Chapter 49

347 21 0
                                    

"Tapos kana?"

Tanong ko kay Xian at sinilip ang ginawa nya. Natawa naman ako nang Makita ang mukha nya

Pawis na pawis ito at halatang nahihirapan sa ginagawa nya. Naglalaro kasi kami at nagpupustahan, syempre dahil may pustahan kailangan mahirap yung lalaruin namin, Kaya naisip ko na ang lalaruin namin ay soap carving may mga picture kami na bubunutin at para gayahin namin sa pag carving may easy and hard portion ang mga pictures at ang nabunot ko'ng ay isda Kaya mabilis ako'ng natapos at ang mas nakakatawa ay yung nabunot ni Xian. Lutos Kaya Alam ko mahirap yun

"Nangangamoy talo ah?"pang aasar ko, bumuntong hininga naman sya at binato ang sabon sa sofa at sumandal. Natawa ako sa inasal nya at ibinuka ang isang palad ko

"Natalo ka, akin na ya'ng pusta mo"

Pero imbes na ibigay sakin ang pusta nya ay kinuha nito ang sabon na ginamit ko sa pag carving at binali ito

"Ayan talo kana rin kaya quits lang tayo"

"Aba ang daya nito ah! Akin na yung pera"Sabi ko at hinampas hampas sya sa dibdib na agad nya nama'ng hinuli ang dalawang kamay ko at hiniga ako sa sahig at dinaganan ako sa tyan. Ang bigat!

"Aha! Talunin mo muna ako sa wrestling!"Sabi nito at mas lalo ako dinaganan. Hinahanpas nya pa yung kamay nya sa sahig at nagbibilang tulad ng ginagawa ng mga referee sa mga boxing at wrestlings

Kaya bago pa sya matapos sa pagbibilang ay kiniliti ko ito sa tagiliran para matigil sya at umalis sa pagkakadagan sakin para dipensahan ang sarili nya. Nagkapalit kami ng pusisyon at sya na ngayun ang nakahiga sa kakatawa dahil sa pangingiliti ko

" Tama na!" Natatawang sigaw pa nito pero diko sya tinigilan at kiniliti pa sa kili-kili na mas lalo nyang ikinatawa

Ako rin ay natatawa narin dahil sa reaction nya. Tumatawa at sumisigaw na para'ng bading. Patuloy parin kaming nagkikilitian nang biglang tumunog ang phone ni Xian sa sofa kaya tinulungan nya ako'ng bumangon at pinuntahan ang phone nya, sumenyas ito na sasagutin ang tawag kaya tumango ako bilang tugon at pumunta sya sa may bintana, ako nama'y niligpit ang kalat namin.
Nang makabalik sya ay malalim ang iniisip nito

"Sino yun?"tanong ko pa

"Ah nothing"sagot nito Kaya tumango lang ako. May tiwala naman ako sa boyfriend ko no dzuhh

"Ah Jen? Bibili lang ako ng ice cream sa grocery store, pansin ko kasi Wala na tayo'ng ice cream sa ref"

Pumayag naman ako sa sinabi nya, Wala na rin kasi talagang ice cream sa ref kaya mas mabuti nang bumili sya ng stocks alam ko namang ice cream talaga paborito ng lalakeng to

Umupo ako sa sofa at nanuod ng movie habang hinihintay syang dumating, di ko namalayan na nakadalawang movie na pala ako. Abala ako sa panunuod ng maalala ko nung una kami'ng nagkakilala ni Xian, natawa pa nga ako ng maalala ang araw na yun

"Ahhh!"

"Tss.. Ayan kase di tumitingin sa dinadaanan, ka lalakeng tao lampa!"

Yun yung araw na una ko syang nakita, sa may eskinita. Napangiti nalang ako sa mga alala na nangyari sa buhay ko, hindi lang alaala namin ni Xian. Pati narin ni alexandra, Xander, Saphire at lasly kay Ivan

"Nakikinig kaba?"

"Ahh.. Oo nakikinig ako"

"Kung nakikinig ka talaga, ano yung sinabi ko sayo?"

"Sabi mo May handaan mamaya kina aleng betchay"

"What the hell!"

Napatawa ako ng malakas dahil sa alaalang yun. Grabe kung ako ang nasa sitwasyon ni Ivan ng araw na yun talagang maiinis din ako sa sinagot ko sa kanya

Hasyt! Angdami talagang nangyari sa akin sa nagdaang panahon. Pinaramdam nito sakin ang galit, lungkot at sakit pero sa kanila ng lahat ng iyon may mga iilang mga Tao ang nagparamdam sakin ng tuwa, saya at higit sa lahat pagmamahal at nagpapasalamat ako sa mga tao'ng nagparamdam sakin nun lalo'ng Lalo na ang pinakamamahal ko'ng si Xian na Hindi ko inaasahan na mamahalin ko pala ng ganto sa labis. Sobrang saya ko at sya ang binigay sakin ng diyos at nangangako ako'ng pahahalagahan at mamahalin ko ang regalo'ng ito na binigay nya sakin sa kahit at sa ano pa'ng paraan

________

HI! READY NA BA KAYO TO SAY GOODBYE TO MCB? WELL, WELL, WELL! ABANGAN SA AKING MGA PASABOG AND EXPECT THE UNEXPECTED. MALAPIT NA!

don't forget to follow vote and comment

Kapit lang bunnies!

My Childish Boyfriend (Complete)Where stories live. Discover now