Ang Mga Pagbabago
Alas diez y media na kami nakarating sa Romblon gamit ang chopper nila Hartley ngunit pagtapak palang namin sa resthouse nila ay napansin ko na agad ang mga armadong mga tauhan na nagkalat sa paligid. Mga naka-men in black. Napabuntong hininga na lang ako habang nakasunod kay Thalia na nagkakamot ng batok. Mukhang na-stress din siya sa nakita.
"Kaya ayokong nagkakaroon ng mayamang kaibigan e." tinig naman ni Iura sa tabi ko na inilingan ko lang. Tinawanan lang kami ni Hartley habang sa likod niya ay ang dalawang tauhan na may dalang mga bagahe niya.
Kaming apat lang ang nandidito. Sabi ni Aegeus ay susunod na lang siya mamaya kasama si Reinier. Napagdesisyunan namin na maglaan ng isang linggo rito sa napakagandang lalawigan na parte ng Visayas. At makabisita pa sa ilang magagandang mga lugar na hindi pa naman napupuntahan.
"Malapit lang tayo sa Cabahan kaya doon na lang tayo unang maligo. O kaya sa iba? Saan niyo ba gusto?" tanong sa amin ni Hartley habang umuupo siya sa sofa sa kanilang salas.
"Kahit saan naman." sagot ni Iura na umupo na sa tabi niya.
Dalawang oras ang nagahol namin sa paghahanda ng mga gagamitin mamaya sa Cabahan. Nasa isang malaking kuwarto kaming apat nang bumukas ang pintuan sa banyo at iiniluwa nito ang naka dilaw na two piece na si Thalia. Nalaglag ang panga namin sa kanya habang siya ay malapad ang ngisi habang sinasakop ang buhok. Walang nagbago sa katawan niya. Iyong tiyan lang niya ang lumubo sa kanya.
"Tara na!" tawa niya sa pagkakatulala namin.
"Anong sikreto mo, Thalia? Ba't wala kang mga strechmarks?" tanong ni Iura na lumapit pa sa kanya. Mayabang lang kaming tinawanan ni Thalia.
"Sasabihin ko kapag nabuntis ka o isa man sa inyo." kindat niya sa amin. Ramdam ko ang pagkakapaso ng balat ko sa sinabi niya bago ako mabilis na nag iwas ng tingin. Napakamot ng ulo si Hartley na nakangiwi.
Mabilis na nagsuot ng maluwang na bestida si Thalia bago naunang lumabas. Naka-spaghetti strap ako at shorts. At two piece sa pang loob. Hinahagod ko ang buhok nang lumabas ng silid.
"Nauna na iyong mga gamit natin sa Cabahan. Nakapag-rent na rin si Kuya Victor ng cottage." sabi sa amin ni Hartley habang naglalakad na kami papalabas.
"At ang mga pagkain?" tanong ko.
"Naroon na rin. May dalawang kasambahay na kasalukuyan ng nagluluto." ngiti niya. Napangiwi ako ngunit tinanguan ko na siya. Nagkamot ng ulo si Iura bago sunod na pumasok sa SUV nila Hartley. Tumabi ako sa kanya habang magkatabi sina Thalia at Hartley sa harapan.
Buti at nakapag-ipon na ako ng malaki laki kaya hindi rin sayang ang isang linggo ko rito. Siguro, sa susunod na buwan ako ulit magsisimulang mag trabaho. Kung tatanggapin pa rin ako ni Ma'am Issa, pero kung hindi, hahanap na lang ulit ako ng panibagong trabaho. Pero kapag nanganak na si Thalia, siguro hindi muna ako mag ta-trabaho. Sa susunod na buwan na pala ang kabuwanan niya. Mas mabuting lagi namin siyang kasama para mabantayan din namin at maalagaan.
Pagdating namin sa Cabahan ay may iilan ng mga turistang naroon. Malaki ang cottage na nirentahan ni Hartley. May dalawang malalaking kuwarto, may dalawang banyo at isang espasyo para sa salas. Sa tapat ay may isang kasambahay na nag iihaw ng barbeque.
"Ligo na tayo!" yaya ni Thalia na pumasok sa loob ng cottage para maghubad ng kanyang bestida. Sumunod din ako para makaligo na rin. Naghubad na ako ng short at ng pang itaas na damit. Pagharap ko sa likod ko ay naabutan ko ang gulat at namamanghang si Hartley na nakamasid sa katawan ko.
"A-Ang ganda ng katawan mo." uminit ang pisngi niya. Humalakhak naman ako.
"Paniguradong mas maganda ang katawan mo." kindat ko. "Maligo na tayo." yaya ko bago sumunod kay Iura na nauna na sa labas. Napatingin ako sa naka-beige na two piece na si Iura. Bagay iyon sa kanya lalo na't mestiza siya. Maganda rin ang pagkakakurba ng kanyang katawan. Abala siya sa pagsisikop ng kanyang buhok habang nakatingin sa akin.