CHAPTER 16

1 1 0
                                    


TIM POV

My name is Timothy Collins I'm 18 nag lalakad ako ngayon sa Bayan na ayaw na ayaw ko dahil maingay at masikip kaya nga palagi akong nandito sa taas ng temple at sure akong walang makakakita saken.

Nag mamasid-masid lang ako sa baba hanggang sa may nakatawag ng pansin ko yun yung babaeng nakatayo sa gilid.

Bago lang kaya toh? Base sa mukha nya ngayon ko lang sya nakita dito sa Bayan na toh.

Nakatayo sya sa gilid na parang may hinahanap hindi ko masyadong makita ang mukha nya dahil nakatagilod sya saken ang kulay ng buhok nya ay kulay abo at medyo mahaba din, bigla syang umupo sa gilid at paharap yun saken kaya nakita ko ang mukha nya at napatulala na lang ako.

Ang mata nya ay kakaiba kapareha din ng buhok nya talaga ngang ngayon ko lang sya nakita sa Bayan na ito, masasabi kong maganda nga sya *_* oo sobrang ganda nya.

Bigla syang napatingin sa akin kaya napakunot noo ako kasi wala namang nakakakita saken ah? Baket sya nakita nya ako sa taas ba naman nitong temple natoh?

Tatayo na sya ng bigla ko syang hinawakan at teleport na lang ako.

Nung araw na makita ko sya ng malapitan maaaring inlove na ako sa kanya dahil sa sobrang ganda nya at nung araw na nakita ko sya sa gubat hindi ko alam kung sinadya o hindi ang pag kikita namin.

Kasi nung araw na yun pupunta sana ako ng library kasi gabi ako nag babasa para wala talagang ingay pero nung araw na yun may nakita akong taong papuntang gubat at hindi ko alam na nandun din pala sya nakita ko na lang syang palabas sa gubat kaya nag teleport agad ako sa harap nya na syang kinagulat nya at muntik pang mahulog buti nahawakan ko sya agad.

"IKAWW" sabay naming sabi

"Pati ba naman dito sinusundan moko?" Sabi nya Kaya napataas ang kilay ko at sya namang pagtawa nya

Hindi ko alam pero bumilis ang tibok ng puso ko at tila bumagal ang oras habang ako ay nanatiling titig na titig sa pag tawa nya.

"Bat ka tumatawa?" Yun na lang ang nasabi ko na kunyare ay naiirita pa hindi nya ako pinansin kaya naglakad na sya pero napahinto sya nung nagsalita ako.

"Sino ka ba talaga..." bigla na lang lumabas sa bibig ko

"Bakit napapabilis mo ang tibok ng ....puso ko" sunod ko pang sabi pero parang hindi nya narinig....

Hanggang sa nakita ko nanaman sya at nung inaya ko sya na maging fake girlfriend ko sya dahil sa mga babaeng nakakairita sa mata ko pero hindi sya pumayag.

At nung inaway sya nung mga means girls sa school na toh nilakasan ko na din ang tawa ko para mapansin nya ako pero parang ako ang nainis sa poker face nyang mukha at nung pinalitan nya ang ayos nya sa itim na buhok at itim na mata at napansin ko din na medyo dark pina brown nya ang balat nya pero napansin ko padin na sya yun.

Hindi ko alam kung sino ba talaga sya at kung bakit napapabilis nya ang tibok ng puso ko kahit wala namang dahilan ano bang meron sa babaeng ito!?.

Andito ako ngayon sa palasyo ng magulang ko tinawag nya kasi ako dahil may papagawa saamin.

Kaming lima lang kasi ang pinaka malakas sa school na yun at sinasabak sa malaking misyon.

Nauna na akong nakapunta dito sa mansyon para makapag dinner.

"Mom, dad" Sabi ko sabay halik sa pisngi nila

Andito na pala kami sa mahabang lamesa na apat lang kami

Kasi hindi pa dumadating ang mga kaibigan ko, ako si mom and dad at ang kapatid kong babae.

"How's your day son" agad na sabi ni dad

"Boring" Yun na lang ang sinabi ko at hindi na sinabi pa ang tungkol sa babaeng yun hays..

"Hello po tita and tito" Sabi nung maingay na kaibigan ko.

"Ohh andyan na pala kayo halikayo at may paguusapan tayo tungkol sa misyon nyo." Agad na sabi ni dad kaya napa seryoso kaming lima dahil alam naming pahihirapan nanaman kami sa misyon na yan.

Nag siupo naman silang lahat

"Kamusta ang unang pasok nyo sa school?" Sabi ni mom.

agad na nagsalita si julia ang maingay samin.

"Ayos lang boring ang laban namin sa unang game pero meron pa naman game two." Sabi nya na kumakain na agad, agad naman syang siniko ni Calvin at nag titigan sila na handang mag patayan sa mga titig, laging nag aaway.

"Ang misyon nyo ay manguha ng mga kakaibang bagay na ibinibenta sa Bayan ng mayamera dahil kakaiba nga ang Bayan na iyon at mag matyag kayo sa paligid merong mga rebeldeng pagala-gala dun at nag nanakaw sa mga taong dumadayo sa bayan na yun." Mahabang sabi nya kaya nagtaka naman kami kasi nga talagang hindi namin alam ang lugar na yun.

Natapos kaming kumain na walang ingay at alam kung iniisip nila kung anong bayan ang mayamera.

Andito na kami sa labas at tahimik padin kami.

"Son mag iingat kayo sa misyon nyo" Sabi ni dad si mom naman ay niyakap ako, tumango lang ako at nag simula na kaming umalis at para makapag pahinga na din at bukas sasabihan namin si Headmaster sa misyon namin.

Napuno padin ako ng tanong sa misyon namin hanggang sa nakatulog ako.

Don't forget to vote and comment 🙃

the goddesses of EmeteriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon