Sorry kasi natagalan update ko Alam nyo naman diba? Estudyante ako at kailangan ko mag aral kahit nilalandi ako ng ML HAHAH di joke lang, kasi Wala rin ako masyado maisip na scene kasi drain yung utak ko kakaisip Kay crush joke. Kakaisip ng sagot sa module, sanaol may crush! Sanaol kinakrashback!
Jen'
Masarap naman talaga matulog... Lalo na pag humihilik yung katabi mo. Masasarapan ka talaga sa pagtulog!
Jusko kaloka! Madaling araw na Hindi parin ako nakakatulog. Pano ba naman kasi Ang ingay ng buong kwarto ko dahil sa hilik nito'ng katabi ko. Humihilik habang yakap yakap yung staff toy, at grabe naman kahaba nyang braso nya para maabot ako sa pagyakap nya!
Kaya nilayo ko yung kamay nya at tumalikod ako rito. Pero ang Loko pilit parin ako inaabot like what the hell?
Tumayo nalang ako at pumunta sa veranda para magpahangin. Angsarap magkape, malamig kasi ang simoy ng hangin.
Abala ako sa paglanghap ng hangin ng may magsalita sa likod ko
"Hindi ka makatulog?"
Tanong ni Xian sakin at tumabi sakin sa pag upo sa sahig.
"Oo, Hindi ako makatulog"
"Ako rin"
Nanlalaking mga Mata ko syang tinignan dahilan ng pagtawa nya
"Anong Hindi karin makatulog, eh anglakas nga ng hilik mo eh!"
Pero sa halip na sagutin ako at tumawa lang ito ng malakas na akala mo Wala ng bukas. tsk.
"Wait Lang"Sabi nito at tumayo kaya hinayaan ko nalang ito at nagpatuloy sa paglanghap ng hangin
Kasabay ng pagbalik nito ang pag lagay nito ng kumot sa likod ko para Hindi ako lamigin
Pero Ang akala ko ay may dala rin syang kumot, Yun pala ay tumabi ito sakin at nakihati ng kumot ko
Inayos nito Ang pagkalagay ng kumot sa likod ko. Pero Ang Hindi ko inaasahan ay Hindi na nya inalis ang braso nya sa may batok ko at talagang inakbayan na nya ako. Tinignan ko naman sya ng may pagtataka
"Ang smooth diba?" Natatawang pagtutukoy nito sa pamamaraan nya ng pag akbay sakin
Mag puprutesta pa Sana ako ng magsalita sya
"Wag kana'ng pumalag, gusto mo rin naman eh"
Magsasalita pa Sana ulit ako ng sumabat sya
"No more buts"
Wala na akung nagawa kundi ang ngumuso sa ere at tumingin nalang sa malayo pero ang loko tumawa lang
"You look so cute like---" pinutol nito Ang sasabihin ka nilingon ko ito
"Like what?"
Ngumiti muna ito at inipit sa tenga Ang mga takas kung buhok bago sumagot
"You look so cute like, like a baby"
Nagsisimula nanamang magkarera ang puso ko na para'ng Ewan nanaman!
Ano bang nangyayari sakin?
Sinubukan ko'ng kalmahin ang sarili ko at sagutin sya
"Baliw! Tigil tigil moko dyan sa kalokohan mo Xian nakakairita kalang"
Sandali syang natahimik at tumawa nalang
"HAHAHA nakakatawa ka talaga, namumula kana nga oh HAHHA, tell me sa inis bayan or---"pagpuputol nito
"Sa kilig"pag papatuloy nito
Tumigil Ang Mundo ko. Grabe seryoso masyado yung sinabi nyang iyon kahit pa naka ngiti sya, nagbibigay yun ng matinding epekto sakin. Grabe kinakabahan ako, sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sakin
Sandaling katahimikan ang namayani saming dalawa ni Xian matapos ang biruan nayun nya. Wala akung ibang ginawa kundi ang tumingin sa buwan at mga bituin na unti-unti ng natatabunan ng paparating na liwanag dahil madaling araw na. Napatingin ako sa wall clock ko at Makita ang oras doon, 4:15 na ng madaling araw at ito parin ako walang tulog pero gising na gising na amino'y nakainom ng isang drum ng kape
Maayos na Sana ang pagtitingin ko sa langit ng magtanong to'ng katabi ko
"Ayos naba ang pakiramdam mo?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"I mean, ayos naba ang pakiramdam mo..about him? About Ivan"
Dun ako natahimik. Ayos naba ako?
Sa totoo lang nakalimutan ko si Ivan kahit sandali lang at masasabi ko'ng para'ng unti-unti nako'ng naka move on sa kanya. Ewan pero yun ang pakiramdam ko eh na parang unti-unti ng nawawala ang feelings ko sa kanya, Ewan ko rin kung ano ang dahilanBaka dahil lang ito sa prisensya ni Xian ngayung kasama ko na sya ulit. Ganun naman palagi eh, kapag kasama ko sya. nakakalimutan ko ang lahat at tanging alaala lang namin na magkasama ang diko nakakalimutan
Ano ba talaga ang nangyayari sakin?
Ano bang ginagawa mo sakin Xian?
Bakit ako nagkakaganito dahil lang sa prisensya mo ay nakakalimutan ko ang lahat?
Ano ba ito?
Nagugustuhan naba Kita xian?
Kung kaya't ganun nalang kadali mo'ng tulungan akung maka move on?
Naguguluhan ako!
Nagugustuhan naba Kita?
Ano bang nangyayari sakin!?
_________
Can you please tell her, anong nangyayari sa kanya? Kawawa naman kasi eh. Char LangPlease don't forget to follow, vote and comment
Instagram:
aprilkeithababonFacebook:
April Keith AbabonLovelots:>
YOU ARE READING
My Childish Boyfriend (Complete)
RomanceThis is my first ever story please read and enjoy thanks 🥀