(WARNING) Grammatical Errors Ahead!
PLAGIARISM IS CRIME!
---
Chapter 2Kelly 's POV
Napaupo nalang ako sa duyan na nakasabit sa puno at dinama ang simoy ng hangin. Wala akong pakealam kung madilim sa parteng ito basta ang mahalaga makalayo ako sakanya at makahinga ng matiwasay
Hindi ko kaya, hindi ko pa kayang makita at makausap siya o miski makalapit manlang sakanya. I can 't.
Ang sakit e, bakit ganon? sobrang tagal na nang pangyayareng 'yon pero bakit nasasaktan pa rin ako?
"Woy! Andito kalang pala" Nagitla ako at napahawak sa dibdib ko ng biglang sumulpot nanaman si Gray sa harapan ko.
Bakit ba lagi 'tong sulpot ng sulpot!?
"Bakit kaba nanggugulat!" Inis na asik ko at umayos ng upo. Ang ganda ganda na nang view e.
"Sorry na. Kanina kapa kasi hinahanap ng pinsan mo. Tara na" Yaya niya sakin. Napabuntong hininga nalang ako at tumayo na mukhang napatagal ata ako sa pagliwaliw. Tss
"Lalim, ah?" Kantyaw niya sakin. Hindi ko nalang siya pinansin at tuloy tuloy lang sa paglalakad
"Wala ka paring pinagbago. Ganon ka pa din sa dati... Hindi mo 'ko pinapansin" Napatigil nalang ako sa paglalakad ng marinig ko ang binulong niya.
"Ano yon?" Tanong ko kahit na narinig ko naman na. Mas okay ng mag-kunware akong walang marinig dahil gaya nga nang dati...
Hanggang kaibigan lang talaga kaya kung ibigay sakanya.
Tama kayo.. He loves me but yeah I can 't love him back.
Pero matagal na 'yon at baka nag oover think lang ako sa sinabi niya.
"Sabi ko maganda ka kung hindi ka lang matagal maglakad" Natatawang sabi niya at ginulo ang buhok ko sabay takbo. Napangiti nalang ako ng mapait at nagkunwareng ayos lang din ang lahat gaya ng ginagawa niya.
"Hoy! Bakit mo ginulo buhok ko!?" Sigaw ko sakanya at hinabol siya.
"Ang panget mo kasi" Sigaw niya.
Hinihingal na nakabalik kami sa bonfire at doon ko lang siya nabatukan dahil nadapa ito.
"Grabe, ang bilis mong tumakbong hinayupak ka!" Usal ko at binatukan ito.
"Aww" Natatawang react niya. Inirapan ko lang siya at mabilis na hinablot ang drinks kay Lex.
"Saan kaba nagpunta?" Tanong niya pero hindi ko siya pinansin. I 'm so damn tired at ang init!
"Why?" Tanong ko ng makitang nakatingin silang lahat saakin.
"Don 't tell me..." Snow
"Ang alam namin hindi ka~~" Jess.
"Umiinom ka?" Gulat na tanong ni Gray na sakawas nasabi na niya kung anong ikinagugulat nila ngayon.
Natawa nalang ako habang ang pinsan ko naman ay nakangising inabutan pa ako ng isa pang baso na agad ko naman tinunga ulit
"Well, people change" Halakhak na salita ng pinsan ko.
"Woah! Wild!" React ni Ced
Lahat kasi ng pinsan ko ay sanay talagang uminom pero hindi nila ako magawang painumin dahil iritang irita talaga ako sa amoy ng alak pero dahil sa tragic na nangyare sa buhay ko ayon napagtagumpayan nila akong impluwensyahan. Tch!
Kaya hindi ko rin sila masis kung ganyan nalang sila kung mag react ngayon
"Naimpluwensyahan lang ng mga halimaw kung mga pinsan sa inuman." Salita ko sabay upo na.
