01

140 6 2
                                    

Present Day

Angelica's POV

I opened my eyes and I saw a white celling but then I realized that I don't know where I am.

"Anak gising ka na pala at kamusta naman ang pakirandam mo? May masakit ba sayo?" Wala akong ideya kung sino ang babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Sino ka? Hindi kita kilala at bakit ako nandito? Pakawalan nyo ako!!!" nagpupumiglas ako mula sa pagkakayakap ng ginang.

Biglang kumirot ang ulo ko dahil sa dami ng iniintindi ko ngayon.

"Angelica anak ko huminahon ka!" bumubuhos ang luha ng ginang habang pinakakalma ako pero tinignan ko lamang sya ng masama

"Bitiwan mo ako! HINDI. AKO. SI. ANGELICA!" sigaw ko na naging dahilan para magulat ang lahat ng taong nakapalibot saakin.

"A-Ako si... Ako si..." sandali akong napatigil nang marealize ko ang isang bagay.

"Hinde! Bakit wala akong maalala?!" hindi ko na napigilang umiyak dahil sa pangyayaring ito.

"Doc! Anong nangyayari sa anak ko?!" tarantang tanong ng ginang sa tabi ko.

Itinaas ko ang aking paningin at nakita kong kinakausap ng babae ang doktor na kakapasok lang. Nilapitan ako at sinuri.

"Maam Marilou sa aking pagsusuri ay may amnesia ang pasyente. Dahil rin ito na natamong damage ng brain nya sa pagkakabagok ngunit hindi pa namin ma-identify if it's permanent or for a short period of time lang." Napaiyak sa gulat ang ginang na katabi ko at naiwan naman akong tulala. 


Imposibleng mapunta ako rito. Hindi ko na  alam kung ano ako. Mawawala 


"Doc k-kamusta naman po ang lagay nya?" Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa usapan nila

"Maari nyo na syang umuwi bukas dahil tapos na rin ang mga test at wala namang severe damage ang natamo nya." nakahinga ako ng maluwag ngunit may parte saakin na hindi mapakali

"Salamat po doc." lumingon ang ginag saakin at ngumiti ng mapait.

"Anak don't worry. Nandito lang ako." Sambit ng ginang.

"Oo nga besh tutulungan ka rin namin." dagdag pa ng isang dalagang lumapit sa kama ko at hinawakan ang aking kamay

"Angelica, sya pala si Loreine"itinuro ni Marilou ang mga dalagang nasa tabi ko ngayon nginitian ako nito ngunit tumango lamang ako sakanya.

"Besh, eto nga pala sina Diane, Athena, Cloud, Kurt, Matthew at Roxanne. Kasama natin sila na nagbakasayon dito sa Palawan" isa isang itinuro ni Loreine ang mga kaibigan daw namin.

Lahat sila ay bumati saakin sa pamamagitan ng malungkot at mapait na ngiti.

Subalit bumigat ang aking pakiramdam nang dumapo ang tingin ko sa mga mata ni Roxanne na tila nais akong saksakin dahil sa talim ng kaniyang mga tingin.

"S-Sorry pero hindi ko talaga kayo maalala" matapos kong sambitin 'yon ay biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa aking sentido.

"Huwag kang mag alala naiintndihan ka namin Angelica." sambit ng babaeng mahaba ang buhok at kung hindi ako nagkakamali ang pangalan nya ay Athena.

Tumayo si Marilou at nagsalita. "Mga anak magsi uwi na kayo sa tinutuluyan nyo at lahat naman tayo ay pagod na mananatili nalang ako dito kasama si Angelica dahil uuwi na din kami bukas at kukuhanin ko nalang ang mga gamit nya sainyo." mahabang pamama alam ni mama sa mga kaibig

"Uuwi na rin po kami bukas para may kasabay kayo." wika ng lalaking katabi ni Athena napangiti naman si Marilou dahil sa narinig.

"Ako na rin po ang mag aayos ng gamit ni Angelica." suhestiyon ni Diane

Nagpasalamat sakanila si Marilou bago sila umuwi ngunit sinabihan din ako ng mga ito na magpahinga na kaaagad.

Hindi ko maintindihan kung bakit wala akong maramdaman na kahit kaunting pagmamahal sa babaeng nakatabi saakin ngayon o kahit lukso man lamang ng dugo.

Sana nga ay siya ang ina ko. Susubukan ko na rin na maging mabuti sakanya.

"Angelica, anak may gusto ka bang kainin?" hinimas himas nya ang buhok ko matapos akong tanungin ngunit wala naman akong gana kumain.

"Hindi naman po." tumango ito at tumingin sa mga mata ko. Halata kong pagod na rin sya pero narito parin sa aking tabi.

"May ipapakita ako sayo para naman kahit papaano ay maalala mo ako anak." masayang tumayo sya mula sa pagkakaupo malapit saakin at kinuha ang kaniyang bag.

Inilabas nya ang cellphone at itinutok ito saakin para makita ko ang mga litrato namin.

"Anak ayan ang highschool graduation mo napaka ganda mo 'diba?" abot langit ang ngiti ni Marilou habang ipinapakita ang mga litrato

"Bakit puro tayong dalawa lang ang nasa mga picture? May kapatid ba ako? May tatay pa ba ako?" sunod sunod ang mga tanong ko.

"W-Wala kang k-kapatid anak." nauutal na tugon nya "At ang ama mo naman ay..." huminto sya sa pagsasalita at huminga ng malalim.

"Huwag mo nang alalahanin yun anak" hindi ako kumbinsido na wala akong ama ngunit ayokong makipag lokohan sakanya kaya hindi na ako nagtanong pa.

"Gusto ko na po magpahinga. Matutulog na ako." Bumibigat ang pakiramdam ko sa tuwing nagsasalita sya na tila ba puro kasinungalingan.

"Sige anak maaga pa tayo bukas. Tandaan mo nandito lang ako para sayo" ipinìkit ko ang aking mata ng hindi sumasagot sakanya.

Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ni Marilou kaya ako nalang ang maghahanap ng kasagutan sa aking katanungan.

Sino ako at bakit wala akong nararamdaman na pagmamahal sa babaeng katabi ko?

A/N: She was about to know the reason why she is in the philippines. Wanna know? Flip the page bHie

CHASING BULLETS (Season 1: La Cosa Nostra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon