(Guilty/✨)
HANGGANG ngayon ay sariwa parin sa alaala ni RR ang mga binitawang salita sa kanya ni RS. Sabado na ngayon at rest day nya pero pakiramdam nya pagod na pagod sya, noong Miyerkules pa nangyare iyon pero kada nagpapahinga sya ay ito agad ang unang pumapasok sa isipan nya.
Hindi naman kaya ay may gusto ang kaibigan nya sa binata at senyales ito na lumayo sya sa binata?
Pero hindi naman mahilig si RS sa mga lalaking involved sa pamilya nila, it's a big no to RS to have a relationship between her and her cousin.
Then why the heck is she telling me to distance myself on Matt?!
Imbis na masiraan sya ng bait kakaisip kung bakit ay minabuti nalang nyang bumangon na ng kaniyang higaan at pumasok sa c.r. ng kanyang silid.
SHE IS running late, tadtad na din ng text message and missed call ang cellphone nya. Pano ba namang hindi paglabas nya ng c.r. kanina nakasilent pala ang kanyang cellphone kaya naman hindi nya namalayang tumatawag pala sa kaniya ang kanyang mga kaibigan.
Take note lahat sila.
Muli syang tumingin sa labas ng sasakyan, idagdag mo pa nga naman sa kamalasmalasang araw na ito bukod sa late na sya ay naipit pa sya sa traffic.
Tiningnan nya nalang mula isa isa ang mga mensahe sa kanyang cellphone saka isa-isang binasa ang mga iyon.
Una nyang nakita ay si Renz na may 30 mensahe sa kanya at 5 missed call. Si Raven naman ay 5 message lang at 1 missed call, si RQ na natuwa ata kakamessage kaya umabot ng 17 message at 2 missed call samantalang si RS naman ay may 167 mensahe at 34 na missed call.
From : Raven
RR, yawa ka nasan kana!! Gutom na ko!!From : Renzi
Ano susunduin na ba kita? Send me your location.From : RQ
Putragis naman o ang init dito sa pinupwestuhan namen! Asan kana ba? Sumagot ka naman ng tawag namen aksaya ka ng load!! Paloloadan mo talaga ako!From : RS
Hoy babae hindi porket artistahin kana ay dededmahin mo na ang messages ko! Pasalamat ka naka unli ako!!Hinayupak na to! Kaya naman pala todo text naka unli!!
Nireplyan nya nalang ang mga ito sa gc nila saka muling ibinalik ang cellphone sa bag dahil umusad ng muli ang mga sasakyan.
Isa pang naging malaking palaisipan kay RR ay ang kinikilos ni RS. Para kaseng hindi sya nito pinagbalaan nung nakaraan at ngayon ay ganon na ulit ang ugali. Sintu-sintu nanaman.
Nakarating syang agad sa destinasyon nila dahil halos makipagkarera na ang sasakyang minamaneho ng kanyang personal driver makarating lang kaagad sa napagusapang lugar. At agad din naman syang sinalubong ng bunganga ng mga maratrat nyang kaibigan na dinedma nalang nya matapos humingin ng dispensa isa pa dito ay dahil sa nahagip ng kanyang nga mata kaya naman sinundan din iyon ng karamihan.
"Sumama sya kase bodyguard ko sya for today, ayaw ko namang magsama ng pitong lalaking naka tuxedong itim at pabuntot buntot sakin ano."
Nakangising banggit ni RS sa kanila kaya naman sabay sabay na umikot ang kanilang mga mata."Anyways, hindi pa din ako makapaniwala hanggang ngayon RS.. ikaw? May pinsang singtino ng kay gwapong nilalang na iyan?!"
Nanlalaking mata naman akong napatingin kay RQ dahil harapan nyang nasabi iyon na parang hindi namin kaharap si Matt. Pano nya nagagawa iyon?"Sinong matino? Iyan?! Huh!!"
Tumingin naman si RS kay Matt habang nakangiti lang ang binata at nakatingin din... Sa kanya..Agad naman syang napaiwas ng tingin dito dahil sabay sabay ding tumingin sa kanya ang kaniyang mga kaibigan at isa na doon si RS.
BINABASA MO ANG
TAMING THE PSYCHO (On-Going)
Teen Fiction"You'll never have something interesting when you just want the slightest of my magic" "You and your craziness is making me insane!!" He never loves me but he said he want me, think of it.. why would a person stay so protective when they don't have...