KABANATA 7

22 3 1
                                    

CRYSTAL'S POV

Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang panlalamig ng katawan ko, dahil sa ginawa ni Jade sa amin, ikinulong niya kami sa yelo.
Pero kahit na ganoon ang ginawa niya saamin ay natutuwa ako dahil sa nakikita ko ngayon si cap na pasimpleng tumatawa, marahil natawa siya kasi hindi manlang kami naka palag kay Jade noong ikulong niya kami sa yelo.
Napansin ko naman si Enzong kakamot-kamot ng ulo niya marahil ay nahihiya ito kay cap.
To be honest, simula nang makita namin si Jade, napansin kong napapadalas na ang pagngiti ni Cap mag isa, parang sira lang ano.

Ngayon ay patuloy parin kami sa paghahanap kay Jade, dahil sa pagod ko ay huminto muna ako sandali at nagpahinga, napansin ko rin na huminto rin sila.

"What are you guys doing?!" tanong ni Cap saamin

"Nagpapahinga?" sabay naming saad ni Enzo, kaya naman nagkatinginan kami

"Hahaha" tawa nito na talagang ikinagulat namin

Nang tumigil siyang tumawa, wala ni isa saamin ang nag salita, hanggang sa siya na mismo ang nag salita.

"Come on guys!" sambit nito saamin

"Kuya Max, Let's use our charm nalang pagod na po akong tumakbo eh." singit ni Chad

"Paanong hindi ka mapapagod eh ang bigat-bigat na niyang dalahin mo, hahahaha!" mapang asar na sambit ni Enzo kay Chad

"Ate Crystal Oh! si kuya Enzo nangangasar nanaman!" sambit ni Chad saakin, kaya naman agad kong sinamaan si Enzo ng tingin.

"Ikaw! tigil tigilan mo ang pang aasar sa bata!" sigaw ko rito

...

Out of no where, biglang nagsalita si Max

"I have an i dea!" sambit ni cap saamin, atsaka siya sumenyas na lumapit kami sa kaniya.

"So, here's the plan!"

Pagkatapos namin pag usapan ang plano, ay agad na kaming kumilos.

"Operation Hulihin Si Ate Jade! Yohoooo!" Magiliw na saad ni Chad kaya napangiti kaming lahat

Agad na lumipad si Enzo kasama si Chad, si Max naman at ako ay tumatakbo.

Ilang sandali pa ay sumigaw na si Enzo mula sa itaas.

"Cap! Confirmed! Nasa palengke siya!" sigaw nito

"Mukhang babalik siya sa gubat." saad nitong kasama ko

"Let's proceed to the next plan!" sigaw pa nito sa mga kasama namin sa itaas

Ilang sandali pa ay pinalutang na rin kami ni Enzo hanggang sa maka lapit kami sa kanila.

"Now, its your turn Chad." sambit ni Cap kay Chad

"Aye! Aye! Captain!" agad na ikinumpas ni Chad ang mga kamay niya, kasabay ng pag angat ng mga lupa patungo sa kagubatan, at dahil sa ginawang iyon ni Chad, ay parang naging isa itong mataas na pader.

Ilang saglit pa ay nakita na namin si Jade, palinga linga ito at tila nag mamatyag kung nasundan ba namin siya.
Nang lumiko siya ay talagang nagulat siya, dahil wala nang ibang daan doon, dead end na.
Nakita ko rin na napakamot siya ng ulo niya, atsaka ito dumiretso sa isang iskinita, pagkapasok niya rito ay dead end na rin, kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang bumalik kung saan man siya dumaan kanina.

"Now, do your job Crystal." sambit saakin ni Cap, atsaka siya agad bumaba sa lupa para salubungin si Jade

Agad kong itinaas ang mga kamay ko at nag paulan, dahilan kaya napatakbo si Jade palabas sa iskinita.
Bakas ko sa mukha ni Jade ang pagkagulat ng makita ang mukha ni Cap, at iyon din ang naging dahilan kung bakit napahinto si Jade.

HEALER (The Forbidden Charm)Where stories live. Discover now