JADE'S POV
Nagising ako sa tabi ng isang malaking puno, agad akong na upo habang sapo-sapo ko ang aking ulo dahil masakit ito.
"Nasaan ako?" tanong ko saaking sarili, napahawak akong muli sa ulo ko nang sumakit ito, kasabay noon ay ang unti-unting pagbalik ng ala-ala ko sa mga pangyayari kagabi, pati na noong hinahabol ako nina Max.
"So? Totoong nakausap ko ang Quadro Elves?" gulat kong sambit saaking sarili
"Ibigsabihin, t-totoong ako ang nakatakda?" dagdag ko pa
"Pero papaano ko sisimulan ang lahat ng ito?" tanong kong muli saaking sarili, bigla naman nag flash sa utak ko iyong limang baraha.
Una ang four major elements, ang Fire, Water, Earth, and Air.
"Ibigsabihin, kailangan kong makita ang mga makakatulong saakin sa darating na digmaan."
Nag umpisa na akong maglakad, pero ramdam ko ang pananakit ng paa ko, napilay yata ako.
Dahil sa sakit ay na upo akong muli."Paano na ako ngayon? Huhuhuhu!"
"Alam ko na! Hi- " napahinto ako sa pagkausap sa sarili ko ang tila bendang naka pulupot sa magkabilang braso ko.
"Saan ito galing?" tanong kong muli, pero hinayaan ko nalamang ito, at tinuloy nalang ang dapat kong gawin.
sinimulan ko nang hilutin ang kaliwang binti ko gamit ang mga kamay ko, ilang sandali pa ay napansin ko ang mga benda sa braso ko na naging kulay rosas(pink)."P-Paano nangyari iyon?" sambit ko, kasabay ng biglaan kong pagtayo habang naka tingin parin dito.
"T-Teka? naka tayo ba ako?"
"Wala na ding masakit?"
"Himalaaa! May Himalaaa!" hindi ko makapaniwalang sambit, dahil sa tuwa at galak ay napatalon-talon ako, hanggang sa madulas ako at bumagsak pa upo.
"Ughh! Ang sakit tuloy ng pang upo ko!"
Nang mag process na sa utak ko ang pangyayari ay agad na akong naglakad.
Habang nag lalakad ako ay nakaramdam ako ng gutom."May pagkain kaya akong makimita rito?" tanong ko nanamang muli sa sarili ko
Luminga-Linga ako sa paligid, hanggang sa makakita ako ng bunga ng MagicFruit.
Agad kong inakyat ang puno nito atsaka pumitas ng tatlong piraso, akmang bababa na sana ako ng puno ng mapansin ko ang isang Uso at isang batang Wolf.
Ang uso ay tila gutom na gutom at ang napili niyang pagdiskitahan ay ang batang wolf, napansin ko rin na tila may kakaiba sa mga hayop na ito.
Nang sumugod iyong uso, doon ko lang nakompirma na may kapangyarihan itong gumamit ng lupa, agad naman na tumalon paitaas iyong batang wolf atsaka binugahan ng malamig na hangin yaong uso, dahilan kaya nag yelo ang kalahating katawan ng uso.Pipilay-pilay na tumakbo iyong batang wolf at halata rito ang panghihina.
Agad akong bumaba mula sa puno atsaka ko sinundan iyong batang wolf, nakita ko iyong batang wolf na nagtago sa likod ng mga naglalakihang bato, kaya naman agad ko itong pinuntahan.
Nakita ko siyang tinitilaan ang sugat sa kanang kamay niya, akmang lalapitan ko ito ng biglang naging kulay kahel siya, kasabay ng biglang pagliyab ng buntot niya.Ngayon lang ako naka encounter ng ganito, sabi nila na maging ang mga hayop dito sa Hespheria ay pinagkalooban ng kapangyarihan, pero hindi ito kasing lakas ng kapangyarihan ng mga tao.
Ngunit may iilan daw na hayop ang pinagpala at nagkaroon ng kapangyarihang katumbas sa tao.Napa atras ako dahil sa ginawa ng batang wolf, dahan-dahan kong inilapit ang isa kong kamay habang kinakausap siya.
"Huwag kang matakot, mabait ako." sambit ko rito
YOU ARE READING
HEALER (The Forbidden Charm)
FantastikIm just a simple girl, living in a magical world. Where everyone that sorrounds me, have a magical charm. When i was a kid, I already know that i'm unique from others, cause am a less charmer. But everything has change, when i accidentally open an a...