Chapter 32

23.4K 706 86
                                    

A/N: just have some minor revision about their Day dates of dating. Gosh, ang vovo ko! Ginawa kong 700 ang 2 yrs when in fact 730 dapat. In-edit ko na, sorry for the errors :3 but all in all wala namang nag bago maliban sa adjustment sa dates. Enjoy reading!






NANG makalayo na si Hendrix ay muli siya bumalik sa loob. Kakasimula pa lamang ng paggupit kay Drix Loe kaya hindi sila pwedeng umalis.

Panaka-naka ang tingin niya sa labas, lalo na at glass walled, kitang-kita niya ang tao sa labas.

"Ang bilis mo, ah? Nasaan 'yung tubig?" Nagtatakang tanong ni Collie habang patuloy pa rin sa paggupit ng anak niya.

Binasa niya ang pang-ibabang labi para pawiin ang kaba.

"I forgot my purse." Palusot niya.

Kumunot ang noo nito.

"Hawak mo, girl."

Napatingin siya sa purse na hawak niya. Napatampal siya ng noo.

"I've got to go. I'll be back, anak." Paalam niya at muling lumabas sa salon ng makita si Hendrix sa may kalayuan habang may dalang compress.

She sighed and walk towards him. Kahit ayaw niyang lapitan pa ang lalaki ay wala siyang magawa dahil baka mag-abot pa ito at ang anak.

Kumunot ang noo nitong tumingin sa kanya, pababa sa kanyang paa na maayos na naglalakad.

Blanko lang ang reaksyon niya.

"It's not hurt anymore?" Tanong nito habang nakatingin sa paa niya.

Muli itong lumuhod at akmang hahawakan ang paa niya ng bigla  niyang iatras. Halatang nagulat ito sa ginawa niya pero naiintindihan nito lalo pa't galit pa rin siya.

"Tumayo ka diyan, Benjamin. Pinagtitinginan na tayo." Malamig na sabi niya sa binata.

Nakapansin siya ng may mga taong nakatingin sa direksyon nila. They're probably talking about them right now.

Napairap na lang siya sa inis.

Tumayo na si Hendrix at ibinigay ang compress sa sekretarya nito saka tumingin ng mariin sa kanya.

Napaiwas siya ng tingin sa ginawa nitong pagtitig. It's like it's searching something on her soul. Ganoon ang binata dati kung may tinatago siya rito. At malalaman ng binata kung iiwas siya ng tingin.

"You're not hiding something from me, right?" Tanong nito.

Malakas siyang napamura sa kanyang sarili. Kung bakit ba kasi umiwas siya ng tingin!

And he probably remember their past, huh.

Malamig niyang tinitigan ang binata.

"Everyone has something to hide, Heendrix. And mine doesn't concern you." Saad niya at nilagpasan ito.

Doesn't concern? Naririnig ba niya ang sarili niya? He even have a child with her and it doesn't concern her?

Naramdaman niyang napasunod sa kanya ang binata, nakahinga siya ng maluwag.

"Everything about you concerns me, Chloe." Seryosong saad ng binata.

Ngumisi siya ng mapakla dito.

"Well, save your concern to yourself, Benjamin. Hindi kita kailangan." Mataray na sabi niya dito.

"Kailangan kita."

Tumikwas ang isang kilay niya at hinarap ito.

"Dudugtungan ko na ba ng, ngayon at kailanman?" Tanong niya rito at mapanuyang tumawa. She's actually pertaining to a song, Kailangan Kita?

Chasing Benjamin (4th Gen#10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon