BIBIANNA POV
Pagbukas ko may nakasulat dun at binasa ko.
'The power of ysberta'
taka kong basa ysberta parang alam ko yan pero hindi ko maalala.
Nilipat ko na lang at gulat ako kasi wala namang nakasulat nilipat kp lang ng nilipat kaso wala kaya isasara ko na sana nang bigla akong lamunin ng librong yun.
Pag mulat ko nasa ibang dimension na ako at hinanap ang libro kaso hindi ko na mahanap.
Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang mga student na naglalakad kaya mag tatanong na sana ako kaso bigla akong tumagos sa babaeng ito at parang hindi nya ako nakikita kaya nag taka ako.
Napansin ko na isa itong school at kakaiba ang na ito?
Ito ang school kung nasaan kami ngayon? Sh*t kung ganon ang librong hawak ko ay magical at hindi binabasa kundi ipapakita talaga sayo ang kwento.
Na excite naman ako napatingin sa paligid ibang iba nga ito sa school ngayon.
Naglakad ako papasok sa office ni Headmaster pag pasok ko dun nagulat ako dahil ang mga frame na nakasabit sa ding-ding ay ganun padin.
Biglang may pumasok kaya napatingin ako dun at biglang napatawa.
"S-si mang Armando to?" Takang sabi ko kasi naman may sapak sya sa mukha at may pumasok pa lima sila.
Mas lalo akong natawa na mukha ni Headmaster
"HAHAHAH"
Dahil mas malala kay Headmaster meron syang dalawang blackeye at ang sama pa ng mukha nyang nakatingin kay mang Armando.
Napansin ko naman ang tatlo pa at nag taka dahil yung isa ay kamukha ni tim?
Yung dalawa ay hindi ko na alam pero parang pamiryar din.
"Ano nanamang kaguluhan toh" inis na sabi nung lalaking kamukha ni Headmaster papa nya?
"Pag sabihan mo yang anak mo Headmaster" makahulugang sabi ni mang Armando.
Sabagay kamukha nya nga
Hindi naman mawari ang mukha ni Headmaster at ang sama makatingin kay mang Armando.
So may enemy pala silang dalawa eh sino naman kaya ang dalawang yun.
Umalis na sila dun at nahuli si mang Armando kaya sa kanya ako sumunod.
Habang nag lalakad sya biglang mga lumabas na usok sa kamay nya at itinapat nya iyon sa mukha nyang may sapak at biglang bumalik na sa dati ang mukha nya.
'Woahh' pano yun?
Naglakad sya sa san toh? Gubat napakunot ako dahil parang alam ko toh.
Yung sa fountain toh ah, sinundan ko lang sya hanggang sa tumapat sya sa fountain at nakita ko ang pinindot nya doon at biglang may nag form na daan sa ilalim.
Sumunod lang ako sa kanya at pinag masdan kung saan sya pupunta.
At nagulat ako sa nakita ko sa loob at kinabahan.
nakita ko ang parang lab at mga scientists dahil nakasuot sila ng damit ng scientists.
At kanya kanya silang may ginagawa.
Naglakad lang si mang Armando at pumasok sa isa pang pintuan bago yun bugla syang nagbago kaya nagulat ako.
So hindi yun mukha ni mang Armando?

BINABASA MO ANG
the goddesses of Emeteria
Viễn tưởngThis is a work of fiction.names,characters,places or events are fictitiuos,unless otherwise stated. Any resemblance to real person living or dead or acual event is purely coincedental. PLARIARISM...