10

13 0 1
                                    

(EK PART 1)

NAMUMUTLA, Nanlalambot, at nahihilo na si Ria nakakailang ulit na ba silang nagpabalik balik sa rides na animo iiitsa ang kanilang kaluluwa at ibabagsak silang biglang mula sa kamunduhan!!

At lahat ng iyan at ideya ng magagaling nyang kaibigan, maliban kay RS na ngayon ay nasa restroom daw at walang sawa sa pagsuka..

"Guys may nakita ako dun na magandang sasakyan!!! EROPLANO YUN SHETTT!!! TARA!!"
Humahangos pang ani ni Renz habang inaaya sila.

Ayoko na huhu, baka mamaya kung anong klaseng eroplano ang masakyan namen!!

Pero bago pa sya makaangil, ayun hila hila na sya ni Matt na mukang excited den.

Ng makarating sila hinahanda na nya ang sarili nya na makakita ng dambuhala at nakakapangiming rides, pero laking gulat nya ng makakita sya ng maliliit at cute na eroplano.... Kaya naman nakahinga sya ng maluwang.

"Eto na ba yun Renz??"
Tanong nya habang nakangiti kaya naman mabilis na tumango ang binata.. napangiti naman siya.

Agad syang hinila ng binata papunta sa tabi nito pero bago pa sya makaupo sa eroplano ay may humila sa kanya.

"Matt?? Okay kalang?"
Tanong niya ng makitang nakatungo ito habang hawak ang kanyang kamay.

"Can you sit beside me? You see I'm- huh, nevermind just go."
Binitawan nito ang kamay nya saka umupo sa isang blangkong eroplano.

Bakit naman ganon?! Nangongonsensya lang??!! Tumalikod siya sa binata at lumakad papunta kay Renz.. lihim namang napabuntong hininga ang kaibigan na kanina pa palang nakamasid sa dalawa.

"Renz kaya mo naman dyan diba, kase ano-"

"Go, kaya ko naman."
Pagkatapos ay pumaling na ito sa kabilang direksyon. Tanging buntong hininga nalang ang nagawa nya at umikot papunta sa direksyon ni Matt.

Napansin nya ang pagkagulat nito kaya naman nginitian nya ang binata at umupo sa kanang parte ng eroplano.

"I thought-"

"Akala mo lang yun!! Haha"
Ngumiti sya dito at nginitian din naman sya nito pabalik.

Saglit namang natahimik ang katabi nya at saka siya nakaramdam ng pagkailang.
Yawa sabi na dapat kay Renz nalang ako tumabi!! Huhu.

At para matanggal ang kaba at ilang ay sumigaw sya.

"Kuyang nag ooperate!!! Istart mo na yan!!"
Ngiti.... Yun lang ang ginawa sa kanya ang operator.

"Aba loko to ah!! Nginitian lang ako!!"
Bulong nya sa sarili na narinig pala ng katabi nya na lihim syang tinatawanan kaya naman sinamaan nya ito ng tingin.

Tud!!

Senyales na aandar na ang sasakyan.. excited na sya dahil mukang kalmado sinasakyan nila.

"I suggest you hold on tight... I mean real real tight."
Kibit balikat nalang siyang humarap ss unahan at inenjoy ang pagtaas baba ng eroplano.

Dahan dahan, hanggang sa unti unti parang may kakaiba, bakit pakiramdam nya tumatagilid ata tapos bumibilis pa!!!

"M-Matt...."
Nilingon nyang mabilisan ang binata saka humarap ulit sa harapan.. nakangiti lang ang gago!!! Putang'na how to be you!!!!

Umiikot na ang eroplano at nakakarinig na sya ng mga palahaw at sigaw...

Pikit!!! Wag kang mumulat!!! Pikit!!!

TAMING THE PSYCHO (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon