CHAPTER 20

1 1 0
                                    


BIBIANNA POV

Napahinto kami dahil nakikita na namin ang Bayan ng mayamera.

May malaking gate at sa taas ay may nakasulat na 'welcome to mayamera' kaya nag katinginan kami at nagsimula nang mag lakad papasok.

Habang nag lalakad kami ay napapatingin ang mga tao samin

Nahalata ko na agad yun dahil sa kinikilos nila.

Ang mga tingin nila ay parang may galit sila samin hindi ko na lang pinansin at nauna ng maglakad dahil nahalata ko din na natakot ang mga kasama ko sa tingin nila.

Masasabi kong Maganda ang lugar na ito pero bakit ang tahimik at kung makatingin parang kakainin ka nila.

Napunta kami sa mga tinitinda at madaming nakahilerang tinitinda nila.

"Ito ba ang mayamera? Bakit ang tahimik at ang creepy ng mga tao?" Sabi ni hazel na nakakapit pa kay Darell kaya napatingin kami sa kanila at napansin ko naman si yuhan at xyrus na nag aapakan at nag sisikuhan kaya napangisi ako ng mahina at si Shawn naman ay napansin ko na nag mamasid sya sa paligid at minsan napapatingin sa mga tao at ngingiti kaya mas lalo akong nawirduhan sa kanilang lima.

Napunta ako sa tindahan ng mga damit at napansin ko na itinago nung babae ang damit na pangdigma kaya nag taka ako kasi pinapalitan nila ng simpleng damit.

Nag madali ako para sana bilhin ang hawak nya na itatago nya sana.

"Miss bibilhin ko yang hawak mo" mabilis na sabi ko at biglang napahawak dun at pinagmasdan ang damit.

'Ano namang meron dito at tinatago? Para hindi mabili? O baka may itinatago sila?' Takang sabi ko

"Ahmm K-kasi P-po--" hindi na nya nasabi nung biglang sumingit Ang kasama ko.

"Wow may ganyan pa kayo? Bibilihin ko ng malaking halaga kasama yan" Sabi ni Shawn kaya napatingin ako sa kanya

"Oo nga miss may isa pa kayo neto ang ganda kasi eh" Sabi naman ni hazel kaya hindi na alam kung anong gagawin nung babae.

"Eh kasi po last na po yan" nag aalangang sabi nya

"Bibilhin ko na toh" Sabi ko at naglakad sa malaking salamin at nagkunyareng sinusukat pero pinag mamasdan ko na kung anong meron sa kasuotang ito.

"Binayaran ko na yan let's go may mga taong nag mamasid saten" biglang Sabi ni Shawn kaya napatingin ako sa ibang taong nandito at naiita ko na kunyare namimili sila ng damit sabay tingin banda dito samin kaya napaayos ako at nag lakad na.

Nilagay ko na sa bag yung unang bili namin at may nakita akong isa pang tindahan na puro garapon ang laman.

Uso pala dito ang mga garapong may lamang kung ano-ano sa loob kagaya nung pinuntahan naming Bayan nila mang Armando.

Napansin ko kaagad yung nakasabit sa taas hindi mo sya mapapansin kasi na tatakpan ng mga garapon pero bago ko itanong may nauna na saken.

"Miss bibilhin ko yung nasa likod ng gatapon yung nakasabit sa itaas." Seryosong sabi ni xyrus kaya napatingin ako sa kanya, hindi lang pala ako Pati nadin ang mga kasama namin.

---------

Natapos kaming mamili ng wirdong mga bagay at hanggang ngayon naghahanap kaming makakainan kaso wala kaming mahanap at ayaw nilang mag tanong sa mga taga dito dahil baka lapain na sila sa titig ng mga tao dito.

'Tskk' nasabi ko na lang sa isip ko dahil nag tuturuan sila kung sino ang mag tatanong sa kanila.

May babaeng nag lalakad sa hindi kalayuan samin kaya nag lakad ako papunta sa kanya para magtanong.

"Excuse me mag tatanong lang sana kung nasaan makikita ang kainan dito?"biglang Sabi ko sa cold na boses kaya napasagot agad sya.

'Tskk...'

"Sa D-dulo po N-nun" utal utal nyang sabi sabay turo dun sa kanan ko kaya napangisi ako.

"salamat" cold pa ding Sabi ko at naglakad sa mga kasama ko na nag tuturuan padin.

"Let's go" cold kong sabi Kaya napatigil sila at medyo na takot sa boses ko, nag lakad na ko dun sa tinuro nung babae kanina habang yung mga kasama ko naman ay natahimik at sumunod saken.

Nakita ko na agad yung nakasulat sa taas na shine bar at napansin ko na makaluma ang lugar at may nakikita na akong lumalabas at pumapasok at nagtaka ako sa pintuan dahil hindi sya totally pintuan na may hawakan kasi iyan tinutulak lang pero mahahalata mong makaluma.

the goddesses of EmeteriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon