12

23 2 0
                                    




Nagising ako sa loob ng kwarto kaya napangiti ako nang maisip na kagagawan ito ni Daniel. Marahil ay binuhat nya ako matapos makatulog.



"Good morning." Nanlaki ang mga mata ko ng biglang pumasok si Daniel sa kwarto ng naka topless.



Hindi ko.maieasang mapatingin sa six pack abs nya grabe naiilang ako.



"Good morning." Sagot ko. Tatayo na sana ako pero halos malaglag ang panga ko sa gulat.



"S-Sino nagpalit ng damit ko!" Sigaw ko sa galit nang mapansin na naka panjama na ako at hindi na naka suot ng gown.



"I do but I closed my eye." nlnakangiting sambit nito tsaka umupo sa kama katabi ko, "I closed my left eye." Bulong nito saakin at bahagyang tumawa.



"Nakita mo na lahat lahat saakin? Huhuhu" mangiyak ngiyak ako habang tinatakpan ang hinaharap ko.



"You should thank me because I took care of you." Inungusan ko lang soya.



Sino ba naman ang hindi magagalit eh nakita na nya ang kaluluwa ko. Pero pwede na rin hehe.



Tumayo si Daniel iniabot saakin ang kape na nasa side table ng kama. "I made that, it's special." Lumabas ito matapos kong abutin ang kape kaya naman sumunod na ako dito kahit hindi pa ako nagmumumog. Tarages!




"Nasaan na tayo?" tanong ko matapos lumabas ng kwarto papunta sa top deck ng yacth.



"We are in the border of North Sentinel Island." Sambit ni Daniel habang naka upo at nakaharap sa isla.



"Daniel baka bigla nalang tayong atakihin ng mga Sentinelese isang grupo daw sila ng mgaa katitubo na naninirahan sa isla, ayon kay googl-" hindi na ako pinatapos ni Daniel at humirit na agad sya.



"That's what the government wants their people to know. Gusto nilang matakot ang mga tao na magpunta dito para maging tahimik ang isla. Lahat illegal na business transactions ay dito nagaganap." Lumungon muna sya saakin bago magsalita. "That's why agents like us will do the job the local police can't handle." Dagdag pa ni Daniel.



"P-Pero imposib -" sambut ko pero hindi na naman ako pinatapos ni Dnaiel



"Just shut up and wear this." Inilagay ni Daniel sa kama ang black fitted suite na mukhang magaan lang sa katawan. "Bring the guns with you and don't forget to wear this ring." May iniabot sya satin pagkatapos ay umalis na



I like the ring it's simple but elegant at the same time.




NARITO kami ngayon malapit sa border ng isla at ang kaisa isang paraan para makapasok kami ay ang pagsisid sa ilalim ng dagat.



'Ano ba 'yan hindi naman ako tinuruan lumangoy ni Daniel tapos magkakaroon pala kami ng swimming portion.' Buling ko sa sarili.



DAhan dahang iniayos ni Daniel ang mga apparatus na kailangan namin.



"Calm down. Hindi ka naman malulunod. Trust me." Natatawang sambit nito pero bahagya naman akong kinilig dahil doon.



'Delikado 'to kinikilig ka na sa mga banat nya.' Bulong ng maliit na boses sa utak ko. Kung matitiris ko lang 'yun ginawa ko na!



Nauna na tumalon si Daniel at pagkatapos ay sinenyasan naman ako nito na sumunod. Ayaw ko man pero ginawa ko nalang.



Unti unti kaming lumubog at nagsimulang magpailalaim sa dagat. Mabuti nalang at walang pating ayoko muna magpakain sa pating dahil hindi nya ako deserve masyado akong masarap.

CHASING BULLETS (Season 1: La Cosa Nostra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon