Chapter Twenty - Live

208 15 3
                                    

ALEXANDRA'S POV
         
 
Habang nakalive ako ay biglang tumunog ang phone ko kaya agad ko itong tiningnan. Sinend sa akin ni Caleb ang video kaya agad ko naman itong ipinost sa Facebook.

Tumingin ako sa screen at kasalukuyang may 1.5 M viewers na ako.

"What do you guys want me to play?" Tanong ko habang nakatitig sa screen. Hindi ko kasi alam kung anong lalaruin ko kaya sila nalang papiliin ko.

Agad akong tumingin sa mga comments nila.

Minecraft
Mobile Legends
Call of duty

Tumingin ako sa orasan ko at nakitang 6 pm pa lang naman. "Okay, I'll play those today but start muna tayo sa Mobile Legends kasi mas madaming nagsusuggest." Sabi ko.

Kinuha ko na ang tablet ko na may mobile legends at umayos ng upo.

Binuksan ko naman ang potato chips at inilagay ito sa tabi ng nag computer.

Another gaming room?

Nakita ko sa comment section kaya agad akong nagsalita. "Yup, I'm in the Philippines now so yeah new room." Pagpapaliwanag ko at tumingin na ulit sa tablet.

Agad akong nagenter sa rank at nagsimula maglaro.

"Puro assassin gamitin ko ngayon." Sabi ko at tumingin sa screen. "Tanong assassin gusto niyong gamitin ko?" Tanong ko habang inaayos ang speaker ko para makapagpatugtog.

Fanny
Gusion
Ling

Tumingin ulit ako sa screen ng tablet ko at nagshow ng Gusion. "Gusion muna." Sabi ko at tumingin sa screen.

Kailan kapa naka uwi sa Pilipinas?

"Kahapon ata or nung isang araw pa ako nandito sa Pilipinas." Sabi ko naman at napatingin sa labas ng bintana. Hindi pa gaanong madilim pero kita na ang ilaw sa iba't ibang buildings.

Habang nakatitig ako sa labas ng bintana ay biglang pumasok sa isip ang nangyari kanina. Magkayakap si Shin at Elice.

Agad akong umiling at humarap nalang ulit sa screen.
           
               
CAYDEN'S POV
            
        
"Bakit hindi lumalabas ng condo niya si Alex? Tatlong araw na ah." Sabi ko habang nagpupunas ng pawis dahil kasalukuyan kaming nasa gym para magtraining.

Agad namang kinuha ni Caleb ang phone niya. "I'll check." Sabi nito saka tumingin sa phone. "She's still live." Sabi ni Caleb at iniharap sa akin ang phone.

Nakatitig si Alex sa monitor at kasalukuyang naglalaro ng Minecraft. "Hindi Pa tumitigil yan?" Tanong ko at agad namang tumango si Caleb.

"Wait tawagan ko." Sabi ko ay kinuha ang phone ko para tawagan si Alex.

Naka apat na ring ito bago niya sagutin. "Rest." Sabi ko at agad na pinatay ang tawag. Tumingin agad ako sa phone ni Caleb para makita kung ihihinto naba nito ang live ngunit hindi dahil tuloy pa din ito sa paglalaro.

"Stubborn." Sabi ko at agad na tumayo. "Mamaya kana magmoblema dyan, practice muna." Sabi ni Jake na biglang sumulpot sa likudan ko.

Tumango naman na ako at ibinaba ang towel na nasa balikat ko at bumalik na sa pagtatraining.
           
           
~After training~
          
    
"See you bukas." Sabi ni coach kaya agad naman kaming tumango. "Ingat kayo." Sabi nito bago tuluyang umalis sa loob ng gym.

Touched By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon