Chapter Twenty Two - Time

217 17 1
                                    

KENSHIN'S POV
               
Bumangon ako at biglang napahawak sa ulo ko. "Ouch." Saad ko at napa tingin sa loob ng hindi pamilyar na kwarto.

"Where am I?" Tanong ko sa sarili ko at pumikit. Pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi.
        
"Let's go home."
              
Alex!

I'm in Alex's condo. Nang maalala ko ang nangyari kagabi ay bigla akong nahiya sa sarili ko. "Oh God." Saad ko ng bigla kong maalala na umiyak ako sa harapan ni Alex.

Tumingin ako muli sa paligid at napansing naoaka ganda at napaka linis ng kwarto niya.

Nakita ko ang picture namin kasama sila Lucas nung nasa mall kami. Bata pa kami dito, napatingin ako kay Alex na naka hoodie at may mask.

Bigla nalang akong napangiti dahil mahalaga pa din kami sa buhay niya kahit napaka tagal naming hindi nagkita.

"Oh, you're awake." Nadinig kong sabi ni Alex habang nakasandal sa pintuan ng kwarto niya.

Naka short lang ito at T-shirt kaya agad akong yumuko. "Sorry for the trouble." Saad ko habang nakayuko pa din.

"No, it's fine. You can stay here if you want." Sabi nito at tumalikod na. "You can your breakfast na." Dagdag pa niya bago tuluyang umalis ng kwarto.

Sumunod naman na ako dito. Pagkalabas ko ng kwarto niya ay agad akong napa mangha sa ganda ng condo nito. "You can take shower first, I already borrowed some clothes to Cayden you can use it. That towel isn't used so don't worry and Cayden said that those clothes are new." Dagdag pa nito habang hawak hawak ang phone niya.

Tumango nalang ako at kinuha ang damit sa table saka bumalik sa kwarto niya para maligo. Pagka pasok ko sa banyo ay lalo akong napa mangha dahil sobrang simple lang nito ngunit maganda sa mata.

Well, si Alex pa ba?

Agad akong napangiti saka nagsimula maligo.

Bago ako lumabas ng banyo ay isinuot ko na ang damit na nakahanda na para sa akin.

Lumabas ako sa kwarto ni Alex at dumiretso sa sala. Nakita ko si Alex na nakaupo at nakasandal habang naka pikit kaya agad akong lumapit sa kaniya.

"Hey you ok?" Tanong ko dito. Dumilat naman ito saka tumingin sa akin. "Yeah, gusto mo na ba kumain?" Tanong niya sa akin. Tumango naman na ako at sumunod sa kaniya papunta sa kusina.

Umupo ako habang siya naman ay inaayos ang kakainin namin.

Nang maayos na niya ay umupo na din siya at nagsimula kaming kumain ng tahimik.

"You cooked this?" Tanong ko sa kaniya agad naman siyang tumango. "I don't know that you can cook." Sabi ko dahilan para tumingin siya sa akin.

"It's just eggs, bacons and hotdogs. I just fried them." Sabi nito kaya agad naman akong tumango.

"Can I stay here for the rest of the day?" Tanong ko na agad na ikinalaki ng mata ni Alex. Nag iwas ito ng tingin saka tumango. "Just text tita that you're here. Baka nag aalala na say yun." Sabi ni Alex kaya agad naman akong tumango.

"Did you know where's my wallet and phone?" Tanong ko dahil hindi ko pa ito nakikita simula ng magising ako. "Yup, nasa kwarto na yun." Sabi niya at itinuro ang isang kwarto.

"Okay. Thanks."

Pagkatapos naming kumain ay ako ang naghugas ng pinagkainan at si Alex naman ay naligo na. Napag pasyahan namin na pagkatapos niya maligo ay manood nalang ng movie at maglaro.

Ang sabi din niya ay pwede akong mag ikot sa loob ng condo niya kaya pagka tapos ko maghugas ng pinagkainan ay nagpunas na ako ng kamay at pumunta sa kwarto na itinuro ni Alex.

Touched By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon