MAX POV
Katatapos lang nang unang araw nang pagsasanay ni Jade, hindi man kapanipaniwala pero napabilib ako ni Jade sa naging laban niya kay Crystal.
Lalong-Lalo na nung ginamit niya ang apoy upang makapag tago sa usok at para makaatake....
Pinagpahinga ko na muna si Jade upang nakabawi siya nang lakas niya, Maya-maya kasi ay may pupuntahan kaming isang napaka importanteng tao.
Hindi ko alam kung anong pakay niya kay Jade, subalit sinabi nang Magic Council na hayaang makapag kita sila ni Jade.
...
Lumipas na ang tatlong oras, agad akong tumungo sa silid ni Jade, akmang kakatok na sana ako nang marinig kong nagsasalita si Jade, na tila may kinakausap ito.
"Curse Girl! Sinong kasama mo riyan?!" sigaw ko rito.
Pagkatpos non ay nakarinig ako nang kalabog nang tila aparador, kaya naman agad kong pwersahang itinulak ang pintuan niya, dahilan kaya ito nasira.
"Hoy! Maxsungiiiit! Bakit mo sinira ang pintuan ko!" sigaw nanaman nito saakin.
"Sino ang kausap mo kanina lang?!" galit kong saad dito, kaya ang mukha niyang galit kanina ay tila naging isang maamong tupa.
"W-Wala yon! Kinakausap ko lang ang sarili ko, hindi ka pa ba nasanay?!" pagpapalusot nito.
Hindi ako naniwala sa kaniya, kaya naman agad kong hinalughog ang kwarto niya.
"Hoy! Ano ba Max, wala nga sabi eh!" pagpipigil nito saakin.
Nang bukasan ko ang aparador niya ay wala parin akong nakita, hinahalughog ko ito nang biglang makarinig ako nang bahing nang kung anong nilalang sa kama niya.
Taka naman akong napatingin sa Bag ni Jade.
"Aching!" pagpapapansin ni Jade, akala niya siguro ay mauuto niya ako sa mga gimik niya.
Agad kong pinulot iyong bag niya na pinaglagyan niya kanina nang mga Sandwich.
Nang buksan ko ito ay nakita ko ang isang batang wolf, at nang bigla nanamang bumahing ito ay may lumabas na apoy mula sa ilong nito, atsaka ito tumingin nang matalim saakin.Bago pa ako nito sigurin ay agad na naagaw sakin ni Jade iyong bag.
"Hehehe, sorry hindi ko agad nabanggit sa inyo ang tungkol kay Seroj?" saad ni Jade
"What's with that thing?"
"A-Alaga ko?" saad nito sakin.
"Eh bakit nandito yan? At bakit mo tinatago?!"
"Yan! Yan ang dahilan kung bakit ko tinatago si seroj sa inyo! Magagalit kayo tapos ano?! Ipapatapon niyo si seroj sa gubat! Alam niyo ba yung pinagdaanan namin nung napunta ako sa gubat na yon?!" pagdadrama nito.
"Stop! Ang dami mo na agad sinasabi!" saad ko rito
"Eh?" - Jade
"We will keep seroj, itatago natin siya." saad ko rito.
"T-Talaga? T-Totoo ba yan Max!?"
"Yeah!" matapos ko sabihin yon ay bigla siyang tumalon patungo saakin, kaya naman natumba kaminpahiga sa kama niya.
right now, nakahiga ako sa kama niya habang nakapatong siya saakin.
Pakiramdam ko ay nagiinit ang mukha ko.
Hindi lang pala ang mukha ko kundi pati ang buong katawan ko."S-Sorry nadala lang nang tuwa." sambit ni Jade pagkatapos ay agad nang humiwalay saakin.
Agad na rin akong tumayo matapos niya humiwalay saakin.
YOU ARE READING
HEALER (The Forbidden Charm)
FantasyIm just a simple girl, living in a magical world. Where everyone that sorrounds me, have a magical charm. When i was a kid, I already know that i'm unique from others, cause am a less charmer. But everything has change, when i accidentally open an a...