U 03

608 11 0
                                    

Pagkikita

Pamilya kami sa labas kaya ipinahanap noon si Mama upang patayin kami. I will never forget that day.

Kinuha lang naman nila ang buhay ko sa akin...

Mabigat na ang aking pakiramdam nang dumating ang pang huling subject. Lutang ang isip ko hanggang sa idedeklara niya na ang bawat grupo sa una naming performance task at magbibigay siya ng bawat topic sa aming presentation.

"Ang unang grupo na babanggitin ko ay sina Miss De Villach, Miss Rezcon, at si Miss Ylad."

Napabuntong hininga ako. Ramdam ko naman ang pagtingin sa akin ni Thalia bago siya bumaling sa aming guro at nagtaas ng kamay para umalma. Napatingin din sa amin ang mga kaklase bago sila nagbulungan.

"Ma'am—"

"Oh, I'm really glad you're going to be my groupmates!" lumapit na sa amin si Hartley bago pa makaangal si Thalia.

Nilingon siya ni Thalia. Muli akong bumuntong hininga.

Dalawang buwan palang simula ng nag-umpisa ang klase. Noon ay wala naman akong pakialam sa kanya pero nang nakasalamuha ko ang lalaking De Villach ay pati siya ay kalaban na rin para sa akin. Hindi ko alam kung planado rin ba ito. Makapangyarihan ang angkan nila. Walang silang hindi kayang gawin at lahat ay napapasunod nila kaya may posibilidad na baka planado nga.

Nandilim ang paningin ko at sinulyapan si Hartley. Wala akong mahanap na kahina-hinala sa kanya dahil sa inosente niyang mga mata na malambing makitungo. Simula nang naging kaklase ko siya, halos lahat ng estudiyante dito ay gusto siyang maging kaibigan pero madalas kong napapansin na lumalayo siya sa kanila.

"Oh! By the way, I'm Hartley De Villach." pakilala niya bago naglahad ng kamay. Ang mga nabanggit na ni Ma'am na magkakagrupo ay hinayaan niya ng mag usap-usap.

Tumikhim si Thalia bago niya tinanggap ang kamay ni Hartley. "Thalia. Thalia Ylad."

Nanatiling blanko ang itsura ko lalo na nang sa akin naman siya naglahad ng kamay.

Matangkad si Hartley, makinis at malambot ang balat. Mahaba ang buhok niyang paalon-alon. Maganda ang pangangatawan at may maamo't magandang mukha. Hindi ko alam kung bakit para sa'kin ay pamilyar siya, lalo na ang mga mata niya. Kumunot ang aking noo at iniisip pa kung saan ko siya nakita at bakit parang pamilyar.

"I don't do shakehands." simple kong sinabi gamit ang malamig na boses. Kita ko ang bahagyang pagkapula ng kanyang pisngi dahil sa pagkapahiya.

"Oh! Uh, okay." ngumiti siya sa akin bago niya ibinaba ang kamay. "Gusto ko nga pala ipaalam sa inyo na sa amin tayo gagawa ng project."

Matagal akong napatitig sa kanya samantalang napaayos naman ng upo si Thalia. Parte ba 'to ng plano ni Reinier? Hindi ba't kaibigan siya nung Aegeus Chean? Hindi kaya gumagawa na sila ngayon ng hakbang? Pasimple kong inilinga ang tingin sa kapaligiran at tulad ng nakadalasan, wala naman akong nakitang kahina-hinala.

"Uh, puwede namang sa ibang lugar na lang kung hindi nakakaabala o kaya—"

"Hindi naman nakakaabala. Bawal kasi akong pumunta sa kung saan kaya t'wing may groupworks, talagang sa amin talaga gagawa." paliwanag niya, nakangiti pa rin.

Nanliit ang mga mata ko. Nagsasabi na siya ng totoo? Maaari. Pero paano kung hindi?

"Pero kasi, Hartley." alma ni Thalia.

"Hmmm? Bakit? Ayaw niyo? Papagalitan kasi ako e." ngumiwi siya at saka tiningnan kami ni Thalia.

Huminga naman ako ng malalim.

Uncontrollable Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon