Chapter 50

25.4K 561 65
                                    

"I'm still mad." Ungot ng binata ng nasa kotse na sila at pauwi na.

Napasimangot siya rito.

"Do I need to sing again?" Tanong niya sa binata.

Hendrix hissed.

"Not now, Chloe. No teasing." Mariing pigil sa kanya ng binata.

"Bakit nga galit ka? Dahil ba inaway ko ang babae mo?" Pambabaliktad niya rito.

Hendrix brows furrowed and his face splash with disagreement.

"Hindi ko siya babae, Chloe. I am mad because you were hurt physically. I treated you as a treasure and she have no rights hurt to you." Mariing saad ng binata.

She giggled. "At least napuruhan siya. Mas marami pa siyang pasa kaysa akin."

Hendrix lips rose up, nawala ang inis aa mukha nito. "That's good."

Supportive talaga ni Hendrix. Napailing na lang siya.

Mabuti na lamang at may dala siyang suklay sa bag niya kaya naiayos ang buhok niya. Parang hindi naman siya galing sa pakikipag-away maliban na lang sa kalmot sa kanyang braso.

Nang makarating na sila sa mansion ng mga magulang niya ay kinabahan siya.

Uuwi na ang Daddy niya kasama ang Mommy niya galing sa Thailang kung saan may ini-meet itong investor.

Hindi pa naman maganda ang huling pag-uusap nila. Kailan ba sila maayos ng Daddy niya?

"Momma, Daddy!" Drix Loe screamed upon seeing them. Tumakbo ito papunta sa direksyon nila na agad na sinalubong ni Hendrix sa takot na baka madapa ang anak.

"I miss you, son." Hendrix kissed Drix Loe's cheeks as he carried him to his arms. Agad namang pumulupot ang braso nito sa leeg ng ama.

"Momma." Tawag sa kanya ni Loe at mukhang gusto ring magpakarga sa kanya kaya lumapit siya pero laking gulat niya ng yakapin lang siya nito kaya magkalapit tuloy silang tatlo. Agad na pinalibot ni Hendrix ang isang kamay sa bewang niya.

Hendrix chuckled on what his son did.

"Nice one, son."

Sinamaan niya ng tingin ang binata pero nakangiting bumaling siya kay Drix Loe.

"You missed me, anak?" Malambing na tanong niya sa anak.

"Of course, Momma. I love you so much!"

She giggled and pinch his son's cheek. Nag-angat naman siya ng tingin kay Hendrix na may masuyong tingin sa kanilang dalawa ng anak niya.

Hinalikan siya nito sa noo.

"I won't get tired saying thank you for giving me the biggest blessing, Chloe. I love you both." Malambing na saad ng binata.

Nag-init naman ang kanyang pisngi at bahagya itong tinampal sa dibdib.

"Don't be too sweet, Hendrix." Namumulang saway niya sa binata.

"Why? Kinikilig ka?" Tukso nito sa kanya.

"Nah. You're just making me fall in love with you more." Nakangiting sagot niya rito.

Napaawang ang bibig ni Hendrix sa gulat dahil sa sinabi niya. Nahigit nito ang hininga at namumulang umiwas ng tingin.

Oh my gosh, did she just witness a kinikilig na Hendrix Benjamin? Ganito pala kiligin ang binata.

"Breath, hon." Nakangiting saway niya sa binata ng naramdaman niyang tumigil ito sa paghinga. Tinawag pa niya ito sa endearment nila para mas lalong tuksuhin ang binata.

Chasing Benjamin (4th Gen#10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon