BIBIANNA POV
Pag pasok namin sa loob tumambad sakin ang makalumang style ng bar, gawa sa kahoy ang mga lamesa at upuan.
Naghanap na kami ng table at umupo tumayo ako para makapili ng makakain dahil na gugutom na ako kanina pa.
Malapit na ako dun sa bar's station ng biglang may nagsalita.
"Bat hindi moko hinintay?" Napatingin ako dun at napa 'tskk' sa isip ko at nagtuloy sa paglalakad.
Pumipili lang kami ng makakain namin at dahil wala saken ang pera at talagang wala akong pera, buti sumama itong si Shawn.
Ewan ko ba kung bakit dumidikit-dikit saken eh hindi naman kami close.
Babalik na sana kami ng may mahagip ang mata ko at napakunot noo.
Pati ba naman dito sinusundan ako nung lalaking yun?
Ganun ba ko kaganda para sundan nila? Sabagay maganda naman talaga ako hehe...
Napatingin ako sa kanya at sa mga kasama nya, sila yung limang nasa stage nun ah? Ano kayang ginagawa nila dito?
Bigla nalang syang napatingin saken dahil siguro ata napansin nyang may nakatingin sa kanya kaya napatalikod ako at nag kunyareng namimili ulet.
"May bibilhin kapa?" Takang tanong ni Shawn kaya napailing ako at humarap na para maglakad ulet.
Kaso napansin ko naman na sya na ang nakatitig saken kahit hindi ko pa tinitingnan pero binalewala ko lang at naglakad na parang wala lang.
"Baka may gusto ka pang bilhin okay lang saken ako naman ang mag babayad" nag sasalita nanaman yung Shawn na toh pero umiling-iling lang ako at ngumiti at nagpatuloy na sa pag lalakad.
Kahit dito sa table namin napapansin ko padin na nakatingin sya saken.
Dahil kaharap ko ang table nila at sakto naman ang upo nya para makita nya ako ng lubusan.
"Ahmm ikaw pala ang bagong transfer sa school na yun so may alam kaba sa school na pinasukan mo bibianna?" Sabi ni hazel habang kumakain kami.
"I have no idea" Sabi ko sabay kagat ng burger
"So hindi mo alam ang pinasok mong school?" Sabi naman ni xyrus
"Yeah alam ko lang school yun para mag-aral" Sabi ko at nagulat naman sila at nag katinginan kaya napatingin ako sa kanila pero sa iba lumanding mata ko.
Dun sa kanina pa tingin ng tingin saken at nag ka titigan kami at napataas naman ako ng kilay at napangisi ng wala sa oras.
'Pagkakataon nga naman'
'Tskk'
Nag paalam ako para pumuntang baño, nalito ako kung nasaan ang baño kasi sabi nung bartender nasa labas daw at nasagilid lang daw banda yun.
Pero hindi ko makita kung nasaan naglakad pa ako ng konte at may nakita na akong nakasulat na restroom kaya binilisan ko na ang lakad dahil naiihi na ako.
nung paglabas ko may biglang humila saken pabalik sa c.r. Kaya nagulat ako at napatingin sa humila saken.
Napakunot ang noo ko kasi nung pagtingin ko ang lapit ng mukha nya saken kaya natulak ko sya.
"anong problema mo!" Inis kong sabi habang nakatingin sa kanya.
Pero ang mukha nya ay nakakunot lang habang nakatingin saken.
"Anong ginagawa mo dito?" Sabi nya habang naka kunot padin
"Why do you care?" Taas kilay kong sabi.
BINABASA MO ANG
the goddesses of Emeteria
FantasyThis is a work of fiction.names,characters,places or events are fictitiuos,unless otherwise stated. Any resemblance to real person living or dead or acual event is purely coincedental. PLARIARISM...