Silay
Nakahilig ako sa sofa habang mariin ang tingin sa hawak kong papel na bigay kanina ni Aegeus. Nakapagbihis na ako ng pang bahay at nakapagluto na rin ng hapunan. Kakatapos ko lang kumain at hindi pa umuuwi si Thalia kaya naisipan kong tawagan si Aegeus pero nagdadalawang isip ako.
Sinabi niya sa sulat na tumawag ako baka may importante siyang sasabihin kaya papatulan ko.
Nanginginig ang mga daliri ko habang tinitipa ang kanyang numero. Tumikhim ako at saka siya tinawagan ngunit sa ilang segundong paghihintay ay hindi niya pa rin sinasagot ang tawag ko.
Pinag-initan ako ng pisngi at mabilis na pinatay ang tawag. Napamura na lang ako dahil sa kahihiyang natamo.
"Anong bang iniisip ko?!" ginulo ko ang aking buhok sa iritasyon.
Nabulabog ako nang tumunog ang aking cellphone. Dali dali ko iyong tinignan at nakita ang pamilyar na numerong tinipa ko kanina. Pumikit ako ng mariin bago iyon sinagot.
"Uh," tumikhim ako. "Hello?"
"Archana," malalim na boses ang bumungad sa akin. Muli akong pumikit ng mariin at problemadong napahawak sa aking sentido.
"Hmm.. Aegeus..."
"Puwede ba akong bumisita diyan?"
Sandali akong natahimik. Dito? Bakit? Tumikhim ako kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
"...Ikaw," maiksi kong sinabi, naiilang.
Maya maya ay naririnig ko na ang pagkatok sa pintuan. Baka nandiyan na si Thalia. Bumuntong hininga ako at saka tumayo. Tamad kong binuksan ang pintuan at kasabay no'n ay ang panlalaki ng mga mata ko nang makita si Aegeus na nasa harapan ko. Naka-itim na longsleeve at pantalon. Uminit ang pisngi ko nang makitang may hawak siyang palumpon ng rosas.
"Tha—Aegeus!"
Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Naka-puting spaghetti strap lang ako at itim na pajama kaya mas lalo akong tinamaan ng hiya.
"I forgot to ask you if I can visit." banayad ang tinig niya bago ilahad sa akin ang hawak na bulaklak.
"I bought you flowers."
Tumikhim ako, tahimik na tinanggap. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Madalas ko naman siyang nakakasama nitong nakaraang mga linggo ngunit aaminin ko na hindi pa rin ako nasasanay sa presensiya niya.
Namumula ako habang pinagmamasdan ang magandang bulaklak na nasa kamay ko. It's so beautiful.
"Archana..."
Inangat ko ang tingin ko at napatingin kay Thalia na gulat at namamahangang nakatitig sa amin. She's still in her uniform. Nakasukbit ang shoulder bag sa kanyang balikat. Pansin ko rin ang kaunting make up sa kanyang mukha. She looks inspired and happy. Kuryuso tuloy ako kung saan siya nanggaling.
"Thalia," nagtitigan kaming dalawa, parehong nangungusap ang mga mata.
Tumikhim ako nang maalalang hindi lang pala kami ang nandito.
"Pasok ka, Aegeus." sabi ko at naunang pumasok sa loob kasunod ni Thalia.
"Saan ka galing? Akala ko diretso ka ngayon sa apartment?" tanong ko. Nahuli ko ang pagkakapula ng kanyang pisngi bago nag iwas ng tingin sa akin.