U 10

453 14 0
                                    

Sugat sa Dibdib

Wala kaming imikan dalawa habang naglalakad. Lumayo na ang distansya naming dalawa nang nasa parking lot na kami. Ako 'tong kusang lumalayo at hindi niya naman iyon kinuwestyon pa.

Hindi ko rin naman alam kung ba't niya iyon ginawa. Para siguro sa palabas. Hindi naman na niya kailangang gawin iyon lalo na't wala naman akong pakialam sa mga opinyon ng mga tao.

Agad ko nang natanaw ang kanyang BMW na sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa front seat. Nagkatitigan pa kaming dalawa bago ako pumasok sa loob. Hinagod ko ang buhok at diretso ang tingin sa harapan nang maramdaman ang pag upo niya sa tabi ko.

Isinandal ko ang katawan sa inuupuan at saka kinabit ang seatbelts.

"Para saan 'yon?" malamig kong tanong.

Sumulyap siya sa akin at saka na inistart ang makina. Tinignan ko na siya. Tumitig din siya pabalik sa akin. Walang emosyon ang mga mata ko habang sa kanya ay marami ngunit hindi ko masabi kung ano ang mga iyon.

"Kung sa tingin mo na mapapabilog mo ang isang tulad ko, pwes nagkakamali ka." sambit ko at saka iniwas ang tingin sa kanya.

"Hind—"

Pumikit ako. "Gusto kong magpahinga kaya sana," huminto ako sa pagsasalita at isinandal ang ulo sa bintana. Dinig ko ang malalim niyang hingang malalim at hindi na itinuloy ang balak na sabihin.

May nagsasabi sa akin na baka dalhin niya ako kay Reinier ngunit may nagsasabi rin sa parte ko na mag tiwala sa kanya. Sasama ako dahil una, antok na antok at pagod na talaga ako at pangalawa dahil sa plano namin ni Thalia. Ang pagsama ko naman ngayon ay may benepisyo sa akin.

"Okay then, rest." he said hoarsely.

Ipinikit ko ang mga mata at ang sinabi kong iidlip lang sa sarili ay hindi nangyari.

Nagising ako na nasa isa akong malambot at malaki na kama. Kinusot ko ang mga mata at nilibot ang tingin sa kapaligiran. Malawak ang silid at malinis. Naka-dim ang ilaw ngunit kitang kita ko ang kabuuan ng kuwarto na mukhang kuwarto ng isang lalaki. Pinagsamang gray, white at charcoal black ang kulay ng kapaligiran na hanggang sa mga kagamitan. Maganda ang kombinasyon ng kulay at masasabi kong nagustuhan ko ang silid na ito. May isang pintuan sa gilid na mukhang banyo at may balcony.

Unti unti akong umayos ng upo habang nag uunat unat. Aaminin kong napasarap ang tulog ko at hindi bitin.

Ngunit nawala ang pagiging komportable sa akin nang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang naka-puting sando at itim na pajama na si Aegeus. Magulo ang kanyang buhok at kitang kita ko ang ganda ng kanyang pangangatawan lalo na't siya'y nakasando lang. Nang nakita niya kung saan ako nakatingin ay mabilis akong nag iwas ng tingin na nagiinit ang pisngi.

"Oh, magandang gabi." bati niya nang mapansing gising na ako. Tumikhim ako at malamig lang na tumango.

"Gigisingin na rin sana kita dahil alas diez na at hindi ka pa naghahapunan."

"Alas diez?!" gulantang ko.

Tila ay bumalik na ako sa aking wisyo. Mabilis akong umalis sa kama at saka hinanap ang aking mga gamit ngunit nang maramdaman ko ang kamay niya sa siko ko ay unti unti akong napatigil. Nilingon ko siya.

"Hey, calm down, Archana. Maaga pa naman. Buti nga't nakapagpahinga ka na ng matagal."

Umiling ako habang iniisip ang kaibigang paniguradong nag-aalala. Hindi pa naman ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya. "Kailangan ko nang umu—"

Uncontrollable Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon