CHAPTER 6

3 1 0
                                    


MANG ARMANDO POV

Nung araw na pinag buksan ko sila ng pintuan ay masasabi ko ngang kakaiba sila.

At sa tuwing tumitingin ako sa dalawang binibining ito parang may kakaiba talaga akong pakiramdam na isa sila sa mga kagaya namin kaya siguro pinatuloy ko sila sa pamamahay ko dahil alam kong hindi sila kagaya ng mga taong namumuhay dito sa Mundo ng mga mortal.

Hindi ko lang talaga alam kung bakit ang isa sa kanila ay kakaiba dahil mahahalata iyon sa katauhan nya hindi man nya ipahalata ay alam kong may nalalaman na sya sa katauhan nya pero hindi nya pa lubos na alam ang lahat.

At nung araw na sinundan ko sya kung San sya papunta ay nalaman kong sa ilog ng mga dragon kung saan walang pwedeng pumunta sa tagong ilog na yun pero sya parang dun talaga papunta at napapansin kong hindi na nya inaalam ang daan at kusang nag lalakbay ang kanyang mga paa pa punta dun.

At ang mas ikinagulat ko ay ang pag kita nila ng dragon na may kakaibang kulay at awra.

Hahawakan na sana nya kaso gumawa na ako ng paraan para maudlot yun at dali daling bumalik.

At nung araw na gagawin nya ulet yun lumapit na ako sa likod nya at napansin nya iyon at kita kong gulat na gulat sya hindi nya lang pinapahalata.

Hanggang sa ngayon hindi ko mawari kung sino nga Ba talaga sya.

BIBIANNA POV

Andito ako ngayon sa kwarto nag papahinga na kami

Ng bigla akong nakarinig ng mga yabag ng paa papunta sa kinaroroonan ng bahay na ito.

At bakit naman pupunta ang mga yun dito ng hatinggabi at nang ganito pa talagang oras?

Hindi muna ako tumayo at pinakinggan muna ang mga yabag na naririnig ko.

Nang bigla nalang akong kinabahan kasi may narinig akong kalabog na malakas.

Mukhang dito talaga ang sadya ng mga yabag na yun kaya hindi ko na kinaya at tumayo na para makita kung sino ang mga taong yun.

Pag labas ko sa kwarto nakita ko si mang Armando na pilit isinasara ang pintuan dahil nakapasok na ang kamay ng taong nasa labas sa pintuan.

"Ano yun?" Agad na sabi ko

"Mga masasamang tao gisingin mo na ang kasama mo at aalis na tayo dito" mabilis na sabi nya

sinunod ko na lang ang sinabi nya at walang ingay kaming lumabas sa likod ng bahay ni mang Armando.

Nag tataka padin ako sa kung sino man ang mga taong nasa labas na iyon.

"A-ano Y-yun?" Kinakabahang sabi ni Clarissa.

"Dalian nyo mga bata dito ang daan wag kayong maingay mayroon lamang tayong sampung minuto para makaalis dito."

Tiningnan ko si Clarissa at sinenyasan na huwag maingay andito na kami sa gubat nag lalakad ng walang ingay.

May nakikita na ako sa di kalayuan pero hindi ko mawari kung ano yun.

Nag patuloy lang kami sa pag lalakad at nang medyo makalayo kami sa bahay ay napuno ng mga tanong ang isip ko.

Huminto kami sa madilim na bahagi ng gubat tiningnan ko lang ang paligid kung may mga kabahayan kaso wala akong nakita bukod sa mga ilaw sa dulo ng gubat na ito.

'Wait anong gagawin namin dito?' Nasabi ko na lang sa isip ko.

tiningnan ko ulit kung nasaan na kami pero wala parin akong makitang kahit ano bukod sa malaking puno sa gilid ko. At napansin ko na nasa gitna pala kami ng gubat.

'Bat naman kaya kami nandito?' Nasabi ko sa isip ko.

Napansin ko na may kinakalkal si mang Armando sa kanyang bag.

"Mga bata Itakip nyo sa mga mata nyo itong panyo" kinakabahang sabi nya Kaya nung ibinigay nya samin yun nag katinginan kami ni Clarissa at napakunot.

"Wag na muna kayong maraming tanong kailangan nating makaalis dito" Sabi nya ulet kaya wala kaming nagawa kundi sundin ang gusto nya.

Pinapatakpan nya lang naman yung mga mata namin, ano naman kayang gagawin nya?

Maya maya parang may force akong nararamdaman pero binaliwala ko na lang yun.

Nang bigla na lang nya akong tinulak Ewan ko kung bakit nya ako tinulak pero ang napansin ko ay yung pwersa nung naglakad ako.

Syempre wala padin akong makita Ewan ko kung bakit ganto ang naramdaman ko kanina parang nasa iba na akong lugar ngayon.

Ang hangin na nalalanghap ko ay iba na kanina, nabalik ako sa realidad ng biglang may nag salita sa gilid ko.

"Bibianna? Asan ka?" Sabi ni Clarissa eh andito lang naman ako sa tabi nya kanina pa.

Nag taka naman ako sa mga nangyayare kanina pa.

"Mga bata handa na ba kayo sa ating pag lalakbay" Sabi ni mang Armando kaya napakunot nanaman ako

'Pag lalakbay?' Nasabi ko na lang sa isip ko at dali daling tinanggal ang panyo na naka takip pa din sakin.


the goddesses of EmeteriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon