CHAPTER 7

11 1 0
                                    


BIBIANNA POV

pag tanggal ko ng takip ay bumungad sakin ang magandang tanawin pero nag tataka ako kasi kanina gabi pa lang ah?

Pero bat umaga na at bat ang ganda ng tanawin dito? Mga tanong ng isip ko.

Ang gaganda ng mga bulaklak, punung puno sa paligid namin ng ibat ibang klaseng halaman at masasabi kong isa itong paraiso.

"Mang Armando san ito? Parang kanina lang gabi pa ah?" Takang tanong ni Clarissa.

"Dito talaga ako nakatira nag pa kalayo layo lang ako sa mga tao at mas piniling mapag isa" Sabi nya

"Ano pong lugar ito?" Sabi ulet ni Clarissa

Ako naman ay nag mamasid masid lang habang nakikinig sa pinag uusapan nila.

"San na tayo patungo?" Tanong ko habang sa mga bulak lak naka tingin

"Sa daungan ng asgartha doon tayo mag sisimulang mag lakbay kaya maghanda na kayo" saad nya at nauna nang maglakad

Habang nag lalakad manghang mangha pa din kami ni Clarissa sa paligid.

Hanggang sa napunta kami sa Bayan ng sralanca ayon sa kwento ni mang Armando madadaanan namin ang Bayan ng sralanca. ang mga tao dun ay kakaiba manamit wala kang makikitang naka short o maiikling damit balot sila ng puting balabal hanggang leeg.

Hindi ko na lang pinansin yon at nakasunod pa din kami kay mang armando pero ang napansin ko ay ang tingin nila kay mang Armando at bigla na lang silang napapayuko.

Nag taka ako sa ikinikilos ng marami.

Tinitingnan ko ang mga bagay na itinitinda dito tulad ng mga espada na may nakatatak na kakaiba.

Meron ding mga garapong iba iba ang nakalagay may nakita pa nga akong umiilaw sa loob ng garapon kulay green na Ewan.

May mga damit din dito, akala ko nga eh walang mga short dito meron pala bakit kaya balot na balot ang mga tao dito? Sabagay medyo malamig naman ang klima dito.

Huminto kami sa isang tindahan na puro damit na kakaiba.

Andito lang ako sa gilid nag mamasid masid ng mga bagay.

Malaki pala ang pinasukan namin sa mga bagay lang kasi ako tumitingin tingin, hile hilerang damit pala ang nandito.

"Kailangan nyong mag Palit ng disenteng pananamit naka pantulog padin kayo simula ng umalis tayo" Sabi ni mang Armando.

'Shitt oo nga pala' nasabi ko sa isip ko at tiningnan ang kasootan ko.

Naka white na may halong blue ang damit ko pati sa baba, ito kasi ang nagustuhan ko nung ibinigay ni mang Armando sa amin ito nag tataka nga ako kung bakit may damit syang Pam babae.

"Mamili na kayo ng damit na susuotin nyo at pumili lang kayo ng mga gusto nyo" dagdag na sabi nya sa amin.

Mag kaiba kami ng daan ni Clarissa, nag lakad lakad lang ako sa kabilang gilid.

Magaganda naman ang mga damit dito hindi naman ganun ka balot ang katawan.

Puro dress ang sa bandang dito kaya mas okay nang mag dress na lang ako.

Tingin-tingin lang ako ng may makita akong kakaibang dress kulay gold sya kumikinang pa nga sya.

'Ang ganda' nasabi ko sa isip ko habang nakatingin sa dress na yun.

Kinuha ko yun para sukatin, simple lang sya na gold dress may kaunting gliters din akong nakikita. I think pwede na toh.

the goddesses of EmeteriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon