U 12

373 7 0
                                    

Panandaliang Kaligayahan

Siyang pagtayo ko ay ang pagligpit ko ng aking gamit samantalang nanatili si Aegeus sa kanyang upuan na nakahilig at pinagmamasdan ako. Kahit na naiilang at naaasiwa sa titig niya ay nagpatuloy ako sa ginagawa.

"Saan tayo?" tanong niya sa'kin.

Kumunot ang noo ko't binalingan siya. Maamo ang magaganda niyang mga mata na nakatitig din sa akin. Sa huli ay napasinghap na lang ako at saka sinukbit ang bag sa aking balikat bago siya tinalikuran at lumabas na ng Pizza Hut.

Napapikit ako sa tumamang sikat ng araw sa aking mukha. Dinungaw ko ang kalsada at nag-aabang ng jeepney na masasakyan. Uuwi na lang ako at matutulog para may lakas ako mamaya pagkapasok.

"..Archana,"

Kumalabog ang dibdib ko. Bakit niya ba ako sinusundan? Hindi niya ba ako narinig na uuwi na lang ako?

Napapikit ako nang maramdaman ko ang mainit niyang palad sa kamay ko. Humarap ako sa kanya kasabay ng pagtingin ko sa apat na babaeng naglalakad papalapit sa amin. Mga naghahagikhikan at pare-parehong namumula. Napakunot noo ako sa kanila habang titig na titig sila sa katabi kong nasa akin naman ang tingin.

"Hi!"

Napatingin sa kanila si Aegeus. Pasimple kong binabawi ang aking kamay ngunit hindi niya iyon hinayaang mangyari. Ang pinakamatangkad na babae na nasa kanang gilid ay humakbang papalapit kay Aegeus.

"Uh, kailangan mo ba ng kasama?"

Hindi ba nila ako nakikita?

"Hindi, miss. Sapat na ako sa kasintahan ko." hinila ako ni Aegeus papalapit sa kanya at saka inakbayan.

Nalanghap ko ang kanyang karaniwang bango. Uminit ang pisngi ko at saka tinitigan ang apat na babaeng mas lalong nagsipulahan ang pisngi nang makita ako. Dahil sa nakakahiyang pangyayari ay agad silang umalis, mga nagtutulakan at dinig ko pa ang kanilang sisihan habang papaalis.

Nagtiim bagang ako. "Aegeus, ano ba." mahina ko siyang siniko at saka malamig na tinignan. Nanatili ang kainosentahan sa kanya na siyang kinaiirita ko.

"Bakit? Saan ba tayo pupunta?" and his innocent question. Damn him.

"Uuwi na ako kaya pakibitawan ng kamay ko." mariing sinabi ko. Nagtaas siya ng kilay at napasulyap sa labi ko.

"Ayoko nga." pagmamatigas niya bago ako hinila sa kung saan.

Noong una ay hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit kusa ang mga paa kong sumunod sa kanya ngunit nang matanaw ko na ang kanyang sasakyan ay napatigil na ako. Nga lang, huli na ang lahat dahil nabuksan niya na ang pintuan ng front seat at saka ako pinaupo.

"A-Aegeus! Kailangan ko nang umuwi--" hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin. Kinabit niya seatbelts sa akin at saka inagaw ang mga gamit kong dala at nilagay sa back seat.

Napasinghap ako at napatitig sa maganda at perpekto niyang mukha.

"Aegeus--!" nakain ang boses ko nang sinarado niya ang pintuan at umikot patungong driver seat.

Hindi na ako makatingin sa kanya lalo na nang maramdaman ko na siya sa tabi ko. Malamig ang tingin ko sa harapan at tindig ang aking upo. Naikuyom ko ang aking mga palad na nakapatong sa aking hita. Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan kung bakit pa 'to kailangang mangyari. Ang hindi ko lubusang makuha ay ang katabi ko. Saan naman niya ako dadalhin?

Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa habang nagmamaneho siya. Nakakabinging katahimikan. Tumingin ako sa labas ng bintana at saka kinalma ang sarili. Ramdam ko naman ang pagsulyap niya sa akin.

Uncontrollable Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon