CHAPTER 26

1 1 0
                                    


TIM POV

Ang huli nyang sabi samin at ang mga mata nyang puno ng lungkot nung tignan ko sya.

Hindi ko alam pero may biglang kumirot sa puso ko nung sinabi nya yun.

Hindi ko sya nakita sa room at sa cafeteria ang huli naming pagkikita.

Nakita ko ang tunay nyang ngiti at yun ang una at kakaibang ngiti na nakita ko sa kanya.

-----

Kinabukasan maaga akong nakapasok sa room dahil gusto kong makita si bibianna pero sa tuwing nakikita ko si Claire nag iiba ako maaaring gusto pa sya pero sa tuwing nakikita ko naman si bibianna nag lalaho din ang pagkagusto ko kay Claire.

Hanggang sa mag recess hindi ko man lang nakita anb anino ni bibianna kahit saang sulok ng room at kahit sa school natoh.

Umabot na ng isang linggo wala pading bibianna sa paningin ko, wala padin sya sa room at hindi ko makita kahit saan.

Nag simula na akong kabahan sa ano mang nangyari sa kanya at kung bakit wala sya o baka naman may misyon sya?

Hindi ko na muna inintindi yun at inantay na lang sya kung may misyon sya.

Andito kami sa cafeteria tahimik lang ako sa pinaka dulo at napapansin na ako ng mga kaibigan ko pero hindi sila nag sasalita at hindi ko na din pinapansin si Claire.

Hindi ko alam pero nagbago yun nung huling pagkikita namin ni bibianna ang mga katagang sinabi nya ay hindi ko pa din naintindihan.

Alam kong may ipinapahiwatig sya sa sinabi nya pero bakit kailangang nyang umalis.

Hayss... siguro nga nadala ako sa nararamdaman ko par kay Claire na mag babalikan kami pero mali ako nag balikan na kami kaso nag iba naman ang tinitibok ng puso.

------

lumipas ang isang buwan at hindi ko na kaya ang pagiging tahimik at palaging nag iisa.

Nag away pa kami ni Calvin dahil hindi ko sinasabi ang problema ko.

Andito kami sa cafeteria tahimik ang paligid dahil alam ng iba na nag away kami ng kaibigan ko at nag tataka na din ang iba kung bakit hindi nila alam kung nasaan na si bibianna at hindi na pumapasok.

Naupo na ako sa gilid at tahimik hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Tim ano ba kasing problema mo pwede mo namang sabihin saken o samin" Sabi ni Claire kaya nabadtrip ako.

"Ayoko ng maingay kung mag iingay ka dito pwede lumabas ka!" Cold kong sabi Kaya napansin kong natakot sya pero wala akong pakeelam.

Kumakain ako ng may mahagip ang mata ko yung mga kaibigan ni bibianna at nakita ko si shawn na tumatawa pa.

Wala na akong sinayang na oras at nag lakad na papunta sa kanila.

"ASAN SI BIBIANNA" Cold kong sabi

Napatingin naman sila samin at napakunot-noo

"Hindi namin alam" walang ganang sabi ni Shawn kaya kinuwelyuhan ko sya.

"Anong sabi mo" galit kong sabi

"Hindi namin alam, eh hindi nga namin sya makita dito at bat kaba dito nag tatanong? Ang alam ko kayo ang huli nyang kasamang kumain baka mamaya may ginawa na kayong masama kay bibianna" cold nyang sabi Kaya napakunot ako dahil ngayon ko lang syang marinig magsalita ng napakalamig.

"San sya pumunta?" Last na tanong ko at binitawan na sya

"Hindi namin alam" Sabi naman ni hazel

"Tim Tara na" Sabi ni Patricia kaya bigo akong naglakad pero bago yun napatakbo na ako dahil hindi ko na kaya.

Habang tumatakbo ako papuntang office ni Headmaster napapaluha na pala ako hanggang sa humagulgul na ako.

biglang may humawak sa balikat ko hindi ko yun pinansin at humagulgul lang at sinapak-sapak ang lupa.

Kasalanan ko toh eh! Kasalanan ko kung bakit sya umalis dahil sa pag tataboy ko sa kanya, dahil saken....

Humagulgul lang ako ng malakas wala na akong pake kung sino ang makarinig at makakita.

"Anong ginagawa mo sa harap ng office ko?" Seryoso nyang sabi at pumasok.

Pumasok na ako at hindi ko alam pero nag lalandas padin ang luha ko.

"H-headmaster A-asan S-si B-bibianna" nginig na sabi ko

Nakita ko naman na nagtaka sya sa sinabi ko at napatingin saken.

"May gusto ka ba sa kanya bata?" Taka nyang sabi Kaya hindi naman ako nakapag salita.

"Bata huli kana...at mukhang hindi mo alam na umalis na sya" Sabi nya Kaya napahagulgul na talaga ako.

"K-kung G-ganon N-nasaan S-sya H-headmaster?" Nginig ko pading sabi.

"Bata kung sa una palang sinabi muna ang nararamdaman mo hindi ka nag kakaganyan ngayon alam mo ba nung araw na pumunta sya dito malungkot sya at mukhang hindi na nya alam ang gagawin nya? Kaya siguro mas pinili na lang nyang magpakalayo-layo. Hindi mo ba na hahalata na may dinaramdam sya maaaring nasaktan sya, at napansin ko din na hindi sya makasalita sakin o makatingin ng diretso maaaring may problema syang dinadala at iba ang problemang dinadala nya sa loob ng school tapos nakikita ko pang nilalayuan nyo sya Bata kung ako si miss clemente hindi kita sasagutin haha at isa pa walang magagawa ang kakaiyak mo dyan." Mahaba nyang sabi na mas lalo pa akong umiyak.

"H-headmaster S-sabihin M-mo N-na K-kung N-nasaan S-sya P-please" utal utal kong sabi habang nakatingin sa kanya pero malungkot lang syang ngumiti.

"Hindi ako sya batang tolintino at nakapangako sya saken, hindi man nya sinabi kung san sya pupunta"

Huminga sya ng malalim at ngumiti sa kawalan kaya nag taka ako.

"Isa lang ang alam ko, alam kong babalik sya, babalik sila" makahulugan nyang sabi Kaya napatahimik ako.

"Kaya wag kang ngumawa dyan Bata hindi bagay sayo" natatawang sabi nya Kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Inayos ko na ang sarili ko at tumayo tawa padin sya ng tawa, hindi ko na sya tiningnan.

'Hihintayin kita bibianna....' nasabi ko na lang sa isip ko at inalala ang huli nyang sabi.

'Sa huling pagkikita' kaya napangiti ako ng mapait at naglakad palabas.

Pero gulat ako dahil bumungad saken ang mga kaibigan ko

"Tskk.. Kaya pala hindi masabi problema" Sabi ni Calvin na niiling-iling.

Naglakad lang ako at hindi sila pinansin, hihintayin kita bibianna at sasabihin ko ang nararamdaman ko para sayo.

Don't forget to vote and comment 🙃

the goddesses of EmeteriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon