CHAPTER 3

7 1 0
                                    


BIBIANNA POV

nakahanda na sana ang mga tauhan nang nanalo para makuha kami ng kasama ko. Tapos grabe pa makatingin yung lalaki kanina ansarap patayin.

Wala kaming ginagawa kundi ang sumunod kung saan ang labas ng Bayan kasi andun ang sasakyan. habang nag lalakad kami nag iisip na ko ng plano. Napansin ko din na nanginginig na ang kasama kong babae kanina pa kaya hinawakan ko ang kamay nya. at bunulungan.

"Pag kadating natin sa daungan ng Bayan tatakas tayo" bulong ko sa kanya at nabigla naman sya sa sinabi ko kaya nginitian ko lang sya para gumaan ang loob nya. Kaya nginitian nya din ako.

Inantay naming makarating kami sa daungan ng Bayan

Malapit na kami dun ng maka kita ako ng kahoy kaya agad ko iyong kinuha at inilagay sa likod ko para hindi nila Mahalata.
Binuksan na ng lalaki ang sasakyan saka tumingin samin.

Nginitian ko sya ng malapad at sumenyas na sa babaeng kasama ko na pumunta sa gilid, yung lalaki naman ayy pupuntahan sana sya at hindi ako napansin kaya ginawa kong chance yun para hampasin sya ng malakas at natumba naman sya kaya dali dali kong hinawakan ang babaeng kasama ko at dali dali kaming tumakbo sa gubat.

Di pa kami nakakalayo ng nakatayo nanaman yung lalaki kaya maaabutan na nya sana kami ng may na isip akong plano kaya pinauna ko muna ang kasama ko at humarap sa lalaking malapit na sakin ng bigla syang napahinto.

Napa ngiti ako ng mala demonyo ng makita ko ang mukha nyang nagtataka kaya ang ginawa ko ay nag palabas ako ng apoy ng hindi nya nahahalata at ipinakalat sa paligid nya.

Kaya ngumiti ako sa kanya na gulat na gulat padin ang mukha at nag babye pa ko mukha lang akong tanga na nag papaalam sa kalaban.

Hinanap ko na ang kasama kong babae para maka alis na kami  at makahanap ng pag kain. Nahanap ko sya na hingal na hingal sa gilid ng puno.

"Ayos ka lang?" Sabi ko sa kanya at agad nya naman akong nilingon at dali daling pumunta saken sabay yakap ng mahigpit. Hinayaan ko na lang syang gawin nya yun hanggang sa humiwalay din sya.

"Akala ko may nangyare ng masama sayo, akala ko mag isa nanaman ako." Sabi nya na may lungkot na nakikita sa mukha.

"Hindi kita iiwan kahit ngayon pa lang tayo nag kikita" Sabi ko na may ngiti sa mga labi ko.

"San na tayo pupunta hindi pa tayo kumakain simula umaga" Sabi nya ng malungkot.

"Mag lakad lakad na lang muna tayo hanggang sa may mahanap tayong bahay pwede tayong makahingi ng tulong wag kang mag alala" nakangiti kong sabi

Kaya nag lakad lakad na lang muna kami kahit pagod na pagod na kami at gutom na gutom na kami.

"Pahinga muna tayoo saglitt mainit na eh" Sabi ko sa kanya kasi kanina pa sya pagod kaya nag pahinga muna kami.

Hanggang sa medyo kumulimlim kaya nag patuloy na kami sa pag lalakad. at may nakita na kaming may bahay sa di kalayuan kaya dali dali kaming nag lakad pa punta doon, pinauna ko na sya dahil halatang pagod na pagod na talaga sya.

Habang pinag mamasdan ko syang papalapit sa bahay sumagi sa isip ko ang napulot kong kwintas kaya dali dali ko itong kinuha sa bulsa ko at sinoot ko agad mamaya baka mahulog pa at mawala sayang naman toh ang ganda pa naman.

Nag lakad na ko at sumunod sa kanya naalala kong hindi ko pa pala sya kilala, mamaya ko na lang sya tatanungin mukhang kailangan nga talaga naming mag pahinga.

Nasa harap na kami ng bahay at kumatok na ako ng tatlong beses. At inantay na muna naming bumukas ang pinto hindi naman ako nabigo kasi bumukas nga at iniluha nun ang lalakeng medyo may katandaan na.

"Anong maipag lilingkod ko sa inyo binibini" Sabi nya sa sobrang Lalim na boses.

"Pwede po bang dito muna kami tumuloy kung maaari kasi po wala kaming matutuluyan" magalang na sabi ko sa matanda

"At sino naman kayo para pumasok sa aking pamamahay? " hindi sya galit sa pananalita nya parang sinusubok nya kami?

'Mhmhm? Masubukan nga din' nasabi ko na lang sa aking isipan.

Dont forget to vote and comment🙃

the goddesses of EmeteriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon