ALEXANDRA'S POV
"Alex, dito ka sa tabi ko." Sabi ni Shin kaya agad akong umupo sa gilid ng salamin at tumabi naman agad sa akin si Shin.
Idinikit naman nila ang isa pang lamesa sa lamesa namin nila Shin.
Apat lang kasi kaming pwede sa isang lamesa kaya naman pinagdikit nalang nila.
"Samahan na kita umorder Liam." Sabi ni Noah at sumama kay Liam papunta sa Noah.
Alam ko kung bakit sumama si Noah, alam niya kung ano ang palagi naming inoorder tuwing kumakain sa Jollibee.
"Overnight tayo sa inyo Ken?" Tanong ni Elijah. Agad namang napalingon si Shin. "Sige ba, wala naman den pasok bukas." Pagpapaliwanag niya.
"Sama ba kayo?" Tanong ni Shin kila Oliver at Lucas. "Syempre naman." Sabay nilang sabi at tumawa.
"Ikaw Xandra?" Tanong nila sakin. "Sige lang, kapitbahay ko lang naman si Shin e." Sabi ko habang nakatingin pa den sa phone ko.
"Wait sasabihan ko lang parents ko." Sabi ni Elijah. "Ay ako din." Sabi din ng iba at agad na tinawagan ang parents nila.
Maya maya ay dumating na sila Liam at Noah at agad naman nilang sinabi ang pinaplano nila na mag overnight kila Shin.
Since magkakakilala naman na kami simula pagka bata ay agad silang pinayagan ng mga parents nila. May tiwala naman din sila kay Shin, syempre sino ba namang hindi magtitiwala sa lalaking kagayani Shin diba?
"Ayan na order natin." Sabi ni Liam na ikinatingin naming lahat. Dalawang bucket ng chicken joy at pitong plates ng spaghetti. Mayroon ding 10 na rice at 7 sundae. Syempre hindi mawawala ang 7 large na fries.
"Andami." Sabi ko na ikinatawa ni Liam. "Minsan lang naman, sulitin na." Natatawang sabi nito habang inaaayos ang mga plates at isa isa kaming binigyan.
Nang maayos na lahat ay umalis na ang staff at inilabas muli ni Liam ang kanyang monopod at ikinabit ang phone niya.
Hindi ko pa din tinatanggal ang mask ko dahil hindi pa naman kami kakain.
"Picture muna tayo." Sabi nila at tumingin lahat sa camera ako naman ay tumingin din at nag peace sign.
Nang makakuha sila ng halos 10 shots ay nagsimula na silang kumain kaya tinanggal ko na ang mask ko saka nagsimula na ding kumain.
Nilagyan ni Shin ang plate ko ng hita ng manok saka inilapit sa akin ang sundae at large fries.
"Thank you." Sabi ko at kumain na. Iniabot niya din sa akin ang tubig dahil ayoko ng pineapple juice.
"Kumain ka ng rice." Sabi niya kaya kumain ako.
~AFTER KUMAIN~
"Ahh, masyado akong nabusog sa manok." Natatawang sabi ni Noah.
"Sa inyo tayo Ken no?" Tanong ni Liam kaya agad namang tumango si Shin.
Agad namang kinuha ni Liam ang phone niya. Siguro sasabihan din ang parents nya.
"Tara na?" Tanong sa amin ni Oliver. "Wait, pahinga muna sandali." Natatawang sabi ni Elijah.
Lumipas ang ilang minuto at napag pasyahan namin na tumungo sa grocery stall dahil nga magoovernight kami kila Shin.
Kanya kanya kaming kuha ng basket pero sama sama pa din kaming naglalakad.
Kanya kanya din kaming kuha ng mga snacks na gusto namin. Nang maging busy sila ay agad akong humiwalay at tumingin tingin sa paligid.
Kumuha ako ng ilang pack ng sanitary napkins at ng feminine wash. Pinailalim ko ito sa mga snacks na nasa basket ko.
BINABASA MO ANG
Touched By Love
Fiksi RemajaKenshin and his family moved to Re village in the city. When he was on his way to the bookstore, he saw a girl wearing mask being bullied by three kids. He quickly helped the girl and find out that she was the daughter of her mother's friend that wa...
