Chapter Eight - Game

236 17 0
                                    

ALEXANDRA'S POV

"Are you going to watch our game?" Tanong sa akin ni Lucas.

Agad naman akong napalingon sa kaniya. "Huh?" Taka kong tanong dito.

Ngumiti ito sa akin. "Nakalimutan mo nanaman, may laban kami sa Saturday." Sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

"Really?"

"Yep."

Napakamot ako sa ulo ko. "Sorry nakalimutan ko pero manonood ako." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Next school year lilipat na ako sa school nyo. Para makasali na kami sa interhigh, malay mo madiscover kami dun." Natatawang sabi niya.

"Pati sila Oliver and Elijah?" Tanong ko sa kaniya.

Agad naman itong tumango. "Yep, lahat kami para sama sama na, gusto namin maglaro sa interhigh." Sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Where's Shin?" Tanong ko sa kaniya.

Tumawa ito at tumingin sa akin. "Nagpapractice pa yun, lalo na at may lalabanan kami sa Saturday."

Nandito kami ngayon sa may labas ng gym. Dito kasi ako tumatambay kapag sumasama ako kay Shin. Ayoko naman dun sa loob ng gym at baka tamaan pa ako ng bola.

Nakita namin na naglalakad papunta sa amin si coach Benj kaya ipinause ko muna ang nilalaro ko.

"Hey Xandra." Pagtawag sa akin ni coach kaya agad akong tumingin dito.

"Po?"

Agad nitong ipinakita ang tablet niya. "I am invited to national coaches training!" Masaya nitong sabi sa akin.

Agad namang tumayo si Lucas at yumakap kay coach. "Coach wag mo kaming kakalimutan ah." Biro nito na ikinatawa nila parehas.

"Congrats coach." Sabi ko dito sa huminga ng malalim.

"How I wish I could watch you guys play at interhigh, I want to see all of you to grow." Mahina kong sabi pero sapat na para madinig nila.

Agad namang kumunot ang noo ni Lucas. "What do you mean by that?" Tanong nito sa akin.

"Hey Lucas, mag training kana ulit don." Sabi ni coach kaya agad naman tumango si Lucas at bumalik na sa gym.

Tumingin naman ako agad kay coach.  "Did mom told you?" Tanong ko dito kaya agad namang tumango si coach. "Yep and I support it." Sabi into at umupo sa tabi ko.

"But what about them?" Malungkot kong sabi.

"They will be fine Xandra, they have me. Just trust me okay?" Sabi into kaya agad naman akong tumango.

"You're right coach." Sabi ko at ibinalik na ang atensyon sa nilalaro ko.
            
         
~SATURDAY~
          
       
"Hindi ako makakasabay sayo Shin. Susunod nalang ako." Sabi ko sa kaniya habang nagsusulat. "Bakit kasi ngayon mo lang yan ginagawa." Inis na sabi niya at umupo sa kama ko.

Agad ko naman iniharap sa kaniya ang sarili ko saka iniabot ang lucky charm na binili ko kahapon.

"You will win, with or without me." Sabi ko at iniusad na ulit ang upuan papabalik sa lamesa ko ay nagsimula ulit magsulat.

"You will come right?" Tanong nito sa akin.

"I will." Sabi ko at nginitian sya.

May bumusina na sa harapan ng bahay kaya tumayo na siya at binitbit ang bag niya.

"Aasahan ko yan." Sabi niya at ibinulsa ang lucky charm na binigay ko sa kaniya.

Nang makaalis siya sa kwarto at sumilip ako mula sa bintana ko at hinawi ang kurtina.

Touched By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon