Unang Pagibig
Mahapdi ang mga mata ko habang nakatingala sa puting kisame rito sa kuwarto ko. Pinaggigitnaan ako nila Thalia at Hartley na ngayo'y mahimbing ng natutulog. Mapait akong ngumiti. Buntis ang kaibigan ko at ang ama ay siyang pumatay kay mama.
Hindi agad ako nakatulog kagabi dahil sa isipang iyon hanggang kinabukasan ay dala-dala ko pa rin iyon.
Tumigil ako sa paglalakad at luminga sa tahimik at walang katao-taong lugar.
Kanina ko pa nararamdamang may nakasunod sa akin kaya dumiretso ako rito sa pribadong property na 'di kalayuan sa unibersidad para harapin at makita kung sino ang taong iyon. At kung anong kailangan niya sa akin.
Inakyat ko ang lumang gate bago nilapag ang bag ko sa sahig. Tinali ko ang mahabang buhok habang naglalakad.
Naririnig ko na ang kanyang mga yabag sa aking likuran na tila alam niya nang alam ko na ramdam ko ang presensiya niya. Buti talaga at pinauna ko nang umuwi sina Hartley at Thalia.
Ramdam ko ang pag-vibrate ng phone ko sa aking bulsa ngunit binalewala ko lang iyon.
Siyang pagharap ko sa taong nasa likod ko ay siya ring pagtama ng matulis na bagay sa braso ko.
"Fuck!" napangiwi ako at napaatras.
Ramdam ko ang pagsandal ko sa isang luma na sasakyan habang tinitingnan ko ang duguan kong braso. Manipis ang kutsilyo ngunit ramdam kong malalim ang pagkakasugat nito sa balat ko.
Inangat ko ang tingin sa babaeng nasa harapan ko na malamig na nakatingin sa akin. Tulad ng madalas kong nakikita ay mataas ang pagkaka-ponytail ng kanyang buhok at pamilyar na sa akin ang nanlalamig niyang mga mata.
Naglabas siya ng baril at itinutok iyon sa akin.
Malamig ko siyang tinapunan ng tingin.
"Hindi na ako nagulat na ikaw ang makikita ko." panimula ko bago umayos ng tayo.
Mabilis kong tinanggal ang kutsilyo sa braso ko at saka iyon inihagis pabalik, posibleng asintado iyon sa kanyang dibdib ngunit kahit na alam kong may posibilidad ay hindi na ako nagulat nang makitang naiwasan niya iyon ng walang kahirap-hirap.
Sinalubong niya ako ng suntok. Mabilis akong umiwas at hinawakan ang kanyang kamay. Tuluyan ko siyang napabagsak sa sahig nang nakadapa at nasa likuran niya ang nahuling kamay. Ramdam ko na ang frustration niya.
Ngumisi na ako. Ngunit bago pa ako tuluyang makapagsalita ay napapikit na ako sa sakit ng desperada niyang winasawis ang buhangin kung kaya't agad nadali ang mga mata ko.
Kahit na iritado ay nagpatuloy ako sa ginagawa, nawala lang ako sa tutok lalo na nang maramdaman kong aabutin niya ang kutsilyo. Mabilis naman akong umiwas.
Kinukurap-kurap ang mahapding mga mata.
Napatuwid ako ng tayo at napangisi. Shit! Napuruhan ako kaya ako ang mas dehado ngayon.
"Anong kailangan mo?" pilit na kinakalma ko ang sarili sa kabila ng kirot at sakit na nanggagaling sa sugat sa braso ko. Buti at medyo nawawala na ang buhangin sa mga mata ko.
"Gusto ko lang malaman..." humakbang siya papalapit sa akin bago tinabi ang hawak na baril sa bulsa ng kanyang palda.
Humalukipkip siya at hindi binibitawan ang titig namin sa isa't isa.
Samantalang lumagpas naman ang tingin ko sa lalaking parating na galit ang itsura. Naka-itim na longsleeve at pants.
"Archana!" tawag niya.
Nilingon iyon ni Iura at kita ko ang pagkakagulat sa mga mata niya nang makita si Aegeus.
"Iura, hindi ba't sinabi ko na sa'yo..." mahinahon ang wika niya nang naramdaman ko siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at mariing tinignan ang duguan kong braso.