalagitnaan kami ng pag aayos ng maalala ko si saphire. Naisip ko lang kung kamusta na kaya yung babaeng yun, saan kaya sya nagtatago o nananatili, okay lang Kaya sya at nang ipinagbubuntis nya?

Kung ako siguro ang nasa pusisyon nya, siguro gagawin ko rin ang ginawa nya dahil gaya ng rason nya. Ano pang mapapala ko kung hindi naman ako yung Mahal ng asawa ko, alangan manatili parin ako sa tabi nya.. eh Hindi naman ako ang kailangan nya. Kung nananatili man ako sa tabi nya for the sake of our child... Hindi din magiging maganda ang kalalabasan, kasi hindi namin mabibigyan ng sapat na pagmamahal ang magiging anak namin kung maging sa saming dalawa ay hindi namin iyon magawa

Sa mga lumipas na mga ilang buwan, marami nang nangyari. Si Ivan ayun panay parin ang paghahanap sa asawa nya, si saphire ayun nagtatago nung last week tumawag sakin Tinanong ko kung nasaan sya pero hindi nya rin sinabi at naiintindihan ko naman yun. Si ate nanganak na nung nakaraang buwan babae ang anak lalake ang anak nya at pinangalanan nya iyong Cyrus Cola natawa pa nga ako dahil sa pangalawang pangalan eh ang Sabi ni ate dahil favorite nya raw ang cola kaya yun ang naisip nya. Kinamusta ko rin Sina Mama at Papa na ngayun ay kasama nila ate, maayus naman daw ang lagay nila at subrang natutuwa daw sila sa apo nila at masaya ako para sa kanila

Nang matapos nako ayusan ni Lhinda ay lumabas nako at pinuntahan ang lugar na sinasabi ni Xian na puntahan ko daw pagkatapos ako'ng ayusan ni Lhinda.
Sa labay iyon ng Vacation house medyo malayo layo ng konti. Lumabas nako ng gate at nagsimula ng maglakad papunta sa nag iisang daan papunta sa gitna ng gubat. Actually sa gilid Lang ito na parte ng bulubundukin na kung saan naka tayo ang vacation house sa pinaka gitna pero dahil madaming puno ay diko na Makita ang bahay mula dito sa kinatatayuan ko. Medyo malayo layo narin kasi ang nilakad ko. Hindi naman ako natatakod dahil madilim nakakainis lang kasi tong sout ko. Tsk

Di kalauna'y may Nakita akong liwanag at duon ko lang napagtanto na mga fairy lights yun na nasa dalawang gilid ng daan na parang binibigya'ng liwanag ang madadaanan ko. Napangiti ako sa aking nakita. Hindi ko akalain na mag eeffort sya ng ganto sa trabahusong bagay para sakin. Bagay na di nagawa ni Ivan sakin noon...

Gumagawa rin naman ng supresa si Ivan noon. Pero Hindi kasing Ganda ng ginawa ni Xian ngayon. Ito kasi parang pinapakita nya sayo Kung gano ka kahalaga sa kanya, Kaya ganito ka simple pero engrande ang dating ng kanyang supresa sakin.

Nakaka overwhelm..

Matapos kong sundan ang mga fairy lights ay napadpad ako sa may marami pang fairy lights pero sa pagkakataong iyon may kasama na itong lanterns na naka palibot sa buong lugar kasama ang mga fairy lights na naka lagay sa sanga ng mga puno. Sa gitna ay may mesa at dalawang magkaharap na upuan, may nga pagkain doon at wine. Huli na ng mapansin kong may mga petals pala ng pink na rosas sa lupa na aking kinatatayuan at sa dinaanan ko kanina dahil sa mga fairy lights. Naluha ako sa subrang pagka supresa sa ginawa ni xian..

"Do you like it?"

Biglang sabi nya mula sa likod ko dahilan para maiyak ako lalo at dahilan narin para mataranta sya at humarap sakin

"Why? What is it? You don't like it?"

Napangiti ako sa mukha nyang natataranta kung diko ba nagustuhan ang ginawa nya eh sa totoo naman ay gustong gusto ko iyon. Kaya niyakap ko sya dahilan ng pagkabigla nya

My Childish Boyfriend (Complete)Where stories live. Discover now