Angelica's POV
Maaga akong ginising ni Marilou para bumiyahe kami kasama ang mga nagpakilalang kaibigan ko. Buong gabi sumakit ang ulo ko kaya hindi na muna ako kumikibo sa ngayon.
Nakalabas na kami ni Marilou/mama at naaninag na namin sina Loreine.
Habang papalapit kami sa sasakyan ay nakikilala ko na rin silang lahat dahil sa mga litratong ipinakita saakin ni mama ngunit pumukaw ng aking pansin ang isang lalaking tahimik na nakatingin saakin madilim ang kaniyang aura na tila ba nag mamasid masid lang sa paligid.
Sa bawat sulyap ko sa kaniyang mukha ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung kinakabahan lang ba ako o iba na ano itong nararamdaman ko.
Anong koneksyon ko sakanya?
Kaano ano ko ba ang lalaking 'yan?
Puno ng mga tanong ang utak ko.
"Angelica ayos ka na ba?"pambubungad saakin ni Cloud pero hindi ko na sya nilingon bagkus ay tumango nalang ako sakanya at ninamnan ang prisensya ng misteryosong lalaki na ito sa harapan ko.
"Angelica, Tita Marilou, this is Daniel Park and Daniel this is Angelica Villafuerte and Mrs. Marilou Villafuerte." matapos 'yong sabihin ni Cloud ay dun lang ako natauhan iniabot ko ang aking kamay at nakipag shake hands kay Daniel.Hawak hawak ko pa ang kaniyang kamay nang bigla akong mahilo at mawalan ng balanse kaya't muntik na akong bumagsak buti nalang at sinalo ako ni Daniel lahat ng kasama namin ay nagulat at kinabahan dahil sa muntikan kong pagbaksak.
"Angelica are you alright?" wala syang gaanong emosyon ngunit sa mga oras ng pagbaksak ko sa kanyang mga bisig ay kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pag aalala.
"Y-Yes, I'm okay sumakit lang ng konti yung ulo ko" sagot ko pagkatapos ay umayos na ako mg tayo ay lumapit kay Marilou/mama. Kinausap ako nina Athena at kinamusta papasok na sana kami ng Van ng biglang--
"Ahmm, Mrs Marilou. I think it's more comfortable for Angelica if she rides with my car." suhestiyon ni Daniel saamin.
"S-Sandali pasensya na ngunit hindi ka pa namin lubos na kilala" kabadong tugon ni mama kay Daniel.
"Don't worry po Tita he's my cousin from Korea actually susunod po talaga sya saamin dito sa Palawan kung hindi lang nagkaroon ng aksidente" ani Cloud kay mama para pagaanin ang loob nito.
"Mrs. Marilou you can also ride with us so Angel--- I mean Angelica can get comfortable" malamig na tugon ni Daniel.
"Ok tutal kagagaling lang ni Angelica sa Hospital kaya mas mabuting diyan nalang kami sumakay" nagdadalawang isip na tugon ni mama sakanilang dalawa.Sa ngayon gusto ko munang mag pahinga sa kung saan man nila ako dadalhin ayoko munang mag isip ng masyado
Pinagbuksan pa kami ni Daniel ng pintuan at nang lahat kami ay nasa loob na panay ang silip nya saakin. Patay malisya lang sya kapag nagsasalubong ang mga mata namin.
BINABASA MO ANG
CHASING BULLETS (Season 1: La Cosa Nostra)
General Fiction"I am the first heiress and I will gain the power of La Cosa Nostra." - Captain Angel Smith, the woman who was raised in a very violent and chaotic world of La Cosa Nostra. She was born to be a fighter and to be the owner of a billion dollar worth...