Chapter 16

24.4K 636 51
                                    

"WHERE have you been?" Bungad sa kanya ni Hellion. His brows were tied and obvious frustration was written on his face.

Ito ang ka-una-unahang pagkakataon na nakitaan niya ng galit ang binata. Kahit naman tutol ito sa ginawa niya ay naging kalmado at hinayaan pa rin siya ng binata.

"Kay Hendrix lang." Sagot niya. Hindi niya halos matingnan ang binata dahil nahihiya siyang ipakita ang maga niyang mata.

"Pack your things, we're going back to Philippines." Mariing utos ni Hellion.

Now it's her turn to furrow her brows.

"Bakit? May problema ba?" Nag-aalalang tanong niya rito. Hellion seems upset. Parang hindi ito mapakali. Nahagip ng tingin niya ang maleta nitong nakahanda na.

"Hellion---"

Mapapikit ang binata at napamasahe ng sintido. He's losing his patience.

"Please, just..just pack your things."

"Bakit? Ano bang nangyayari?" Naguguluhang tanong niya.

Nagsimula na rin siyang kabahan.

"It's your Dad, Chloe. He needs you right now." Seryosong sagot ng binata.

IT WAS the fastest preparation for her on a flight but it was also the slowest right. It was torture.

Hindi siya mapakali sa kinauupuan niyabsa private plane ay si Hellion na mismo ang piloto ng sinasakyan nila.

Walang patid ang luha sa pag-tulo mulabsa mata niya habang binabasa ang naipundar na text mula sa Mommy niya. Dahil naka-airplane modeb siya. Tanging mga dating text lang at hindi siya makatanggap ng panibago.

Mom:

'Chloe, where are you?'

'Your father...he's on the hospital.'

'Please, anak, answer our calls.'

'Anak, hindi kami galit umuwi ka na.'

'Your Dad is on coma.'

'Anak, he needs you, he need to undergo an operation. Please, I need your support right now.'  That's the last message she received from her Mom yesterday evening.

Nanghihina ang buong katawan niya sa nabasa.

His Dad is on the hospital. Wala siyang kaalam-alam sa nangyari dito dahil nahing abala siyang habulin ang binata.

Hiyang-hiya siya sa sarili niya. How could she not listen to the one who raised her, to the one who love and can't hurt her just because of a fucking man. Of a fucking Hendrix Benjamin.

Paano niya haharapin ang magulang niya? How could she face her parents when she just turn her back at them to chase a runaway man? Would her mother loathes her? Her Mom could lost her love of her life because of her.

Napailing siya sa naisip. No, hindi pwede. Her father will live.

"Mas kakayanin ko pang tanggapin ang kahihiyang ito, kaysa makita ang anak kong humahabol ng lalaki. Hindi ka namin pinalaki ng ganoon."

She remembered her father's last words. Mas lalo siyang nanlumo at labis ma sinisisi ang sarili.

Kung hindi ako nagpumilit, hindi sana mangayari ang lahat ng ito. Hindi siya masasaktan ng ganito. Hindi mag-aagaw buhay ang ama niya at hinding-hindi sana mangamba ang ina sa buhay ng asawa nito.

Kung hindi ba siya nagpumilit na habulin ang binata, would things happen differently?

Magiging okay ba ang Daddy niya, hindi ba siya masasaktan sa binitawang salita ni Hendrix, at hindi ba niya mailalagay ang sarili sa doubleng kahihiyan?

Chasing Benjamin (4th Gen#10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon