U 01

1.4K 12 0
                                    

Ang Mga Nagbalik na Alaala

I once met an angel.

It was wonderful to lived together, to be contented and happy.

I always thought I'll have an happy ending. But then, I was wrong because I lost her...

Ang sakit na hindi mawala-wala sa akin ay mas nadagdagan lang nang bumalik ang mga alaala sa akin ng nakaraan.

Matamlay kong iniangat ang tingin sa kalangitan at natanaw ang ganda at aliwalas nito ngayong araw.

Are you doing well, mother?

"Handa na ang sasakyan, Archana. Let's go?" boses iyon ni Thalia sa likuran.

Huminga ako nang malalim at tumango. Ramdam ko ang hawak niya sa likuran ko bago kami sabay na sumakay sa SUV.

Seryoso kong ibinaling ang tingin sa harapan.

It's been seven years, huh.

This time, I'll avenge you. I will give you the justice, mother.

"Sigurado ka na ba rito?" tanong iyon ni Thalia sa akin na nasa tabi ko.

Muli akong napahinga nang malalim at ang malamig kong tingin sa daan ay hindi nagbago.

"Wala namang dahilan para ihinto ito. Kung hindi ko maipapatay ang lalaking iyon, hindi ko mabibigyan ng hustiya si mama." malamig kong sinabi. Dinig ko ang hingang malalim niya bago ipinagkrus ang mga hita.

"Iyan ang paraan mo para makakuha ng hustiya, huh."

Nagtiim bagang ako at saka siya masamang tiningnan. Nakangisi lang siya na tila alam niya nang ito ang magiging reaksyon ko. "Kung sa batas ko ito aasa, makakalaya pa rin ang lalaking iyon o baka 'di pa makulong dahil makapangyarihan ang mga tutulong sa kanya. Wala akong ibang paraan kundi ang gawin 'to."

Handa akong madumihan ang mga kamay ko para sa hustisyang hinihingi ko.

"Naiintindihan ko," tumango siya at ngumisi ngunit mukhang nanunuya naman iyon.

Umirap lang ako at inayos ang hawak na baril bago tinali ang mahabang malalaking kulot na buhok. Sunod kong inayos ay ang suot kong itim na bota.

Sa tabi ko ay ang tahimik na si Thalia na pinagmamasdan ang kapaligiran sa labas. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isipan niya, tutol siya ngunit tinutulungan niya pa rin ako. Hindi ko na rin binubuksan pang muli ang usaping iyon dahil ayokong masira pa ang nabuo naming plano.

Si Thalia Ylad ay ang naging kaibigan ko, anim na taon na ang nakalipas. She's also been living in this hell by herself, working and supporting her daily needs. Nang naging malapit kami lalo sa isa't isa ay doon namin napagpasyahang mamuhay na lang ng magkasama.

It wasn't bad at all, knowing that I will never be alone again.

"Hi!"

It was our lunch time in junior high when she showed up, smiling sweetly while holding her food.

Malamig ko lang siyang tinapunan ng tingin dahil nakarahang siya sa dinadaanan ko.

Maikli ang kanyang straight na buhok at maganda ang bilugan niyang mga mata na kulay kayumanggi, tila kumikinang iyon na isang tala sa kalangitan habang pinagmamasdan ako. Morena ang kanyang balat, tulad ng sa akin. Kasingtangkad ko. She's slender while I'm a bit curvy.

"Geez! Ba't ganyan ka makatingin? Wala naman akong ginagawang masama." ngumuso siya.

Pagod akong bumuntonghininga bago na lang nag iwas ng tingin.

Uncontrollable Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon