Chapter 44

359 23 3
                                    


Tatlong araw ang lumipas matapos nung gabing sinupresa ako ni Xian at ngayung araw ay uuwi na kami dahil wala naman sa Plano namin ang tumagal dito sa vacation house

Nalungkot si Manang Teresa at si Lhinda nang sabihin namin kagabi na ngayun ang araw ng uwi namin pero nangako naman si Xian na bibisita kami rito Kaya ayun medyo gumaan ang pakiramdam ng mag Lola

Maging ako rin naman ay nalulungkot rin dahil sa loob ng kunting panahon na nakasama ko ang mag Lola ang naging masaya ako pero kailangan ko narin talaga bumalik dahil may responsibilidad ako'ng dapat na gawin sa syudad at yun ay ang restaurant.

Habang nagmamaneho si xian ay hawak nya ang kaliwang kamay ko. Para'ng timang kanina kopa sya sinasabihan na ituon ang atensyon nya sa pagmamaneho pero ang Loko di paawat. Ang resulta tuloy ay hindi ko matigilan ang mapailing at matawa sa ginagawa nya

Sa loob ng tatlong araw matapos ang gabing yun ay mas lalong naging sweet at clingy si xian mas lalo syang naging maalaga.. pero di parin nawawala ang pagiging pala asar at ang mas malala pa mas lalong lumala pagiging Childish nya! Pero nag minsan nag seseryuso para'ng Ewan. Pero lamang pagiging Childish dun

"Sabi ko naman sayo mag focus ka dyan sa minamaneho mo!"Sabi ko at binawi Ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya

Napanguso naman sya sa ginawa ko at nagdadabog Kaya natawa ako. Ang cute

"Napaka Childish mo talaga ket kelan Xian"dagdag kopa

"I may be Childish but I can prove to you that once this childish fell in love he will love you till death do as part"

Nagulat ako sa biglaang pag seseryuso nya at Lalo na sa sinabi nya. Ano daw!?
Nakakaloka to'ng lalakeng to nakakagulat!

Ano daw?

I may be Childish but I can prove to you that once this childish fell in love he will love you till death do as part...

Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi nya. Pulang pula!
Nakita ko naman syang tumingin sakin at nakangising bumalik ang tingin sa daan

"Hindi naman halatang kinikilig ka no? Well Sino ba naman ang Hindi kikiligin kong kasing gwapo ko lang naman ang magiging boyfriend mo"

Mas lalo ako'ng nagulat sa sinabi nya. Ano daw? Boyfriend?

"Hoy! Ang assuming nito hindi Kita boyfriend no?"

Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha nya dahilan para itigil nya ang kotse sa gitna ng daan buti nalang kami Lang ang sasakyan na nandito kaya medyo nakampante ako ng kaunti. Gulat na gulat sya na parang isang alien words ang sinabi ko sa kanya

"Bakit hindi ba?"pag aalangan nyang tanong na may bahid pa ng pagkatakot

Aba Loko to ah!

" Oo, hindi"

"P-Pero sinabi mo sakin na Mahal mo rin ako diba? Kaya matik na tayo na yun!"medyo naiinis na Sabi nya

"Aba! Ang kapal ng mukha! Hoy porket sinabi ko sayo na m-mahal din kita ibig sabihin tayo na agad nun?"

"Oo kasi perhas naman natin na Mahal ang isat isa. I guess?"

"Anong I guess ka dyan! Ha! Nakakaloka! Hindi tayo no? Walang tayo!"

Nagulat ako ng bigla nyang pagnakaw ng halik sakin. Ngumisi lang sya na para'ng timang!

"Ilang beses na tayong nagkiss pero still Hindi parin tayo? Inamin mo narin sakin na Mahal mo narin ako but still Hindi parin tayo? Kakahalik ko lang sayo ngayun but still Hindi parin tayo.. kailangan ba halikan Kita ulit para maging tayo na?"

Nagulat ako sa sinabi nya at sinamaan sya ng tingin na ikinatawa nya

"Hindi ko pagaganahin ang kotse nato hanggat hindi mo pa sinasabi na tayo na balakajan!"

"Ano!? Nasisiraan ka naba ng ulo Xian pano pag may dumating na sasakyan dito at maabutan tayo dito sa gitna ng kalsada!?"

"Lalalala.. lalalalla... Lalalala"

"Xian--

Hindi natuloy ang pagbulyaw ko sa kanya ng may biglang malakas na busina ang nagmumula sa likuran ng sasakyan namin. At ng paglingon ko ay Isa iyong ten-wheeler truck na may maraming karga!

"Xian Ayan na may sasakyan na paandarin mo nato'ng kotse!"

"Lalalala.. alalalla"

Putangina!

Pagdipa kami nakaka alis dito siguradong babanggain kami nitong nasa likod pag nagalit yung driver nito

Anong gagawin ko!?

Bwiset! Bwiset!

"Oo, na! Oo, na!  Tayo na. Putangina naman eh!"

Nang marinig iyon ni xian ay pinatakbo nya ang kotse ng mabilis at inilabas pa ang ulo sa may bintana at nagsisigaw sigaw!

"Yohooo! HAHAH! Yeah!"

Tumingin nalang ako sa gilid ko at bumuntong hininga at unti unting ngumiti sa nangyari

My Childish Boyfriend (Complete)Where stories live. Discover now