(WARNING) Grammatical Errors Ahead!
PLAGIARISM IS CRIME!
---
'Every POV has a reason"Chapter 20
Gray's POV
"What?" I asked again ng mapansin ko ang bahagya niyang pagka gulat. Even my cousin shocked.
Kahit naman ako nawiwirduhan sa sarili ko kung bakit tinatanong ko pa siya. Pero gusto ko ng nasagutan ngayon.
"I-it 's my fault" Sagot ng pinsan ko
"Why?" Kunot noong tanong ko.
"Kagabi kasi pumasok siya sa cr ng babae, kaya 'yan na suntok ko! Mag hahanap ba naman kasi ng suspect sa cr pa ng babae" Banas na usal ng pinsan ko.
"Aray ko po" Natatawang usal ni Ced na parang siya ang nasaktan.
"Sorry sir, tinitignan ko lang po ang pusebilidad" Nagkakamot na naka yokong sagot nito.
"It 's okay, you can go now. Ipagamot mo nalang 'yan sa clinic."
"Yes sir" Nang makababa na ito ay sinenyasan ko na si Mang Lando na paandarin na ang Yatch
Naglakad ako papunta sa gitna at umupo sa couch. Nagkanya kanya na silang libot ulit sa yatch. Ang iba nasa baba kagaya ko at ang iba nasa taas.
May maliit din na swimming sa gilid sa kung sino man gustong maligo.
Pinamana sakin 'to ni lolo bago siya mawala. Ewan ko nga rin kung bakit sakin niya ibigay imbes kay Stephanie. Binigay na kasi niya sakin ang resort kaya nagtataka lang ako. Buti nalang talaga at wala namang issue na naganap sa pagitan namin kasi para ko narin kapatid 'yon, kung anong meron ako shinashare ko rin sakanya.
Kasi nung bata palang kami namatay na agad ang magulang niya.
Kinuha lang siya ni Lolo ng malaman nila ang nangyare. Makapatid ang papa namin. Pero sabi ni Papa, lumayas daw si Tito nung hindi pumayag si Lolo na magpakasal ang mama at papa ni Insan. Mahirap lang daw kasi mama ni Insan kaya against si Lolo. Nakakainis diba?
Kaya 'yon napilitan si Tito na lumayas at magpakalayo layo. Si Papa pa nga tumulong sakanila makalayo. Langya lakas maka nobela 'no? Pag ibig nga naman. Whews.
Tapos 'yon na nga!
Ilang weeks din ata bago siya ulit nagsalita, na trauma kasi talaga siya. Lagi ko nga siyang dinadalaw sa Mansyon ni lolo no'n para hindi naman niya mafeel na nag iisa siya.
Nasabi kasi sakin ni lolo na mas nauna daw namatay si Tita dahil daw sa naganap na nakawan sa grocery shop, may barilan daw na naganap at 'yon, kasama si Tita na nabaril. Hays.
Tapos si Tito sa car accident daw.Mukhang hindi ata kinaya ni Tito ang nangyare. Kahit ako, baka mapakamatay na din ako HAHA.
Kaya 'yon hindi ko talaga siya tinigilan kausapin hanggang sa.. Ang gwapo ko na HAHHA. Joke! Kinausap na niya ako. Ako nga lang ata kinausap niya noon e, mga 1 month rin ata siguro bago ko siya makumbinsi na kausapin din sila Mom.
Kaya nong nalaman ko ginawa niya noon kay Kel. Para din akong nasaktan, para akong naiipit sa dalawang taong napaka importante sakin.
Hindi ko magawang magalit sakanya kahit na alam kong mali siya. Mas sinisi ko pa nga sarili ko kasi naisip ko ako rin na, ako ang dahilan kung bakit sila nagkakilala na dalawa. Akala ko talaga magiging matatag sila dahil naiintindihin rin siya ni Kel.
Napansin rin kasi niya nag hahanap talaga ng pagmamahal si Anie kaya talagang lagi siyang andyan para sakanya. Mas naging close pa nga ata 'yong dalawa kesa sakin. Tss.
