CHAPTER 11

3 1 0
                                    


CHAPTER 11

BIBIANNA POV

Nagising ako dahil may kumakatok sa pintuan.

'Aghh' inaantok pa ako ehh, wala akong nagawa kundi buksan iyon.

"Anong oras na binibini nakahanda na ang mga pagkain, ipinapatawag na po kayo" Sabi ng isang babae hindi ko mawari kung isa syang maid o hindi.

"Ahh sige po susunod na lang po ako" Sabi ko at dumiretso sa banyo at nag ayos ng sarili.

Pag katapos naming kumain sinabi ko na mag lalakd lakad na muna ako sa labas, nag dadalawang isip pa si mang Armando pero sa huli pumayag din naman sya.

Napunta ako sa malawak na garden puno ng mga ibat ibang halaman, may mga bulaklak pa nga at masasabi kong isa ito sa mga magandang lugar na nakita ko sa buong buhay ko.

Nag lalakd lang ako dahil magandang pag masdan ang mga tanawin at nakakapawi ng pagod.

Ang sarap ng buhay dito wala kang makikitang nag aaway pero pakiramdam ko ang lungkot ng mga tao dito sa lugar na ito.

Napaka tahimik ng lugar at hindi mo mawari kung may namatayan ba o ano, pero pakiramdam ko lang naman.

Nag lakad lakad lang ako hanggang sa may nakita akong kakaibang puno kaya nilapitan ko ito.

Sa palagay ko matagal na ang punong ito dito medyo namamatay na ang puno at nag lalagas na din.

Kawawa naman ito hindi ba nila dinidiligan ang punong ito?

Nilapitan ko ito at hinawakan pagkatapos umupo ako sa may ugat nung punong yun.

Nakikita ko ang Malawak na kagubatan sa kinauupuan ko, mga ilang oras ko ding tinanaw ang magandang tanawin bago lumisan pero bago yun hinawakan ko ulet ang malaking punong yun at sinabing...

"Sana kahit ang isang puno din ay maging masaya at mamuhay ng tahimik, ibinibigay ko ang basbas sayo na mag karoon ng panibagong buhay, mag palago ka at mag bigay buhay sa iba."

yun lang ang sinabi ko at nag patuloy na sa pag lalakad.

Nakabalik ako at naabutan ko silang may inaantay.

"Antagal mong nakabalik binibini mag sisimula na tayong mag lakbay saan kaba nag punta?." Bungad na sabi nya saken.

"Amh sa garden lang po mang Armando" Sabi ko

"Mag ayos kana at mag sisimula na tayong maglakbay." Sabi nya Kaya wala na akong pinalampas pa na oras.

"San na tayo paroroon mang Armando?" Sabi ko habang nag lalakd.

"Sa ilog ng mga goddesses pero dahil mahaba haba pa ang lalakadin natin ikukwento ko ang lugar namin." Sabi nya Kaya na curious ako.

"Kaya ko kayo isinama sa pag lalakbay natin ay alam kong hindi kayo mga ordinayrong tao...."

Huminto sya sabay tingin saken.

"Hindi talaga ako galing sa Mundo ng mga tao galing ako dito, ang tinatapakan nyo ngayon ay Mundo namin"

"Mundo...... naten.."

Nabigla ako sa sinabi nya at gulat na napatingin kay Clarissa

Kung ganon hindi din sya ordinaryong tao.

"Kung ganon ano ang lugar na ito mang Armando at kilala nyo ba kami?" Agad na sabi ko.

"Ang mundong ito ay puno ng mahika may roong taong mapanganib o maaaring mabubuti pero isa lang ang tatandaan nyo wag kayong mag titiwala sa isa't isa, pero kayo ay hindi ko kilala natagpuan ko kayo sa labas ng sarili kong pamamahay" makahulugan nyang sabi.

the goddesses of EmeteriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon