KENSHIN'S POV
A week passed and we're here at the THE STADIUM and watching other team's game. Mamayang hapon pa naman ang laro namin.
Gusto lang talaga ni Lucas na manood na lalo naman si Noah dahil kinakabahan daw siya.
Habang nag lalakad kami sa loob ay madaming nakatingin sa amin pero sanay naman na kami dahil hindi kami ganung ka underrated na team.
"Why are we here? Lalo lang ako kinakabahan e." Sabi ni Peter na ikinatawa ko. "Hindi ka naman kinakabahan before ah." Sabi ko habang naguunat.
"Ako din, ewan ko pero iba pakiramdam ko ngayong araw." Sabi ni Lucas. Kumunot naman ang noo ko at pinakiramdaman ang sarili ko.
"I think I'm fine. Sanay na sanay naman na kasi ako sa mga ganito." Tumatawa kong sabi na ikinatingin ni Elijah. "Nasa mood ka ah." Pang aasar nito sa akin.
"I like the feeling that we're going to have a match against FIRE." Seryoso kong sabi at umupo.
Agad naman ding sumeryoso sila Lucas. "I want to play with them too, they're playing to nationals so we'll gain a lot of experience." Sabi ni Lucas at tumabi sa akin. Tumango naman ako agad. "Yeah, you're right."
Nagsimula na ang laban ng ibang team kaya tahimik lang kaming nanonood.
~KINAHAPUNAN~
"Hinahanap na daw tayo ni coach." Sabi ni Lucas. Isa isa na kaming tumayo sa kinauupuan namin at naglakad para puntahan si coach.
"We have 30 minutes pa naman." Sabi ko habang dala dala ang saging. "Kanina mo pa hawak yang saging na yan." Sabi ni Elijah.
Agad naman akong lumapit sa kaniya. "Hindi ko na kasi maubos." Natatawa kong bulong sa kaniya. Tumawa naman ito at kinuha sa kamay ko ang saging. "Akin nalang." Sabi niya kaya hinayaan ko na lang siyang kainin yun.
Nang makarating na kami sa paglalaban namin ay nakita naman din namin si coach kaya agad kaming lumapit dito. "Mag warm up na kayo, siguraduhin nyong aayusin nyo warm up nyo."
Pagka sabi ni coach nun nagalis na kami ng jacket namin at nagsimula na mag warm up.
Nasa kalagitnaan kami ng pag wawarm up ng biglang dumating nag team ng FIRE. Naka red at black na jacket sila.
Nagsigawan ang mga tao na manonood sa loob ng stadium at nagsimula na magsigawan.
"CALEB!"
"CAYDEN!"
"JAKE!"
"CHRIS!"
"What the hell is up with them?" Inis na tanong ni Elijah na bakas sa muka ang pagkairita.
Agad namang tumawa si Lucas. "They're playing at nationals so that's normal." Sabi nito habang naka tingin sa palagid. "Meron din naman tayong supporters oh, may banner pa nga." Sabi naman ni Peter at itinuro ang cheering section.
"Nandun pa mga jowa nyo." Nakasimagot kong sabi na ikinatawa naman nilang lahat. "Nandun din naman si Elice ah." Nang madinig ko pa lang ang pangalan na Elice ay lalo akong napasimagot.
"Stop it, baka mawala ako sa laro ko." Pagkasabi ko nun ay lalo naman na silang nagtawanan.
Lumapit naman sa amin si coach at nagsalita. "Magsisimula daw ng maaga ang match niyo kasi nandito naman na daw both teams. After 10 mins magsisimula na." Sabi ni coach at agad naman kaming nagsitanguan.
Nang tumingin ako sa kabilang team ay nakita kong titig na titig sa akin si Caleb. "What's his problem?" Tanong ni Liam na nakatingin din pala.
Inalis ko naman na ang pagkakatingin dito saka humarap kay Liam. "I don't know." Sabi ko nalang at ipinagpatuloy nag pag wawarm up.
BINABASA MO ANG
Touched By Love
Fiksi RemajaKenshin and his family moved to Re village in the city. When he was on his way to the bookstore, he saw a girl wearing mask being bullied by three kids. He quickly helped the girl and find out that she was the daughter of her mother's friend that wa...
