23

4 0 0
                                    

RR POV

LUNOK... Ano kayang pumasok sa isip ng mga ito ay naisipang dumalo sa ganitong klase ng pagsasalo. Nalaman ko lang isa pala itong salu-salo dahil sinabi saakin ni RQ.

"Kung ganon? Bakit nandito ka RQ?"
Sinamaan agad ako ng tingin ng bruha.. aba nagtatanong lang naman ako kung makatingin saakin parang may mali akong nasabe.

"Haler? Ayaw ko naman talaga kaya lang.... Pinilit ako ng magaling kong Ama take note may kasama pang pangba-blackmail."

I mentally face palm... Oo nga pala, pano ko nga ba makakalimutan na ang step-dad ni RQ ay ang prime minister ng korea. Naloloka na ako sa buhay ko pag inisip ko pa ang buhay nya para ng sasabog ang ulo ko.

"Buti nalang kasama din naten si Raven at Renz dito kung hindi baka kanina pa ako nagmamaktol sa tabi ni Appa... Oy, nga pala nasaan na ang prinsipe mo? Bakit iniwan ka na ata dito sa amin? "

Napalibot nadin ako ng paningin... Oo nga ano? Nasaan na nga kaya si Matt? Siguraduhin nya lang na hindi umaaligid sa kanya ang malanding babaeng yun. Talagang malilintikan sya saakin.

"Ah! Ayun pala ang Prince Charming mo eh!!"
Halos takpan ko ang bunganga ni RQ dahil napaka lakas ng boses nito! Napatingin tuloy saamin ang ibang tao dito kaya naman napakagat labi nalang ako sa kahihiyan.

Shuta!

Pumaling ako sa direksyon ni Matt, kasalukuyan syang nasa itaas ng maliit na entablado at doon ay seryosong kausap ang isang lalaking may hawak na papel... Mukhang importante ang pinag-uusapan nila dahil walang makalapit sakanila.

Ilang minuto pa akong tumitig kay Matt ng bigla itong pumaling sa direksyon ko. Siguro ay naramdaman nyang may nakatingin sa kanya... At isa ako dun..

Halos mangamatis naman ang mukha ko ng ang seryoso at nakakatakot na mukha ni Matt kanina habang may kausap ay napalitan ng matamis na ngiti at matiim na nakatitig sa aking mga mata.

Halos magbulungan naman ang mga tao sa paligid, siguroy nagulat din sa inaakto ng Prinsipe.

Saglit lamang iyon at muling pumaling si Matt sa kausap nito.. balik nanamana ng mukha nitong nakakatakot.

"That's new."
Halos mapasigaw ako sa biglaang pagsulpot ni RS sa tagiliran ko... Pansin oo pang nagyukuan ang ilang malapit saamin pero hindi namin ito pinansin sa halip ay nakatuon ang mga mata nito sa kaninang akin ring tinititigan.

"W-What do you mean?"
Nagtatak kong tanong kay RS.. pumaling naman saakin ang aking kaibigan at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa aking mukha.

"He never smile my dear friend. Not after that day... Never until he met you."
Seryosong saad ni RS saakin kaya naman muli akong napapapaling kay Matt na hanggang ngayon ay may kausap pa din.

Kaya ba ganon nalang ang gulat ni Jackson ng makita nyang ngumiti ang Master nya. Kaya ba ganon nalang ang gulat ng mga taong ito ng ngumiti saakin si Matt.

"Looks like the plan is working, good job-"
Naputol ang sasabihin ni RS ng makita nya na papalapit na saamin si Matt.

"Careen."
Hinila ako ng marahan ni Matt palapit sa kanya at agad na niyakap ang aking beywang.

"Duchess Phlirisa..."
Pumaling sya kay RS kaya naman napapapaling din ako sa tinawag nyang- RS?

Nanlaki ang mata ko ng ngayon lang nagsink in sa utak ko ang sinabi ni Matt.

Bahagyang tumawa si RS..

"Kahit kailan ang epic padin ng reaksyon mo RR."
Napaawang ng bahagya ang bibig ko pero agad ding nagsarado ng hawakan ni Matt ang baba ko para isara ang bibig ko. Napalingon naman ako sa kanya..

"Yeah.. Careen, your reaction is priceless.."
Ngising ani nito saakin kaya naman inirapan ko siya... Bahagya naman natawa si Matt sa inakto ko..

Pansin kong tumahimik na si RS kaya naman pumaling ako sa kanya... May suot syang hindi ko na maipaliwanag na ekspresyon sa mukha na talaga namang nakapagpatindig ng lahat ng balahibo ko sa batok.

"Your scaring my Fiance Duchess.."
Madiing ani ni Matt, doon ko lang napansin na tumigil na pala ako sa paghinga...

"hahaha, sorry for that... My gagawen pa pala ako... Mauna na ako RR... I mean Princess Ria... Hmm.. that somehow suits you girl. Bye."
Nakipagbeso pa ito sakin pero nannindig din ang balahibo ko ng marinig ko ang mahina nyang bulong... Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko...

"Falling is not in the plan RR."
Nang humiwalay sya saamin ay nakatitig lang ako sa likod nya... Hanggang sa humalo na sya sa iba pang mga bisita.

Walang masyadong nangyare sa pagsasalo salong iyong. Wala rin naman akong masyadong naintindihan kase puro spanish ang sinasalita nila... Bagay na talagang mahirap magets lalo na at hindi ko naman talaga alam ang kahulugan.

Kaunting sayawan at kamustahan pagkatapos noon ay nag-announnce ng ilang mga bagay bagay.. hindi na rin namin tinapos yun dahil sabi sakin ni Matt ay hindi naman na daw kame concerned noon.

Habang nasa byahe mas pinili kong manahimik.. minu-minuto pumapaling ako kay Matt na may kausap sa telepono nya at kada magtatama ang mata namin ay ngingiti sya sakin at mamumula naman na parang kamatis ang mukha ko.

Ganon lang ang nangyare... Pero kahit sa pagtulog ko para parin akong hinahabol ng mga problema... Idagdag mo pa na parang sirang plakang paulit ulit na nagpepley sa utak ko ang sinabi ni RS na kung hindi nagkakamale ang dinig ko ay sinabing Hindi ako maaring mahulog kay Matt.

Pakisabi naman sakin kung paano... Nung una kase sabg-ayon ako... pero kase... Habang tumatagal na nakakasama ko sya lalo ko syang nakikilala at lalo ko syang naiintindihan...

Tulad nalang ng... Hindi sila magkasundo ng magaling nyang kuya...

Si Prince Matthias Dave Saavedra na nagsisimula ng sumali sa isipin ko at pinoproblema...

Bigla nalang kase syang lumapit sakin isang umaga at inabot ang kamay ko para halikan ang likuran nito...

Nang sandaling iyon nagpakilala siya saakin bilang...

"My Lady, It's nice to finally talk to you properly... If you don't remember it's me..."

Nakakunot ang noo ko.. pero agad din itong napalitan ng panlalaki ng mata...

"I'm P.M.D."

-KUTINGTINGERA-

TAMING THE PSYCHO (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon