Four months had passed but there's nothing weird about Alex. Maybe I am just overthinking about the 6 months she said before.
She continued her treatment and her studies, she doesn't want to choose one because those two both matters.
"Shin." Pagtawag ni Alex sa akin habang kumakain sa cafeteria. Tumingin naman ako agad sa kaniya.
"Why?"
Hindi naman siya nagsalita at itinuro sila Isabelle. "They are in school." Sabi ni Alex.
Tumingin naman ako kila Isabelle at nakitang naghahalikan ang dalawa kaya agad kong hinila papatayo si Alex.
"What?" Tanong nito habang nag lalakad kami.
"Baka madamay pa tayo sa dalawang yon pag nahuli sila saka hindi naman nila tayo napansin na umalis." Natatawa kong sabi at huminto sa library.
Bukas na pala ang library kaya agad kaming pumasok ni Alex don.
Umupo kami sa magkabukod na upuan. Tumingin ako kay Alex at nakitang isinuot na niya ang headphone niya saka yumuko.
"Matutulog ka?" Tanong ko sa kaniya. "Yeah." Simple nitong sabi kaya tumayo na ako at humanap ng kahit anong mababasang libro para makapag palipas ng oras.
Nang makabalik ako sa pwesto namin ay nakapikit na ang mga mata ni Alex. Tumingin ko sa relo ko at nakitang may isang oras pa siya para mamahinga.
Umupo ako sa harapan niya at nagbasa ng libro.
Habang nagbabasa ay hindi ko maiwasang hindi tumingin kay Alex. Napaka putla pa din niya pati na din ang mga labi niya.
Hala ka, ano ba naman tong iniisip ko.
Nang hindi ko mapigilan ang sarili ko ay hinawakan ko ang mga kamay nito at naramdaman ang kalamigan nito.
Idinilat nito ang mga mata niya kaya agad kong ibinaba ang kamay ko.
"Nagising ba kita, sorry." Mahina kong sabi.
"Paano naman ako makakatulog nyan e titig ka ng titig. May problema ba?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
Umiling ako. "Wala, sorry." Sabi ko na ikinakunot naman ng noo niya.
"You're acting weird." Sabi niya at kinuha ang isang libro sa harapan ko.
Ngumiti naman ito sa akin na lalong ikinapula ng mukha ko.
Itinaas ko ang libro para matakpan ang namumula kong muka pero agad na hinila ni Alex ang kamay ko na ikinagulat ko.
Tumingin ito sa orasan ko saka ibinalik sa akin ang kamay ko.
Umupo ito ng maayos saka nagsimulang magbasa.
Huminga ako ng malalim at ibinalik ang atensyon sa binabasa kong libro.
Nakaraan ang mahigit kalahating oras kaya napagpasyahan namin ni Alex na bumalik sa room. Pagkalabas namin ay nakasalubong namin si Isabelle at Liam.
"Oh, nandyan pala kayo." Bati samin ni Liam. "Ngayon nyo lang napansin na wala na kami no." Sabi ko kaya agad namang tumango naman sila.
Habang sabay sabay kaming naglalakad ay biglang tumunog ang phone ko kaya agad ko itong tiningnan.
From: Lucas
Oi Ken, were going to cinema later. Hindi ka pwedeng hindi sumama kasi lahat ng member ng volleyball club pumayag na. Syempre pati si Xandra nasabihan ko na and oo daw. See you guys later!
BINABASA MO ANG
Touched By Love
Fiksi RemajaKenshin and his family moved to Re village in the city. When he was on his way to the bookstore, he saw a girl wearing mask being bullied by three kids. He quickly helped the girl and find out that she was the daughter of her mother's friend that wa...