Nagising ako sa amoy ng niluluto na nagmumula sa kusina agad ako'ng bumangon at mapangiti sa nakitang gold fitted gown na naka hanger. Today was Alexandra and Matt's Wedding at sobrang excited na ako para sa kasal nila mamayang hapon
Ng matapos nako maligo ta magbihis ay lumabas nako at pumunta sa kusina kung saan nakita ko si Xian na busy sa pagluluto ng agahan namin. Simula kasi nung dito na sya ulit nanalagi sa condo ay sya na ang laging nakatoka sa pagkain, ako naman sa hugasin, sya sa paglilinis ng buong condo, at sabay naman kami sa labahin. Kanya kanya kami sa paglalaba ng mga sarili naming damit at syempre hati kami sa gastusin tulad ng groceries at kung ano-ano pang bilihin at gastusin
"Good morning!" Bati nya sakin ng matapos sya sa ginagawa at nakapaghain na. Naupo naman ako sa tabi nya at nagsimula na kaming kumain
"Himala! Masarap luto mo ngayun ah!"pang aasar ko sa kanya. Kahit kelan naman eh laging masarap luto nya
"Excuse me!? I'm a chef! At masarap ang mga luto ko. Ikaw nga'ng nutritionist tamad magluto!"
Pinandilatan ko sya ng Mata dahil sa sinabi nya pero ang loko tinarayan pa ako. Aba ang angas pre!
Hindi ko nalang sya pinansin at kumain nalang, maayos na sana pagkain ko kung di lang ako nakakarinig ng bulong mula sa kanya
"Ano ba'ng inirereklamo mo dyan ah!?"naiinis na tanong ko sa kanya
"Ikaw kasi! Tamad tamad mo!"
"Aba! Hoy! Baka nakakalimutan mo, nandito sa sa puder ko nananalagi. Ungas ka!"
"Kung ungas ako. Ikaw naman panget!"
Gulat ako'ng napanganga sa ere dahil sa sinabi nya. Ako panget!? Kung ahitan ko Kaya ya'ng pagka kapal-kapal nyang kilay! Panget pala ah!
Tumayo ako at lumapit sa kanya, sya naman ay nagulat pero tinaasan rin ako ng kilay na para'ng naghahamon ng makabawi at nag cross arms pa. Itinukod ko ang isang kamay ko sa mesa at bahagyang yumuko papalapit sa kanya
"Hoy, makinig ka. Kung nagrereklamo ka na tamad ako kasi pakiramdam mo ikaw na gumagawa ng lahat ng Gawain dito, pwes Isa lang ang sasabihin ko. WALA AKO'NG PAKEALAM!"
tumayo nako ng maayos at pumunta sa counter top para magtimpla ng kape. Sya naman ay pumapadyak ang mga paa habang nagrereklamo, Napailing nalang ako at natawa. Pambihira! Ano ba'ng inirereklamo nya? Hati Kaya kami sa Gawain dito sa condo, palayasin ko Kaya sya!?
*
*
*Busy si Xian sa pag da-drive ng kotse. Papunta na kami ngayun sa simbahan kung saan gaganapin ang kasalan nina Matt at Alexandra, Hindi ko mapigilang hindi ma excite syempre kasal to ng matalik ko'ng kaibigan at sobrang saya ko para sa kanya. Hiling ko'y sana ay maging masaya ang pagsasa nila ni Matt bilang mag asawa, puno ng pagmamahal sa isat isa at higit sa lahat, sana ay alagaan at aalalayan ni Matt si Alexandra ng mabuti sa kahit anong sitwasyon na kakaharapin nila, mahirap ang mag Isa lang. Anyway speaking of 'mag Isa lang' kamusta na kaya si saphire ngayun? Hindi ba sya nahihirapan sa sitwasyon nya ngayun? sya Lang mag Isa at walang kaagapay, Alam ko'ng malaki na pagkaka-umbok ng tyan nun ngayun, naaawa ako at nag aalala sa kanya at the same time. Nakakain nya Kaya lahat ng mga pagkain na ikini-crave nya? Naiinom nya Kaya ang vitamins nya? Sino nagluluto ng pagkain para sa kanya? Sinong kasama nya tuwing magpapa check up? Naiinom nya kaya yung gamot nya pag nanghihilab ang tyan nya? Pano pag nahirapan sya maglakad dahil sa bigat ng tyan nya? Sino tumutulong sa kanya?
YOU ARE READING
My Childish Boyfriend (Complete)
RomanceThis is my first ever story please read and enjoy thanks 🥀