21

17 2 0
                                    


Angel's POV

Mataas na ang sikat ng araw at humuhuni na rin ang mga ibon mula sa malaking bintana. Nakatulala lang ako dahil sa totoo lang hindi ko na alam kung gusto ko pa bang tumayo mula sa dilaw na kama na ito o matulog nalang habangbuhay


'Teka anong oras na ba?'


Kaagad akong tumalon sa kama at tinignan ang orasan na nasa tabi nito. "Anak ng baka! 7:30 na pala!" sigaw ko kaya dire diretso akong tumakbo papunta sa banyo para mag ayos at maligo pero nadaanan ko si Dylan sa kusina na nagaayos ng umagahan.


"Kanina ka pa pala dito! Hindi ka manlang kumatok! Hindi mo pa 'ko ginising!" galit na galit na wika ko habang padabog na naglakad papunta sa banyo. Kainis! Sa ibang bansa hindi naman ako ganito ka late magising!


"I don't want to bother you. Mukhang kailangan mo talaga ng mahabang tulog eh." Pangungutya pa nito kaya dumiretso na ako sa banyo at naligo.


Kalahating oras pa at nakatapos na ako kaya dumiretso nalang ako sa lamesa at sinabayan kumain si Dylan. Wala talagang hiya sa katawan. Hindi man lang ako sinabihan at pumasok na agad dito ng walang paalam


"I'll take you to school today and I'm leaving tomorrow." Napatango tango ako dahil hindi naman ako isang bata na kailangan pang bantayan 24/7.


"Good, siguradong nagiinit na ang ulo ni Uncle. Napaka daming kailangang gawin sa 'Ndrangheta." Nakangiting sambit ko tsaka umupo na sa lamesa para kumain


Matapos nito ay ako nalang din ang nag ayos ng mga pinagkainan namin kaya ngayong papalabas na kami ay naroon din pala sa labas si Daniel na gamit ang Bugatti nya.


"Let's go." Nakatingin lang ng diretso saakin si Daniel pero wala na siyang magagawa. Were done at kahit tumingin pa sya habang buhay ay tapos na ang lahat kaya sinunod ko si Dylan at pumasok sa Tesla nito.


"Kaya ko nang tapusin ito Dylan at isa pa undercover agent ako and I've been doing that since I was young. Hndi pwedeng inihahatid mo ako with these expensive cars."


Napaisip si Dylan ng bahagya ngunit nagpatuloy parin sa pagmamaneho. Hindi naman siguro masama kung isang beses lang nya akong ihahatid.


"Alam ko naman, hayaan mo na ako. Last na 'to promise." Napailing nalang ako at inayos ang upo habang naka harap sa lamesa


"Tara na, tama nayan, late na late na ako." Nauna na ako sakanya palabas pero hindi ko inaasahang nasa labas na si Daniel at siguradong papunta na rin ito sa eskwelahan.


"Come on." Tawag saakin ni Dylan dahil hindi ko manlang namalayang kanina pa ako tulala. Siguro talagang hobby ko na ang tumulala. Puta.


"Sinasabi ko sayo Dylan, lumayas ka na pagkahatid mo sakin ah." Seryoso akong nakatingin sakanya mula sa passenger seat. Delikadong parehas silang nandito ni Daniel sa iisang bansa. Baka magpatayan pa ang mga gago.

CHASING BULLETS (Season 1: La Cosa Nostra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon