Chapter 42

444 22 1
                                    

Jen's POV

"Gusto mo kape?"

"Gusto mo juice? Coke?, RC?, Royal?, Milktea?.. ay wala kami nun"

"Gusto mo Alak?"

Tinignan ko ng masama si xian sa huling sinabi nya. Hibang ba sya? Kay aga-aga alak ipapainom nya sakin? Nakakaputangina naman nyang alok nya! Ganun naba talaga ako ka lasingera sa paningin nya? Ang pangit ng ugali nya kung ganun no!

"Eh. sorry na kasi, ikaw naman bad trip ka kaagad dyan"

"Eh sinong hindi maba-bad trip sa ginawa mo? Alas dos' palang ng madaling araw kumakatok kana sa kwarto ko at nagtatatanong kung gising naba ako? Ikaw ang lakas din ng trip mo no?"

Pero sa halip na humingi ng tawad ang bumungis-ngis lang ito na parang Ewan. Tsk.

"Tubig"

"Huh?"

Tinarayan ko sya bago nagsalita ulit

"Tubig Xian, tubig gusto ko hindi alak, hindi milktea at kung ano-ano pa!"

Tumawa lang ito at kumuha ng tubig sa ref at nagsalin sa baso bago ibibigay sakin na sya agad kong ininom para mahimas-masan ang pag iinit ng ulo ko

Matapos kong uminom ng tubig ay sya ring pagsidatingan ng mga kasambahay sa Vacation house. Nagulat pa nga ang mga ito ng madatnan kami sa kusina, pano ba naman kasi hindi pa sumisikat ang araw heto na kami gising na. Tsk.

"Juskong mga Bata kayo, kay aga nyo naman ata nagising? Gutom naba kayo?"

Tanong nung matandang kasambahay na nagngangalang Manang Teresa, katabi nito ang 13years old na apo na si Lhinda

"Ah, Hindi pa po kami gutom Manang' sa totoo lang po sinadya talaga naming gumising ng maaga kasi kami po ang magpapakain sa mga gansa"

Nagulat ako sa sinabi ni xian at muntik pa ako'ng masamid sa sariling laway!

Ano!? Kami ang magpapakain sa mga gansa!?

Dahil dun sa sinabi ni xian ay natuwa si Manang Teresa dahil sa ganung paraan daw ay maranasan rin daw namin ang gawain sa probinsya etc. Chuchu

At yun na nga ang gagawin namin. Nagsuot kami ng bota para hindi kami madulas sa putikan. Buti nalang naka pedal shorts ako kaya makakagalaw ako ng maayos yun nga lang puti yung t-shirt ko

"Mukha naba ako'ng taga probinsya jen?"

Tinignan ko si Xian na ngayun ay naka bota narin naka t-shirt syang brown at katulad ko naka pedal shorts din syang itim

"Mukha kang tae"sagot ko na ikinanguso nya kaya natawa ako

Naglalakad nako papasok sa kulungan ng mga gansa dala ang timba na naglalaman ng pagkain nila ng may marinig akung bumubulong sa likuran ko

"Anong binubulong-bulong mo dyan? Nilalait moko no?"

"Hindi ah? Assuming ka! Kausap ko yung gansa no"Sabi nito at tinuro yung gansa na nasa gilid nya tumitingala sa kanya at sa hawak nyang timba

Baliw ba sya? Pag talaga yang gansa magsalita tignan natin kung di sya magkanda baliw-baliw kaka takbo. Tsk.

My Childish Boyfriend (Complete)Where stories live. Discover now