Girlfriend
Lumalabas ako ng banyo habang inaayos ang butones ng aking blouse. Saktong paglabas ko ay natanaw ko si Aegeus na nakaupo sa kanyang kama at napatingin din sa akin. Nagtaas ako ng kilay nang bumaba ang tingin niya sa ginagawa ko.
"Akala ko sa labas ka na maghihintay?" sabi ko bago iiwas ang tingin ko sa kanya. Hinagod ko ang buhok. Hindi ko pa masyadong napapatuyo pero ayos na 'to dahil baka tapos na rin iyong dalawang maghanda.
"Tapos ka naman na magbihis." simpleng tugon niya bago pinasadahan ang buhok.
Hindi na ako nagsalita pa at inabot ang aking bag at naupo sa kanyang kama. Umangat ang gilid ng kanyang labi nang makita ang pagsandal ko sa headboard ng kanyang king size bed. Hindi ko alam kung anong nakakamangha sa ginawa ko.
"You're really unbelievable." iling niya at nahuli ko ang kanyang pag-ngisi. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Just keeping myself feel at home." tamad kong sinabi habang inaayos ang aking bag.
"Yeah,"
Tumayo ako at sinukbit ang aking bag. Naglakad na ako patungong pintuan habang siya ay nakasunod lang ng tingin sa akin. Ramdam ko ang paghagod niya sa akin ng tingin bago ko siya mawala sa paningin ko.
Binuksan ko ang pintuan at lumabas na habang naramdaman ko na siya likod ko na nakasunod.
Pagkababa ko ay napatingin ako kanila Thalia at Hartley na nag-ku-kwentuhan. Naghahagikhikan sila bago nagbulungan. Dinilaan ko ang aking pang ibabang labi. Hindi ko alam na ganito na pala sila kalapit sa isa't isa.
Napatingin silang dalawa sa akin. Ngumiti si Hartley habang iba ang tingin sa akin ni Thalia na alam na alam ko na agad.
"Let's go." wika ni Hartley bago naunang lumabas. Hinawakan ako sa kamay ni Thalia bago niya sulyapan sa likod ko si Aegeus.
Naglakad kami patungong parking lot at nakita ang dami at iba't ibang mga sasakyan na kilala at mga mamahalin. Pinatunog ni Aegeus ang pulang Ferrari bago doon naglakad papalapit si Hartley.
Pumasok ako sa back seat at sumunod naman sa akin si Thalia. Sa front ay si Hartley na agad kaming nilingon at nginitian.
Pagkarating sa parking lot ng University ay nauna akong bumaba sa kanila. Sumunod naman si Thalia sa akin bago namin narinig ang boses ni Hartley.
"Sabay na tayong pumasok." wika niya bago tumabi sa akin.
Bumuntong hininga ako. Maraming estudiyante ang napapatingin at pinag-uusapan kami lalo na't katabi ko ang isang De Villach na gustong kaibiganin ng lahat at nakikisama pa sa dalawang estudiyante na mababa lang ang antas sa buhay at hindi pa mga sikat.
Hindi naman mahalaga iyon pagdating sa pagkakaroon ng kaibigan ngunit sa tingin ko lang ay iyon ang nararapat para kay Hartley.
"Uh, just don't mind them." naiilang at nahihiya ang boses niya sa tabi ko. Muli akong bumuntong hininga at nanatiling diretso lang ang tingin sa daan.
Pagpasok namin sa room ay lumalakas na ang mga bulong-bulungan lalo na't tumabi pa siya sa amin ni Thalia. Pinaggigitnaan nila akong dalawa. Huminga ako ng malalim.
"Uh, okay lang ba?" uminit ang pisngi niya at napatingin sa aming dalawa ni Thalia.
"Oo naman kaso marami lang kasing nakatingin, Hartley." mahinang sagot ni Thalia.