"Ano'ng gusto mo'ng meryenda?"
Tanong ko kay Xian na busy kakanood ng movie sa living room. Nandito kami ngayun sa condo ko nagtatambay habang wala ako'ng trabaho ngayun araw."Ice cream nalang, pwede?"
Ngumiti nalang ako at pumunta sa kusina para kumuha ng dalawang ice cream sa fridge at dalawang kutsara bago bumalik sa living room at umupo sa tabi nya. Iniabot ko naman Kay xian Ang ice cream na hawak ko at nagsimula'ng kumain
"Nakakainis ka talaga! Diko parin makalimutan yung ginawa mo kahapon sa gitna ng daan! Nakakainis!"
Si Xian naman ay ngumiti lang tas nagpatuloy sa pagkain ng ice cream nya Kaya napanguso ako. Tsk! Nakakainis talaga at nakakahiya yung ginawa nya
"Gagawin ko ulit yun pag niyaya kitang magpakasal"biglang sambit nya Kaya biglang namula ang mukha ko
"Kasal? Mukha mo! Kasal-kasal ka pang nalalaman dyan!"
Nang makarating kasi kami dito sa condo ko kagabi galing sa mahabang byahe ay inaway ko sya dahil dun sa ginawa nya pero Ang loko tawa lang ng tawa. Natigil lang ang pang aaway ko sa kanya ng may tumawag saking unknown number at nang sagutin ko ay dun ko napag tanto kung sino iyon. Si Sapphire.
Ang sabi nya ay balak nya umalis ng pilipinas at lilipat sa ibang bansa. Tinanong ko naman sya kung saa'ng bansa iyon, luckily naman at sinabi nya. Sa Norway nya balak pumunta. Ang Sabi nya napili nya dun kasi may village daw ang friend nya na isinuggest sa kanya. malayo iyon syudad at napakatahimik at relaxing doon, pwedeng pwede daw sa pagbubuntis nya. Tinanong ko rin sya kung nagkita na ba sila ni Ivan at Ang Sabi nya ay
"no, jen. At kahit kailan hindi na nya kami makikita pa ng anak ko. Sawa na ako sa kanya, ayoko na magpakatanga pa dahil sa kanya" ganun. May diin pa nga nung pagbikas nya nun. Sinabi ko nalang na pag may time ako bibisitahin namin sya ni Xian dun na agad nya namang ikinatuwa. Ang Sabi nya pa ay tatawagan nya ako pag nakarating na sya runNapabalik ako sa wisyo ng hawakan ni Xian ang kamay ko. At ng paglingon ko rito ay Nakita ko syang nakangiti sakin. Magaan lang ang pagngiti nya, para bang pinapagaan ang loob mo
"Gwenchana?"Sabi nya na ikinalito ko
"Huh?"ulat ko na ikinatawa nya ng malakas dahilan para mas malito ako. Tinanong ko pa sya kung anong nakakatawa pero mas lalo lang naging malakas ang pagtawa nya. Napaka isip bata talaga!
"Sige tumatmwa ka lang dyan Wala kang ulam mamaya. Manigas ka!"Sabi ko pero tawa parin sya ng tawa Kaya naiinis ako'ng tumayo at aalis na sana pero hinila nya ako paupo sa sofa at natatawang inakbayan
"Gwenchana means, Are you alright"paliwanag pa nito habang natatawa paring naka akbay sakin
"Korean words yun, pero dahil di mo alam at ganun ang reactions mo Kaya ayun natawa ako"Sabi nya pa at tumawa ulit "Ang panget ng mukha mo nun Jen. Sayang at diko yun nakuhaan ng picture!"dagdag nya pa"Panget pala ah!? Sige bahala ka dyan sa buhay bwiset ka!"singhal ko sa kanya at tatayo na Sana ulit ng pigilan nanaman ako
"Joke Lang eh! Eto na, sorry na. Baka hiwalayan moko bigla dyan"
"Oo, gagawin ko yun kasi ampanget ng ugali mo para maging boypren!"
"Ano! Hindi pwede no! Hindi moko pwede hiwalayan!"
"HIWALAYAN!?"
natigil ang kulitan namin ni Xian ng may biglang sumigaw nun mula sa likuran. It was Alexandra kasama nya ang boyfriend na si Matt na tahimik lang na makikinig samin
"Oh My God! Don't tell me----
"Ang OA mo talaga!"pagpuputol ko sa ka-OA-han nya
"Don't tell me kayo na!?"
Nagkatinginan naman kami ni Xian at sabay na tumayo at humarap sa dalawa. Lumingon ulit ako kay Xian na nahuli ko'ng nakatingin sakin, nginitian nya ako bago nya hinawakan ang kamay ko at tumingin Kay Alexandra
"Oo, kami na" sagot nya na ikinangisay at ikinasigaw ng kaibigan ko ng malakas, pinaghahampas pa ang jowa na gulat dahil sa ginawa ng girlfriend nya
"What was that for?" Tanong pa nito at hinimas himas ang braso
"Eh kasi kinikilig ako sa kanila eh! Kyaaa!"sagot ng kaibigan ko at hinampas ulit si Matt dahilan para matawa ako
Marami pa kaming napag kwetuhan habang kumakain dito sa condo ko. Si Alexandra naman ay tudo kilig parin na para'ng ewan pero natigil naman na sa paghahampas Kay Matt ng sabiha'ng masakit ang ginagawa nya
Tumagal ng kunti ang mag jowa dito sa condo dahil nagkayayaan pa kami'ng mag inuman dahil mag cecelebrate daw kami dahil engaged na pala ang dalawa. Syempre pumayag ako, subrang saya ko nga para sa kaibigan ko. Masaya ako para Kay Alexandra, sa kanilang dalawa ni Matt...
YOU ARE READING
My Childish Boyfriend (Complete)
RomanceThis is my first ever story please read and enjoy thanks 🥀