U 16

338 10 0
                                    

Tawag

Dalawang buwan ang nakalipas. Iyong babaeng nakita ko noon ay madalas kong napapansin ngayon. Hindi ko alam kung pagkakataon lang o talagang sinasadya niyang laging nagtatama ang paningin naming dalawa, mapansin ko lang siya. Sa buwang nakalipas, may iba akong nararamdaman.

At ngayon ay nandidito rin siya. Nakaupo sa harap naming lamesa. Iyon na naman ang titig niya sa akin. Mag isa lang siya at nakalugay ngayon ang itim niyang straight na buhok. Hindi ko alam kung bakit pamilyar ang mga mata niya sa akin.

"Iura Deva."

Napakurap ako at napabaling kay Hartley na sumisimsim sa kanyang apple juice box. Dahil oras ng vacant ay nakatambay kami ngayong tatlo dito sa cafeteria. Buti nga at pareho kami ng oras ng vacant ngayong araw ng Lunes.

"Iyong tinitignan mo, Iura Deva ang pangalan niya." sabi niya.

"Next class, kaklase ko siya." dugtong niya pa. Tumango ako at saka sumubo sa aking kinakain na carbonara.

"Anong mayroong sa babaeng 'yan, Archana?" tanong ni Thalia na nakapalumbaba habang pinaglalaruan ang kanyang phone.

"Wala naman, madalas ko lang siyang nakikita.." sabi ko dahil iyon naman ang totoo. Hindi ako naniniwalang pagkakataon lang.

Sa Sabado ay death anniversary na ni Mama kaya hindi muna ako makakapasok sa trabaho. Nakagawian ko nang gawin iyon kahit pagliban sa eskuwela ay talagang gagawin ko. Hindi ko alam. Pakiramdam ko, sa araw na iyon ay payapa ang buhay ko at mas nakakapagpahinga ako ng maayos.

Sumunod ako sa pagtayo nila Hartley. Pagkatapos ay sa library ang tungo namin para mag-review sa nalalapit naming exam. Malamig ang tingin ko sa babaeng nagngangalang Iura na kahit pagtayo ko ay pinagmasdan niya. Nagtaas siya ng kilay sa akin bago ibinaling ang tingin sa kinakain na cake.

Bakit niya ako minamanmanan?

"She's weird," utas ko nang nakalabas kami ng cafeteria. Humalukipkip ako at pinagmasdan ang aming dadaanan.

"Iyan nga ang sabi nila." ngiti sa akin ni Hartley. "Pero mabait naman siya. Nakakausap ng maayos. Marami lang natatakot sa kanya na mga babae kasi laging malamig ang tingin niya pero kahit ganoon naman ay marami pa ring humahabol at nagkakagusto sa kanya."

Tumango ako at napatingin sa tatlong basketball player na nakatingin sa pwesto namin. Mga nagtutulakan at pare parehong namumula ang mukha. Iniwas ko ang tingin sa kanila at tinignan si Hartley.

"Anong tingin mo sa lalaking iyon?" tanong ko sa pinakamatangkad na lalaki sa gitna. Napatingin silang dalawa roon ni Thalia na nakaakbay sa akin.

"Mm.. Well, he's tall and hot. But not my type." she giggled. Napangisi ako. Ito ang kauna-unahan na ang pag-uusapan namin ay lalaki.

"You like him?" ngisi ni Thalia.

"No," umiling si Hartley.

"Nagka-nobyo ka na ba, Hartley?"

"Hindi pa. Ikaw, Thalia?"

"Parehas tayo."

"But you already like someone, right? Taong nandiyan na sa puso mo?"

Natahimik kaming dalawa ni Thalia sa itinanong sa kanya ni Hartley. Hindi ako nagsalita at hinihintay lang ang sasabihin ni Thalia pero wala akong narinig mula sa kanya. Bigong ngumiti si Hartley dahilan kung bakit umiwas ng tingin sa kanya si Thalia. May tinatago siya sa aming sikreto.

Huminga ako ng malalim. Hindi naman ganito noon. Hindi siya ganito. May nararamdaman akong mali sa kanya at natatakot ako na tama ang hinala ko.

Mariin akong pumikit.

Uncontrollable Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon