Angel's POV
Bahagyang nawala ang kaba na nararamdaman ko dahil ipinaliwanag na saakin ni Dylan na tinirukan lang nila ng gamot si Mrs. Park dahil sa mga kumplikadong dahilan.
"We're here. Nakapagpahinga ka ba ng maayos?" tanong nito habang pababa kami ng eroplano kasama ang mga guwardiya na kukuha kay Mrs. Park.
"Oo naman, natulog lang yata ako." Bahagya akong natawa at dahil sa ilang oras na lang ay lulubog na din ang araw. I missed Italy. Napakaraming memorya na bumabalik saakin. Kahit nasa airport palang kami ngayon ay ramdam na ramdam ko ang vibes ng Europe ngunit kahit anong ganda ang bansang ito'y may itinatago rin palang mga sikreto.
"Mabuti naman." Nakangiting sagot ni Dylan hindi kagaya ng mga ngiti nya dati ay tila may kalungkutan ang mga ito. Time really change people and so do my friend Dylan.
"Sandali lang tatawagan ko si Daniel." Mabilis kong kinapa ang cellphone ko at hinanap ang phone number ni Daniel upang tawagan iyon.
"You don't have to." Napalingon ako kay Dylan habang hawak hawak ang telepeno sa tainga ko. Ngumiti si ito saakin at itinuro ang direksyon ng isang lalaking naglalakad papalapit saamin habang hawak din ang kaniyang telepono. Sa paglakad pa lamang nya ay alam ko na kung sino ang lalaking iyon at isang ngiti palang ay nawawala na ang pagod ko sa hindi malamang dahilan, ang prisensya lang nya ang makapagbibigay ng kapayapaan sa mundo kong punong puno ng kaguluhan.
Sinalubong nya ako ng isang yakap at sa mga oras na ito sinisigurado akong nagungusap ang mga mata nya saakin. Mga matang puno ng kasiyahan.
"I missed you." He said then gave me a light kiss on my lips.
"I missed you too." Inayos ko ang magulo nyang buhok at hinarap si Dylan na ngayon ay nakatayo lang at nakatingin saamin. Sumaludo si Daniel kay Dylan at tumango lamang ito sakanya habang may maliit na ngiti sa labi at walang sabi-sabi naman akong hinila ni Daniel papunta sa chopper nya.
"Teka may kailangan pa akong tapusin para sa case ni Mrs Park!" sigaw ko habang nakatingin kay Dylan.
"I'll handle that." Nakangiitng sigaw ni Dylan habang kumakaway saakin. Gumaan ang loob ko at tumingin kay Daniel na ngayon ay nakahawak parin ng mahigpit sa mga kamay ko.
"Are you ready, my love?" isang pakulo nanaman ito and I know, with him I'm ready for anything.
"Yes." Hindi ko man aminin ay siguradong alam ni Daniel na ngayon ay isa sa mga pinaka masasayang araw ko. Umayos ako nag pagkakaupo at dinama ang prisensya ng lalaking nagmamayari ng puso ko kaya naman huminga ako ng malalim at naamoy ko nanaman ang pabango nya. He never failed to amaze me.
"Angel Smith, do you know how much I love you?" kaagad nyang naagaw ang pansin ko ng bigla syang magsalita tungkol sa relasyon namin.
Tumingin lang ako sa kanya at hindi nagsalita dahil sa totoo lang ay hindi ko alm kung hanggang saan ang pagmamahal nya saakin dahil sa isang mala-Adonis na lalaki ang nasa harapan ko ngayon habang tinatamaan ng sikat ng papalubog na araw ang mukha nya. I know I'm the luckiest woman because this man infront of me loves me more than I could ever imagine.
BINABASA MO ANG
CHASING BULLETS (Season 1: La Cosa Nostra)
General Fiction"I am the first heiress and I will gain the power of La Cosa Nostra." - Captain Angel Smith, the woman who was raised in a very violent and chaotic world of La Cosa Nostra. She was born to be a fighter and to be the owner of a billion dollar worth...