FINALE

770 13 0
                                    

Kapag talaga nabalot ka ng galit at pagkamuhi, talagang masisiraan ka ng bait. Aaminin ko na hindi naman talaga ako mabuting tao, natuto lang ako dahil sa pagmamahal sa mga taong nasa paligid ko. Natuto ako kung paano magmamahal, umunawa, at magpatawad.

Kahit na masakit ang pinagdaanan ko, masaya pa rin ako dahil nakilala ko ang mga mahal ko sa buhay.

Alam kong masaya rin si Mama ngayon na sa tamang landas ang itinahak kong daan. Kahit na wala siya rito, ramdam ko ang mainit niyang yakap sa akin. Nararamdaman ko pa rin siya kahit na wala na siya.

Isang taon na ang nakalipas. Dalawang buwan nang nakatapos ako ng kolehiyo at ngayo'y tinatahak naman na ang panibagong daan patungo sa kinabukasan.

Sa tabi ko ngayon si Tita Vera habang pareho kaming nakatanaw sa maaliwalas na kalangitan.

Tatlong buwan na rin simula nang nakalabas siya ng mental hospital. Madalas kapag bumibisita ako ay lagi ko siyang nakikita na nakatanaw sa kalangitan. Hindi ko alam kung anong tinitingnan niya o nagbabaliktanaw lang siya sa nakaraan... Lagi ko ring nakikitang nangingilingid ang kanyang mga luha ngunit may guhit na ngiti sa labi. Ramdam ko ang kanyang kalungkutan, na may pagsisisi at kaginhawaan.

"Pasensiya na kung nagawa ko iyon." panimula niya bago ipinutol ang tingin sa langit.

"Nawala talaga sa isip ko na posibleng makita ko o makaharap ko ang anak ni Miranda."

Ibinaling ko ang tingin sa kanya. Ang buhok niya ay hanggang balikat na lang ang haba ngayon, medyo nagkalaman din siya 'di tulad noong pagkikita namin ng nakaraan na medyo namamayat siya. Masasabi ko na talaga na gumaling na siya at umayos na ang kalagayan niya.

"Kaya kahit na sa kabila ng matinding galit at sakit na nararamdaman ko, nang makita kita ay aaminin kong gumaan ang pakiramdam ko." nangilingid ang kanyang luha at inabot ang kamay ko.

"Habang tanaw ko kayo ni Iura at ng iba niyo pang mga kaibigan... Nakahinga ako ng maluwag. Masaya ako na masaya kayo."

Habang nakatitig siya sa akin ay maya-maya rin ay mabilis na nagsitulo ang luha sa kanyang pisngi. Agad naman akong dumalo para akapin siya dahil sa pag aalala.

"Pasensiya na, hija. Masyado lang akong naging emosyonal dahil parang si Miranda ngayon ang tinitingnan ko. Kuhang kuha mo ang mga mata niya..." suminghap siya. "Parang ang kaibigan ko ang nakakasama at nakakausap ko ngayon." basag ang kanyang boses habang niyayakap ako.

"Patawad, hija. Kung nagawa ko iyon. Patawarin mo ako... At maraming salamat sa pagtanggap sa akin sa kabila ng nagawa ko... Masaya ako na umayos na ang pakiramdam at kalagayan ko ngayon."

"Nakalimutan kong sabihin kay Miranda kung gaano ko sila kamahal. Nakalimutan kong pagpasalamatan sila sa pagtanggap at sa pagbigay ng pagmamahal sa akin... Gumaan at naging maayos at masaya ang buhay ko nang dahil sa kanila."

"Ang mali ko lang, napaniwala ko si Miranda na si Antonio ang may gustong ipapatay kayo mag ina." patuloy ang pagluha niya mariin akong napapikit habang hinahagod ang likod niya.

"Huwag na ho kayong umiyak. Napatawad ko na po kayo. At parte na po iyon ng nakaraan, kahit wala na rito si Mama, batid kong napatawad ka na rin niya.."

Humihikbi siyang tumango nang humiwalay ng yakap sa kanya. Mabilis naman akong kumilos para mapunasan ang kanyang luha.

"Pasensiya na, imbis na makapag usap tayo ng mapayapa ay hindi ko na naman mapigilan ang mga luha ko." ngiti niya sa akin.

Mahina akong natawa. "Ayos lang ho, naiintindihan ko ang nararamdaman ninyo."

Matagal pa siyang napatitig sa akin bago napangiti at sa huli ay pinilig ang ulo.

Uncontrollable Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon