Jen. POV
Tangina!!!
"Hehe naiwan mo kasi yung credit card mo kanina na ginamit ko pangbayad sa ice cream hehe" tangina mo jen any tanga mo!
Pero teka pano nya nalaman yung condo ko?
"Pano mo nalamang nandito ako?!" May bahid ng pagka iritang tanong ko
"Sinundan kita hehe" Parang timang nanaman na sagot nito
"Eh kung sinundan moko bat basang-basa ka ng ulan?" Takang tanong ko, kung sinundan nya ako di sana di sya nabasa kanina pa ako naka uwi e
"Eh kasi" ngumuso ito "ahh basta hehe" weirdo talaga
"Akin na" nilahad ko yung kamay ko
"Ang alin?" Timang talaga
"Young credit card ko!" Inis na sagot ko
"Ahh eto po!" Masayang sambit nito at ibinigay sakin ang card
"Oh ano pang hinihintay mo umiwi kana sa inyu!" Sambit ko at aktong isasara na ang pinto ng bigla itong nagpumilit na pumasok
"Sigi na please... Payag kana ako tira dito please.." Parang batang nagmamakawang akto nito
Hinawakan ko yung ulo nya para ilayo sya sa sakin ng maramdaman ko ang init ng noo nito..
Inalis ko agad yung kamay ko dahil parang mapapaso na sa init
"Please..." Pagmamakaawa nito na nag puppy eyes pa
Napa buntong hininga nalang ako at tumingin sa kisame bago bumalik ng tingin sa kanya
"Sigi na nga..wala na akung choice e kainis ka!, pumasok kana" walang ganang sambit ko na ikinatuwa nya at..
At sa pangalawang pagkakataon..
Bigla nya ulit akung niyakap pero sa pagkakataon na ito sobrang higpit nun kumpara kanina..
Pumasok ito sa loob na yakap-yakap ang sarili at nag tatalon sa tuwa tss...
"Oh ayan tuwalya maligo dun sa banyo at may damit ako dun wag kang mag alala may panglalakeng damit dun" sambit ko at binigyan sya ng tuwalya
"Yey!.. Salamat ahh"at niyakap nanaman ako
"Sige ligo muna ako hehe" sambit nito at tumakbo papuntang banyo TSS...
Pumunta muna akung kusina para mag handa ng hapunan mukhang matakaw ang isang yung kaya damihan ko na..
"Tapos na akong maligo!!" Masayang sambit nya at tumakbo papunta sa kusina at umupo
Kapal!! di man lang ako tinulunganng mag hain ng pagkain
"Mabuti kung ganun nag luto ako ng garlic chicken kumain na tayo" walang emosyong sambit ko at nilapag ang nga pagkain sa lamesa
"Woahh!! Chicken!! My favorite!" Sigaw nito, hindi naman sya gaanong excited mga 100 percent lang ganun
Kukuha na sana ako ng kanin at aktong kakain na ng hampasin nya yung kamay ko, nong problema nya?!
"Problema mo totoy?!" Inis na tanong ko at hinimas-himas ang kamay ko grabe sakit nun ah!
"Hindi totoy ang pangalan ko! Xian, XIAN" at talagang pinagdidiinan nya pa talaga yung xian?!
"Oh! Ano bang problema mo totoy XIAN?!" Pinagdiinan ko rin yung xian, kala mo ah!
"Hindi kaba marunong magdasal bago kumain?!" Iritang tanong nito at inirapan ako, yung totoo bakla ba to?
"Ewan ko sayo!" Sagot ko at aktong kakain na nga hampasin nanaman nya ang kamay ko, ahh! Sarap manapak!
"You should pray first" sa pagkakataon yun bigla syang sumeryuso kaya medyo natakot ako sa mata nya na nakatitig sakin, kulay brown ito at ang pink at nipis ng lips nya na may mahahabang pilik mata at makapal na kilay, matangos ang ilong.
"Hey!" sigaw nito at sinampal ako kaya napabalik ako sa wisyo, ang sakit nun ahh
"Ha?"
"Kanina pa ako tawag ng tawag sayo pero nakatulala ka lang eyss!" nakangusong sambit nito na amino'y nagtatampo
"Ahh ehh pasensya na" nahihiyang ngumiti ako sa kanya
Ano kaba naman jen nakakahiya ka!
"Okay fine let's eat!" Masayang saad nito at nauna ng kumain, napailing nalang ako dahil sa nangyari
Nakakahiya!
YOU ARE READING
My Childish Boyfriend (Complete)
RomanceThis is my first ever story please read and enjoy thanks 🥀