PROLOGUE

2.2K 55 7
                                    

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Sorry for grammatical errors and typos. I'm going to edit this book soon as I finished it.

SLOW UPDATE.
Sorry but this will have a short update maybe once a week. I am busy studying, playing online games, and watching k-drama and anime so expect slow update.

Date Started:
March 26, 2021

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

KENSHIN'S POV

"Kenshin, sigurado ka bang wala ka ng naiwan?" Tanong sakin ni mama habang nakatingin sa truck na may laman ng gamit namin.

Ngumiti ako dito at umiling. "Wala na po ma." Tumango naman si mama at kinausap ang mga nagbubuhat ng gamit namin.

Lilipat na kami ng bahay dahil tapos na ang bagong pagawa na bahay nila mama at papa. Yung bahay naman na tinitirahan namin ay ibinenta na ni mama.

"Excited na ako anak, nung nakaraang tiningnan namin ng papa mo ang bahay meron tayong kapit bahay mas malaki ang bahay satin at sobrang bait pa." Tuwang tuwang sabi ni mama kaya hindi ko napigilang mapangiti.

"Ang saya saya naman ng mama ko." Sabi ko at sumunod sa kanya papasakay sa kotse.

Agad na pumasok si mama kaya pumasok na din ako. "Sinong hindi sasaya, matitirahan na din natin ang pinaghirapan namin ng papa mo." Nakangiting sabi ni mama at hinampas si papa na magdadrive.

"Subukan mong mambabae ngayon." Agad naman kaming napanguwi ni papa sa sinabi ni mama.

Medyo praning si mama, akala niya palagi siyang ipagpapalit ni papa. Pero si papa hinding hindi niya magagawa kay mama yun.

"Napapraning nanaman mama mo." Natatawang sabi ni papa kaya natawa na din ako.

"Hindi ko makokontra yan ma sorry hahaha." Masaya kong sabi at umayos na ng upo. Ikinabit ko ang seatbelt ko at kinuha ang binabasa kong libro simula pa kagabi.

Napansin kong nakatingin sakin si mama kaya nag angat ako ng tingin. "Bakit ma?" Tanong ko dito.

"Wala naman, hanggang ngayon ba naman nag aaral ka." Sabi ni mama. "Ganyan na talaga ang anak natin simula kinder hanggang grade 4 first honor. Im so proud of you anak." Sabi ni papa.

"Grade 5 ka pa lang kasi dapat nag eenjoy ka muna sa mga laro." Sabi ni mama pero umiling ako. "Nag eenjoy din naman po akong magaral." Nang sabihin ko yun ay napangiti si mama.

AFTER A DAY...

"Ma, lalabas po muna ako." Pagpapaalam ko habang nagsusuot ng sapatos.

"Saan ka pupunta?" Tanong sakin ni mama habang hawak ang pamunas ng plato. "Sa labas po ng village may nakita akong book store, gusto ko po bumili ng bagong book." Sabi ko at napakamot sa ulo.

"Samahan na kita? may pera kaba?" Sunod sunod na tanong sakin ni mama pero umiling lang ako.

"Kaya ko na po ma, saka mayroon pa po akong pera yung binigay po sakin ni lola." Sabi ko at ipinakita sa kanya ang wallet ko.

Touched By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon